--Chapter 24-- She's Back
<Amber's POV>
Lalalala!! Namiss nyo ko no? Charaught!! Sus ipapatapon ko sa Bermuda Triangle ang hindi nakamiss saken! Haha! Asa namang kaya ko =___=++
"Babe? Pangisi ngisi ka dyan? May pinagpapantasyahan ka bang ibang lalaki?"
Asus! Nagsalita na ang possesive boyfie ko!! Kasalanan ko bang mainlove saken ang ungas na to!! Ehhh >//<
"W-wala ah! Para kang timang kumaen na nga tayo!"
"Sure. Same place?"
Tumango na lang ako. Syempre pumunta kami sa paborito naming kainan! Ang ---
CHILL HAUZ!!
Oo ganyan talaga spelling nyan walang kokontra. Yooo! Simpleng karinderya lang yan sa tapat ng school namin dati kung san kami nagkakilala ni Dylan. At syempre andun din si Candace. Si Dylan nung mga unang date namin kung san san ako dinadala eh dito lang naman ang gusto ko!! Mas gusto ko kasi simple eh, ayoko magpaka mayaman no!
"Ate dalawa pong SR at isang mountain dew na malaki. Pabili narin po ng isang footlong at french fries!"
"Hindi ka naman gutom nyan babe?"
Tanong saken ni Dylan. Aba naman syempre gutom ako no!! Kanina pa kaya kami naglilibot ni Dylan sa mall, dumaan lang talaga kami dito para kumaen. Ang gastos ko ba masyado sa gasolina? Sorry naman!! Gutom lang!! ^__^V
"Ano kaba nagugutom nako no, kanina pa kaya tayo nag gagala, tapos nakakapagod pa dun sa Arcade!"
"Hahahahaha! Eh wala ka naman sa basketball skills ko babe eh!"
Oo =__=++ Kasi naglaro kami ng basketball tapos hindi man lang ako umaabot sa 50pts. kaya hindi ako makapag round two. Nakakainis! Tapos ayun aantayin ko pa syang matapos kasi umaabot pa sya sa round5!! Nakakairita tuloy yung mga babaeng nanunuod sa kanya akala mo naman ang gaganda! Che! Girlfriend here! sorry!!
"Oy babe sorry na! Kumunot nanaman noo mo dyan? Niloloko ka lang eh."
"Che! Hindi naman kasi yun, naalala ko lang yung mga malalandyot na babaeng nakapaligid sayo kanina!"
(>___<) Eh sa maliit ako ano magagawa ko naitulak nila ako papalayo kay Dylan ko!!
"Eto naman, hinanap kita diba? Patangkad ka na kasi babe. Hehehehe." ^_____^
Uugh! Yang mga ganyang ngitian nya, yung feeling na nangaasar? Sarap din upakan nito eh! Dapat andito si Candace kasi malamang sa malamang naupakan na ni Candace to!
"Che! Susumbong talaga kita kay Candace!!"
"O-oy! Babe naman niloloko ka lang eh. Ang joke joke, ang joke joke, ang joke ang joke!"
Tapos ngayon kumakanta naman sya na parang timang =___=++
"Dylan! SR nyo!"
SR as in Siomai rice. Eto ata ang specialty dito! Aba ewan ko bakit hindi ako nagsasawa dito, Fried Siomai + Fried Rice = HEAVEN!! Siomai Rice!! Dagdagan mo pa ng panulak. Oha solve na!
Kinuha na ni Dylan yung pagkain namin tapos kumaen na kami at as usual, nag asaran. Eto naman kasing lalaking to tila di mawawalan ng ipang aasar saken! Aba syempre naman ako hindi ako magpapatalo no!! Aasarin ko rin sya hanggat kaya ng bunganga ko! Amber Delas Armas yata to!!
"Sus! Ang sabihin mo maliit ka lang kase! HAHAHAHAHA!!"
"Eh ikaw naman, wala kang binatbat saken sa Dance Revo!! Kanina nga tinitignan ako ng mga lalaki habang nagsasayaw eh."

BINABASA MO ANG
Stringed Together [ON-HOLD]
Teen FictionMinsan na lang ma inlove sa BAKLA pa, sa baklang patay na patay sa lalaking may gusto SA AKIN?! Ano na lang ang magiging ending? (O______o)