--Chapter 2-- Confused
[A/N: Sa nagbabasa at kahit naligaw lang magbasa, comment please? :33 Salamaaaaat! ^__^V]
So nagpunta na nga lang ako sa bahay ni Jevin. Kung titignan mo to, mejj luma na pero maganda pa. Nagtataka talaga ako sa biglaang paglipat nya, ang alam ko talaga nasa ibang bansa ang may-ari nito. Well, bakit ba ako nangingialam?
Teka, di ba kanina pumunta sya dun sa subdivision? Baka naman wala sya dun sa bahay niya? Eh bahala na nga, gusto ko rin naman sya makita eh :''3 Ang landi lang shemay.
"Tao po! tao po!" Mukhang wala talagang tao ah? Makabalik na nga lang sa bahay.
*kreeeek*
Biglang bumukas yung pinto. Babae? Naka itim na leather jacket yung babae at nakashades pang itim. Tapos may body hugging na sandong itim. Kung di ako normal na tao iisipin ko action star tong babaeng to, pero dahil di naman talaga ako normal mag isip eh yun nga ang nasa isip ko. Ang init init kasi naka leather jacket! Pero mas prefer ko yun kesa naka varsity jacket at mukhang jejemon =__=
"Ano pong kailangan nila?" ^__^
Kabaligtaran ng outfit nya yung boses nya, ang melodic ng boses nya, parang angel.
"Uhm, anjan po ba si Jevin?"
"Ay umalis sya sandali eh. May pinuntahan, bakit po?" Tinanggal nya bigla yung shades nya. Ang ganda nya *_*
Meron syang long skinny legs at ang puti nya. Mas matangos ang ilong nya kesa saken, itim na itim ang mahaba at tuwid na tuwid nyang buhok, nasa gitna ang hati ng buhok nya pero bagay na bagay sa kanya, ang pinkish masyado ng labi nya, ang ganda ng pagkakakurba ng katawan nya. She's a goddess *____*
"Ah- eh- uhm, pakisabi nalang po na pinaaabot po ito ni Tita Ally." Sabay abot ko nung ulam.
"Ally? Uhm, ah okay sige salamat"
"Sige po mauna na ho ako." Pamamaalam ko sa kanya. At pumasok naren sya ng bahay ni Jevin.
GF kaya yun ni Jevin? Kaya ba sinabe nya kanina na di daw kame talo? Ajujukels naman oh, minsan lang magka crush dun pa sa taken na (T_T)
"Tita, nahatid ko na po pero hindi po si Jevin ang andun sa bahay nya eh."
"Sino? Babae ba?"
"Uhm, pano nyo po nalaman tita?"
"Ah, wala. Baka GF nya?"
"Tita namane!!!!"
"Oh bakit? Don't tell me may gusto ka kay Jevin?"
"Ha? Ah eh, wala po, ang cute lang naman po nya." :'''3 Ang landing bata.
"Wag na, wag mo ng ituloy yang crush na yan." Haaaaaa? At baket?
"Bakit naman po tita?"
"Wala naman, osige na umakyat ka nalang sa kwarto mo. Magtatahi na muna ako."
Nagtataka na talaga ako dito kay tita ah?
"Tita pano nyo po nakilala si Jevin?"
"Ah kahapon kasi diba pagkalipat niya eh nagpunta sya dito at nanghiram ng ilang gamit."
"Ah nanghiram din sya saken eh"
*flashback*
*TOK*TOK*TOK
"Ambi naman! Bahay mo naman to bakit kakatok ka pa?" Sinabe ko habang hindi ko na inabalang tumingin kung sino yung nasa pintuan kasi alam ko namang si ambi lang yun

BINABASA MO ANG
Stringed Together [ON-HOLD]
Teen FictionMinsan na lang ma inlove sa BAKLA pa, sa baklang patay na patay sa lalaking may gusto SA AKIN?! Ano na lang ang magiging ending? (O______o)