MONDAY!!! Here we go again.
Tsk. How I wish na sana may balita na cancelled na ang monday! So that I can go back to sleep.
Isang oras na akong naka upo dito sa kama.
Napaka hirap para sa akin na iwananan ka!
"Huhuhuhuhu... mamimiss kita my bed ~ " sabi ko sabay yakap sa kama ko... hahaha ang OA.
"Daphny. Lumabas kana d'yan!" sigaw ni mommy.
Ito na ang time. Hindi ko man 'to gustong gawin pero kailangan muna kitang iwan.
I love you bed. You're my favorite hello and my hardest goodbye.
Hahahaha ~ tama na nga! Aalis na ako.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na sa kusina.
"Anong oras na oh! Kanina pa kita tinatawag. Bilisan mong kumain d'yan!!" mommy
Pagkatapos kong kumain ay umalis na ako ng bahay para pumuntang school. (Saan paba?)
Walking distance lang yung school namin pero di ba nga tamad ako kaya mag t-taxi ako!
Nakakapagod kayang maglakad.
Yung mga sasakyan kasi namin naka display lang sa garage! Dapat mag hire sina mommy and daddy ng driver eh.
After 10 minutes nandito na ako sa New University. (effort less mag-isip ng pangalan ng school yung may-ari. Hahaha, tamad din siguro?)
Pagpasok ko ay napaka tahimik na ng paligid.
Malamang! Nagsisimula na yung klase eh. 20 minutes late na ako!
"BESH!" napalingon ako sa likuran at nakita ko ang best friend ko na papasok rin.
"Besh! late na naman tayo." natatawa kong sabi sa kanya.
"Sanayan lang yan besh! Haha" natatawa rin nyang sabi.
O diba! Late na kami pero nagawa pa rin naming mag daldalan.
Oo nga pala, Sya si Alexa Mendez. 16 years old rin. Best friend ko. Mayaman,matalino, maganda (nagmana to sa akin eh. Haha) at syempre tamad rin yan tulad ko!
Sabi nga nila~ Two birds with the same feather, make a good feather duster.
Hahahaha joke yan! Tumawa ka please. eksdi.
"Ano, tara lets?" tanong ko.
Ngumiti naman sya saka tumango kaya nagsimula na kaming tumakbo papunta sa room namin.
Ganito talaga kami. Nakakaistorbo na siguro kami ng klase noh? hahahaha...
"Miss Diameer and Miss Mendez! Late na naman kayo!!" yan ang bungad sa amin ni Ma'am Penguin. Pwedeng good morning muna?
"Sorry po ma'am pe- ay! ma'am Dalia." Tss. Muntik ko ng masabi ang penguin!! Buti nalang siniko ako ni Alexa. Penguin kasi ang tawag namin sa kanya kasi maliit sya tyaka mataba! ay basta mukha syang penguin! Hahaha..
"Palagi nalang! Take your seats." Ma'am penguin. Sanayan lang yan!
Nagsimula na si ma'am penguin sa pag d-discuss.
Ay, kanina pa pala sya nagsisimula naputol lang dahil sa amin. So ayun na nga nagpatuloy na sya nang may komatok at bumungad sa amin ang isang napaka gwapong nilalang *°.°* ang gwapo
"Yes Mr. Villegas" ang sweet magsalita ni ma'am penguin! nagpapacute ba sya? Yay. Pedophile si ma'am.
"May emergency meeting po lahat ng science teacher ngayon. " Sabi ni bae! Hihihihi
"Ahh~ ok. Class, narinig nyo naman siguro so, class dismissed." Yehey !! Ang saya ng meeting na yan. Hahaha ~
"Besh. Baka matunaw yang si Drake! Haha" panunuksong sabi ni Alexa. Ang tinutukoy nya yung gwapong lalake..
Si Drake Villegas.
~~~~~~~•~~~~~~~~
Vomment❤
BINABASA MO ANG
Lazy Teenage (UNDER RENOVATION 😂)
HumorWARNING: UNDER RENOVATION! ang storyang 'to. Whahahahaha ginawang bahay! hahahahaha... Credits to @asterisk02 for the awesome book cover ;) Thank you :) Isang tamad na nabuhay sa paligid ng karangyaan at lagi nalang umaasa sa iba. Paano kung magbag...