Chapter 10.2

60 0 0
                                    

--Chapter 10.2-- 

<Kevin's POV>

*tik*tok*tik*tok

Dahil sa nakapangalumbaba ako eh rinig na rinig ko ang tunog ng wrist watch ko. Ewan ko ba pero kanina pa ako kinakabahan, hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ako mamaya o ang sasabihin ko habang sinasayaw ko sya. 

"Huy! Bakit ba kanina ka pa nananahimik jan? Tila kanina ka pa tulala?" Nagulat ako ng bigla akong hinampas ng malakas ni Candace sa likod. Ang brutal talaga ng babaeng to!

"Ha? Eh wala naman, mejo inaantok na kasi ako."

"Grabe to! Few minutes nalang at maguumpisa na talaga ang party!"

Hindi na lang ako naksagot kasi naalala ko nanaman yung sayaw. Ugh =___= BTW, hindi uso ang 18 roses sa party ni Ambi, ang mangyayari, lahat ay invited na sumayaw at lahat ng boys ay maaaring makasayaw ni Ambi. Maguumpisa ang tugtog an hour before midnight, ang mga magpapartner ay magpapalit palit ng kapartner nila, kumbaga eh ikutan ang basis ng sayaw na ito. May tawag sa ganito eh, nakalimutan ko lang =__=

[A/N: Nakalimutan ko talaga yung tawag sa ganung type ng sayaw sa isang party. Nakakaurat =__= Haha sorry ^_^v]

Tapos may narealize lang ako ha...

"Candace."

"Po?"

"Uhm, sabi mo kanina saken isayaw kita, eh diba ikutan ang basis ng sayaw naten mamaya?"

"Ayoko kasi makasayaw yung iba eh, mukha kasing hinugot sa kailaliman ng lupa eh."

"Eh hindi naman pwed----"

"Alam mo kung gusto may paraan!"

So gusto nya ako makasayaw? O gusto nyang sabihin na gusto ko syang makasayaw? Ha? O___o

"Kapag dadating na yung time na iiikot mo na ako at lilipat na tayong dalawa ng partner, wag mong bibitawan yung kamay ko, mag move lang tayo ng pwesto, basta wag mong bibitawan yung kamay ko." She whispered.

Totoo ba tong naririnig ko? 

*dug*dug*dug*dug*

"Ayaw mo na wag na lang magsayaw?" Ugh =___= Ano na ba tong nasasabe ko? 

"Ayoko maging KJ. Pero lam ko na parang nagiging KJ naren ako sa gagawin naten mamaya, ah nako basta! Ayoko din naman ma left out dito no."

"Eh bakit hindi nalang si Jevin ang ayain mo?"

Ha? Sinabe ko talaga yun? Sht! Ano ba namang katangahan yun! Baka mamaya isipin nya na hindi ko sya gustong makasayaw! Asar! Bakit ko ba nasabi yun? Kasi naman kinakabahan na talaga ako! 

"Ha? Ah- eh, ayoko. Bakit? Ayaw mo ba akong makasayaw? Pero ok lang naman kung ayaw mong ma stock sa ken eh" And then she sighed.

"Hindi ah! Ocge na sasayaw na kita mamaya." Kung pwede nga lang na hanggang forever na eh.

"Ayooo! Salamat Kevs!!" :'3

"Ladies and Gents! 5 more minutes before the clock strikes 12!"

Ugh ayan na! Moment of truth ko na to, sasabihin ko na nga ba?

<Amber's POV>

"Ladies and Gents! 5 more minutes before the clock strikes 12!"

Ugh =__= 5 minutes nalang nasa legal age na ako, limang minuto nalang 18 nako! Wahuhuhuhu ang tanda ko na TT___TT

"Baby why? You look so bothered." I heard Dylan behind my back.

Stringed Together [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon