--Chapter 19-- MV University
Gaya nga ng sinabi ni JC, nauna na sya dun sa univ. Asar nga lang ang init pa naman tapos wala akong kasama pumunta dun. Hindi naman ganon kalayo yung university, mga dalawang sakay lang. Tapos lakad lang ng kaunti papasok. Okay na!
Pagdating ko pumunta agad ako sa admissions office then tsaka nila ako pinapunta sa guidance office kasi dun daw ako magte take nung exam. Eh si JC kaya asan? o__O
To: JC <3
Uy! San kana? Papunta na ako ng guidance office. :)
On my way sa guidance office, may napansin akong isang malaking tarpaulin na nakakabit sa bulletin board. Tarush ha? Litrato yun ng lalaki na nasa 50 years old narin siguro at mukhang mayaman. Siguro sya may ari ng school na to? Familiar yung mukha nung lalaki. May kamukha?
*tuut-tuut*
From: JC <3
Andito na ko sa tapat ng guidance office.
Okay okay! Nauna pa sya sakin nubeyen! Eh kasi naman medyo nagwa wonder pa ako kung sino ba yung kamukha nitong lalaki sa tarpaulin na to.
Nakita ko si Jevin na nakatayo sa tapat nung guidance office. Nakasandal sa pader at nakalagay yung dalawang kamay sa bulsa. Sabay lumingon sya sakin at ngumiti.
KYAAAAAAAAHHHHH >////////////<
Sana totoo nalang yung imagination ko!!
Andun lang naman sya nakatayo ng tuwid. The end wala ng iba pang description.
Lumapit na ko sa kanya at nginitian sya. Ngumiti din naman sya, medyo tipid! Hmpf!
Pumasok na kami ng guidance office, nagulat ako kasi wala pa yung ibang mag eexam eh samantalang pasado ala-una na. May mga upuan na naka ready na doon. Yung tipong pang japan style ngae! Upuan then isang table bawat upuan. Nakakatuwa *____*
Umupo ako dun sa may malapit sa table ng guidance counselor siguro tong babaeng to. Pero mukhang bata pa! Di sya ganun kaganda pero.. pwe! Ang sama naman Candace!! Si JC naman umupo lang sa tabi ko. Sabay yumuko lang sya, nakapatong yung ulo sa may braso nya. Matutulog to? Problema neto?
"Uy! JC, problema mo?"
Sabi ko pero medyo pabulong lang, nakakahiya naman kasi kung isisigaw ko diba? Asa guidance office pa naman kami =___=
"De, inaantok lang ako."
"Ahh."
Wala akong masabi. Shemay naman oh! Nu ginawa nito kagabi? Hindi kaya...
OH MY GOLLY!!! Hanggang gabi ba andun si Kevs sa kanila?!
"Uy, JC."
Sabay kinaltukan ko sya sa ulo nya.
"Medyo nagiging brutal ka na ngayon ah."
Ang expressionless ng boses nya. Antok ba talaga sya?
"Uhm, anong ginawa ni Kevin sa bahay mo kahapon?"
Medyo chismosa eh! Di ko mapigilan eh!!
"Wala naman, may napag usapan lang kami."
DON'T TELL MEEEEE O______________O
"JC umamin ka na ba ng nararamdaman mo para sa kanya?!!!"
"Hahahahahhahahahahahahhaha!!!"
Okay ang ganda ng sagot nya ha? =__________________=
"Baliw ka talaga. Syempre hindi no, baka mamaya layuan pa ko nun." ^__^
Okay so hindi na sya ianantok porke si Kevin ang naging usapan?

BINABASA MO ANG
Stringed Together [ON-HOLD]
Novela JuvenilMinsan na lang ma inlove sa BAKLA pa, sa baklang patay na patay sa lalaking may gusto SA AKIN?! Ano na lang ang magiging ending? (O______o)