--Chapter 9-- Preparation :)
April 23 na pala. Birthday na bukas ni Ambi, no actually mamaya na pala yun. Nagaayos na ang lahat, gagawin kasing starry night ang theme ng party ni Ambi na swak na swak naman kasi open area ang paggaganapan ng debut nya at ang lamig lamig pa ng simoy ng hangin dito.
Paggising ko wala na si Ambi. o___O Lagi naman akong ginigising nun kapag magkasama kame? Anyare?
Lumabas na lang ako ng kwarto pagkatapos ko magayos ayos at magtoothbrush. Nagpalit din ako ng damit kasi naka pajamas lang ako na sobrang nipis at body hugging na sando. Paglabas ko ang dami ng tao sa kusina, I guess nagpeprepare na ang lahat para sa mga pagkain mamaya sa party ni Ambi. Well hindi sila naka catering, why? Because they hired special Chefs para sa party ni Ambi, ang taray ng bespren ko! Teka asan ba yun?
Nagpunta ako ng sala at andun sila Dylan, and uhm, kasama ang barkada nya I guess? Andun din si Kevin at ayokong lumapit kasi nga puro barkada nila ang andun at tama si tita, puro GF ng barkada nila ang kasama. =____=
Lumabas na lang ako para naman magpahangin hangin na lang.
*rrrrrrr*
Fudgeebar! Nagugutom na ako. Anong oras na ba?
*rrrrrrr*
Okeeh okeeeh! Papasok na nga ako sa loob eh? Eto namang tyan na to nakakaurat.
Papasok na sana talaga ako sa loob ng biglang may tumawag ng pangalan ko. NO. Not really my name.
"CM!" Isa lang naman ang tumatawag saken nun diba?
"Ah Jevin anjan ka pala?"
"Jevin?"
"Uhm, JC I guess? Haha. Hindi pa kasi ako sanay eh."
"No it's okay. Wanna join me here?" Inaaya nya ako na sumalo sa pagkain nya. Grrr nagugutom na talaga ako eh (>___<)
"Uhm, okay lang ba? Gutom naren kasi ako eh." Wala ako sa mood magpikot ngayon. For real!
"Tara!" Sabay sumenyas sya saken na lumapit sa kanya at umupo sa tabi nya. Andito kame sa may tabi ng duyan, may small table kasi dun at may tatlong upuan. Dun ako umupo sa may upuan sa tapat nya.
"So how's your sleep?" He asked. Kung alam mo lang na di ako halos nakatulog kagabe dahil sa inamin mo saken!
"Not so fine." =___= I answered absentmindedly. Basta alam ko kumakaen ako.
"Why?"
"None of your business."
"CM galit ka ba saken?"
Tsaka ko lang narealize na ang stubborn ko ata ngayon? Ugh (>___<) Kasi naman di ko parin makalimutan yung kagabi eh! Duh! Mahirap tanggapin yun okay?
"Uhm, no, sorry, uhm, it's just that I didn;t have enough hours of sleep." Hanubayan! Tapos nageenglish pa ako ngayon?
"Pero CM alas onse na oh? Kagigising mo lang! Ano oras ka ba natulog?" Ha? 11 na pala? Asan ba kasi si Ambi pur?
"Ah! Ah-eh hehehe, di ko rin alam eh? Uhm, you know what kanina ko pa gustong makita si Ambi, asan na ba sya?"
"Ang alam ko sumama sya sa parents nya sa pagkuha ng gown nya at dress mo para mamaya. Mukha ngang sobrang excited yun kanina eh."
"Eh bakit hindi nya ako ginising? Lagi naman ako ginigising nun lalo na kapag mga ganyang bagay kasi alam nya na maeexcite din ako."
"Kung alam mo lang yung itsura mo kanina habang natutulog ka eh kahit ako di na kita gigisingin eh." He murmured, pero narinig ko paren naman =___=

BINABASA MO ANG
Stringed Together [ON-HOLD]
Novela JuvenilMinsan na lang ma inlove sa BAKLA pa, sa baklang patay na patay sa lalaking may gusto SA AKIN?! Ano na lang ang magiging ending? (O______o)