--Chapter 20-- Questions?
Hindi ko rin naman sigurado pero, hindi kaya tatay ni Kevin yung nakita ko dun sa tarpaulin na yun?
Eh kasi Lopez, tapos kamukha pa ni Kevin! Oh yes, oh yes, narealize ko lang na si Kevin nga ang kamukha nya nang maalala ko na Lopez ang apelyido nya. Huhuhu ang slow ko ha =____=
"Candace!! Baba na kakain na!"
Sa wakas andyan na ang almusal! Oho opo almusal na kasi ang aga ko kaya nagising ngayon! Kasi kagabi nakatulog na lang ako kakaisip kung si tatay nga ba talaga yun ni Kevin, tapos hindi ako nag dinner >:(
Pagbaba ko nakahanda na ang bonggang bonggang almusal na sinangag, itlog, hotdog at daing! Oha!
"Candace, kelan mo makukuha yung results ng exam mo?"
"Sabi po ni Ambi after two days pa daw malalaman eh. Tapos tsaka ko pa lang po aasikasuhin yung requirements for scholarship."
"Ah sige kain ka na muna." ^__^
Ang normal ata ni tita ngayon? Haha! Nasanay lang ako na medyo weird si tita eh :3
"CANDACE!!!!"
Juicemeyo!! Sakit sa tenga! Sino pa nga bang sisigaw ng ganyan?
"Candace pumasa ako!!"
Sabi nya habang pumapasok ng bahay na medyo patalon talon pa. =___=
"Oo sigesige na pumasa ka!" =__=
"Grabe naman to wala man lang congrats!"
Eh kasi naman nakain pa ko eh >:(
"Congrats Ambi Pur! Oh ayan na ha, hmpf, buti ka pa alam mo na."
"Eh bukas naman malalaman mo na din iyo no!"
"Eh pano naman kung hindi naman ako makapasa?"
"Juicemeyo! Ako nga nakapasa eh ikaw pa kaya?"
"Nakapasa ka kasi matalino ka din naman!"
Sabi ko habang medyo nanguya pa ng pagkain. Hmp, gutom ako kaya walang kokontra.
"Papasa ka gaga!"
"Eh pano kung pumasa nga hindi ko naman makuha yung scholarship, edi wala rin."
*TOINK*
Oha! Ganda ng soundeffects ng batok sakin ni Ambi Pur! Ugh!!
"BAT MO NAMAN AKO NIBATUKAN?!"
"EH MASYADO KA KASING NEGA! DAPAT LANG YAN PARA MATAUHAN KA!"
"Eh kasi naman, nakaka kaba din no! Pano yan pag di ako nakapasa sa scholarship edi sa Fatima High na talaga ako. Tapos magkahiwalay tayo." :(
"Yiiie naks naman oh mamimiss nya ako!! Pero wag ka magalala kasi hindi mo ko mamimiss dahil papasa ka, okay?"
"Oho Ambi Pur."
"Kung di ka naman pumasa eh isang sakay lang naman mula Fatima High papuntang MVU. Kaya mo yan!"
"Walangya ka Ambi Pur akala ko ba chinecheer mo ko!! Uwi ka na nga dun!!"
"Uuwi na talaga ako dahil pinaglilinis ako ng bahay nila mama." =___=
"Hahahahahahahahahaha!! Okay sige goodluck!!"
"Hmpf! Bye!"
Sabay kunwaring walk out with padabog style pa ng paglakad >:D
*Tok tok tok*
Sino nanaman to?
"Tao po! Candace? Tita Ally?"

BINABASA MO ANG
Stringed Together [ON-HOLD]
Genç KurguMinsan na lang ma inlove sa BAKLA pa, sa baklang patay na patay sa lalaking may gusto SA AKIN?! Ano na lang ang magiging ending? (O______o)