--Chapter 4-- The day we met :)
Bakit ba ang kulit nung bata dito samen? Ayaw ko syang maging best friend. Ayoko, baka iiwan nya din ako. Baka sasaktan nya din ako.
"Candace! Ayaw mo bang maglaro sa labas?"
"Ayoko po tita, dito lang po ako sa loob ng bahay. Manunuod na lang ako."
"Eh pano ka magkakaron ng kaibigan nyan?"
"Ayoko po. Dito lang ako."
Manunuod nalang ako ng Spongebob tutal paborito ko naman yun ^___^
Are you ready kids?
Aye! Captain!
I can't hear you!
AYE! CAPTAIN!
OOOOOOOOOHHHH.
"Tao po! Tao po!"
Sino kaya yun?
"Tita! Tita may tao po sa labas."
"Ay sige teka-- oh ******* ikaw pala!"
Ha? Sino daw? Ano ba yan di ko narinig. Ayoko nga kasi sinabe ng kaibigan eh.
"Ate ally pwede po ba ako makipaglaro kay Candace?"
"Uhm, kasi ayaw nyang makipaglaro eh."
"Sige na po" (>.<)
"Candace! Gusto daw makipaglaro sayo ni Amber!"
"Tita ayoko poooo."
"Sige na candace. Try lang."
Pinatay ko yung T.V at umakyat na sa kwarto ko. Ayoko makipaglaro. Ayoko ng kaibigan.
Habang nasa kwarto ako, may naririnig ako malapit sa bintana. Pero hindi ko na lang pinansin.
"CANDACE TULONG!"
May bata sa bintana!
"Teka! Teka kumapit ka! Ughh, mmmmm, ya!"
At sa wakas naiakyat ko na sya sa kwarto ko. Ano bang ginagawa nya dito?
"Pwede na ba tayong maglaro?" ^_________^
Ganun ba talaga nya kagusto makipaglaro saken para umakyat pa ng bintana ng kwarto ko?
"Eh diba sabe ko na ayokong makipaglaro. Ayoko din ng kaibigan." :P
"Pero bakit naman? Dalawa pa naman yung dala kong dolls, isa para sayo, isa para saken."
"Hindi ako mahilig sa dolls, gusto ko ng racing cars."
"Ediba panlalaki yun?"
"Pwede rin yun sa babae, eh! Baba ka na nga! Dun na shoo! shoo!"
Tinulak ko sya palabas ng kwarto ko.
"Tita! Tita! May stranger po sa kwarto ko!"
Dalidali namang umakyat si tita sa kwarto ko.
"Ha? Sino? oooh, Candace naman, si Amber lang yan oh?"
"Sige po Ate ally babalik na lang po ako bukas. Bbye candace!" ^___^
How can she smile like nothing happenned inside my room? Ayoko makipag kaibigan pero bakit gusto nya parin ako maging kaibigan. Ambait nya :'3
*******
"Ate ally! Ate ally!"
Si amber kaya yun?
"Ohh- amber ikaw pala! Halika pasok ka! Oh? Bakit panlalaki yang laruan na dala dala mo?"
"Wala lang po! Para bago!"
"Candace! Andito ulit si Amber! Baba ka muna dali!"
Ayoko bumaba, nahihiya ako. Bakit kahit ilang beses ko na syang pinagtatabuyan eh balik parin sya ng balik dito?
"Candace?"
Naramdaman ko na anjan na sya sa labas ng kwarto ko pero di sya kumakatok. Basta tinatawag nya ko.
"Candace, may dala akong racing car, tig isa tayo."
Racing car? Di ba hindi naman sya naglalaro nun? o__O
"R-racing car?"
"Oo."
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako ng may dala syang dalawang racing car. Isang red at isang blue.
"Pwede na ba tayong maglaro?" ^_____^
"O-osige."
Hindi ko alam pero napapayag nya ako. Ang charming ng mga ngiti nya. Hindi ko naman siguro dapat pagisipan sya ng masama diba? Makikipaglaro lang naman sya.
"Weeeeee! Brrom brrom brrrom! weeeeee!" Hawak hawak ko ang blue na sasakyan kasi paborito ko yun. Paborito naman daw nya ang red.
Tuwang tuwa ako at may bago na akong kaibigan.
"Bakit ba ayaw mong makipag kaibigan saken nung una?"
"Ha? Eh kasi baka iwanan mo lang ako."
"Bakit naman kita iiwanan?"
"Eh pano ka muna nakaakyat kahapon sa may bintana ko?" o_O
"Haha! eh may hagdan jan sa may gilid ng bahay nyo eh, ano sagutin mo na tanong ko."
"Wala, parang lahat na lang kasi ng importanteng tao sa buhay ko nawawala saken."
"Ibig sabihin importante na ako sayo kaya ayaw mo akong mawala?" ^___^
Napatingin ako sa kanya. Sobra ang ngiti nya. Nakakatuwa sya, ang bait bait nya saken.
"Uhh- siguro. Kung magiging matalik ba kitang kaibigan hindi mo ako iiwan?"
"Oo naman! Promise!"
"Eh hindi kita pwedeng maging bestfriend."
"Bakit naman?"
"Kasi sabe nila best friends are not forever daw eh!"
"Ha? Talaga? Eh hindi kaya! Promise ko sayo hindi kita iiwan, kahit na ipagtabuyan mo ulet ako, kahit na ilang ulit pa akong umakyat ng bintana para lang mapalapit sayo, basta hindi kita iiwan!" Bakit kaya ang bait bait nya? Nakakatuwa talaga :''3
"Promise yan ha?"
At nag pinky swear pa kaming dalawa :''3
"Tara gusto mo labas tayo?"
"Uhm sige?"
Lumabas kami at pagkalabas namin eh may isang batang lalaki sa tapat ng gate namin. Sa porma nya eh mukha syang mayaman. Pero bigla lang syang tumakbo kaya di ko na gaanong nakita yung itsura.
"Amber sino yun?"
"Ewan ko eh. Hayaan mo na! Haha!"
"Ambi."
"Amber ang pangalan ko at hindi ambi."
"Hindi! Ayun oh!"
May dumaan kasi na naglalako ng 'Ambi Pur'. Binasa ko lang naman eh.
"Ah! Akala ko kasi tinatawag mo ako eh."
"Simula ngayon Ambi na ang itatawag ko sayo!"
"Ano tingin mo saken air freshener?!" (>.<)
"Ang cute kaya! Ambi! Ambi!"
"Bahala ka nga jan!"
Sabay tumakbo sya at kumuha ng bato kasi maglalaro kami ng piko. Naglaro din kami ng habul habulan. Tagutaguan pero syempre nagsali pa kami ng ibang bata. At tsaka patintero! Agawan base at tumbang preso!
Ang saya ng araw na to. Sana lagi nalang ganito.
Meet my new friend- Amber Delas Armas.
Ambi :)
soon..
BINABASA MO ANG
Stringed Together [ON-HOLD]
Novela JuvenilMinsan na lang ma inlove sa BAKLA pa, sa baklang patay na patay sa lalaking may gusto SA AKIN?! Ano na lang ang magiging ending? (O______o)
![Stringed Together [ON-HOLD]](https://img.wattpad.com/cover/3719461-64-k624872.jpg)