--Chapter 22-- First Times
<Candace's POV>
Ilang linggo na. Ilang linggo na ang nakararaan mula ng mapanaginipan ko ulit ang batang yon. Ilang gabi ring nagpaulit ulit ang panaginip na yon na para bang nakakuha ako ng unlimited stock na ticket para sa isang pelikula. Talo pa nito ang bottomless na iced tea sa Mang Inasal. Talo pa nito ang napanalunan kong promo na 1 year supply ng Boy Bawang. Talo pa nito ang
Teka nga! Hyperbole nanaman tong iniisip ko eh! Eh kasi nabo bother na talaga ako sa panaginip kong yun. Noon naman nabobother din ako sa kaiisip kung sino sya, ngayon naman mas nabobother pa ako kung sino ba yung LUIS na yun? At tsaka, of all the time of my life naman! Bakit ngayon pa sya nagpakilala? Ay mali mali! Bakit ngayon ko pa sya naalala?
*flashback*
"Hindi nga?! Nalaman mo na? Anong pangalan nya?"
"Ambi Pur kelan ka ba matututo na hinaan ang boses mo ha?"
"Dali na kasi!! Ano na kasi ang pangalan nya?"
"Luis nga kase! Luis, at hindi ko talaga maalala kung sinong Luis yun! Ikaw ba, may naaalala kang kaibigan natin nung bata tayo na Luis?"
"Gaga! Malamang sa malamang hindi ko kilala yun no? Diba nakilala mo yung bata before pa tayo magkakilala? Ay shunga ateng?"
"Leche di ka nakakatulong eh. Layas!"
*back to reality*
Oha ang daming natulong sakin ni Ambi Pur sa pag figure out kung sino si Luis. =___= Tatlong linggo na din akong tambay dito sa bahay, si Ambi Pur naman napunta lang dito kung kelan sya free at walang date kay Dylan. Tapos minsan naman ako yung tatambay sa bahay nila. Napansin ko din na wala madalas sa bahay nya si JC, ang sabi naman ni Ambi, sabi daw sa kanya ni JC eh inaasikaso nito ang transfer papers nya kasi diba galing pa sa ibang bansa. Isa pa si Kevin! Hindi naman sa namimiss ko sya pero, kasi .. Oo na! Namimiss ko din naman yun no! Hindi rin kasi nagpaparamdam, nagtetext man bati lang. Yung tipong Goodmorning! Goodafternoon! Goodevening! Ganyan lang! Tapos ang dalas pa wala akong load sa mga panahong yun!
*There's only 1 way to do
3 words 4 you
I love you*
"Hello Kevs! Buti naman nagparamdam kana! Alam mo ban---"
"Candace! Uy sama ka saken ngayon!"
"Ha? Saan?"
"Basta! Matutuwa ka promise. Pupunta na ko sa bahay nyo."
"Tek-- Kevs? Huy? Hello?"
Binabaan na ako! Trip nun? Pero teka nga, saan naman kaya kami pupunta? Pero sige keri na to since nabobored na rin naman ako dito sa bahay. At least naman bago pumasok eh maramdaman kong may ginawa ako ngayong summer bukod sa birthday ni Ambi Pur =____=
Naligo na ako at nagbihis ng simpleng t-shirt lang at jeans. Pagkatapos eh nagsapatos na ako at on cue naman ang
*puut-puut*
Oha!
"Candace, si Kevin asa labas. May lakad ba kayo?"
Sigaw ni tita mula sa labas ng kwarto ko.
"Tit opo, sorry po ngayon ko lang nasabi, ngayon lang din naman sinabi ni Kevs sakin eh."
Sabi ko nang binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko.
"Sige na nagaantay na si Kevin sa baba."
And with that, bumaba na ako! At ang bumungad sa tapat ng bahay namin?

BINABASA MO ANG
Stringed Together [ON-HOLD]
Teen FictionMinsan na lang ma inlove sa BAKLA pa, sa baklang patay na patay sa lalaking may gusto SA AKIN?! Ano na lang ang magiging ending? (O______o)