Chapter 12

657 36 12
                                    

2 days to go school festival na...

Lahat kaming nasa sa section 1 ay abalang-abala sa paghahanda para sa nalalapit na school festival.

Grabeh! Yung booth na gagawin namin ang daming kaartehan sa buhay! Sabi na e! nakakatamad itong booth na'to. Ba't pa ba kasi ito ang naisip ni Drake eh... Well, kami pala ni Alexa ang naka-isip! 

"Daph, paki gupit nga 'to. " Sabi ng kaklase ko sabay abot sa akin nung mga kailangan daw gupitin...

Kinuha ko naman tyaka nagsimula ng gupitin ang mga yun.

"Daph, gupitin mo na rin 'to"

"Tyaka ito na rin Daph " Nilagay na nga nilang lahat sa mesa ko. Aish! naiinis na ako.

Akala ko pa naman magiging masaya ang araw na ito! Yun pala hindi!

Nakakatamad 'tong ginagawa ko.

Nag volunteer kasi ako bilang taga gupit ng mga pang decorations namin... akala ko kasi ito ang pinaka madaling trabaho! Yun pala hindi. 

Ang dami nilang pinapagupit sa akin Ang dami kasing kaartehan eh. Tyaka, bakit ba kasi ako nag volunteer eh?

"Uie besh, maawa ka naman sa gunting! Hahaha" natatawang sabi ni Alexa.

"Itong gunting na 'to ang dahilan ng paghihirap ko ngayon! " naiinis kong sabi habang tinataas ang gunting. Sirain ko nalang kaya 'to para wala na akong gagawin? 

Bigla namang tumawa ng malakas si Alexa kaya nakuha nya ang atensyon ng lahat ng mga kaklase ko.

"Baliw ka talaga daph! Sinisisi mo talaga ang gunting ahh. Hahahaha" natatawa nya pa ring sabi. Seryoso kaya ako dun! Sisirain ko na talaga 'to e.

"Tama na muna yan... magmeryenda na muna kayo. " Sabi ni Drake. Natuwa naman kaming lahat. Sa wakas makakapagpahinga na rin kami.

"May concerned" nanunuksong sabi ni Alexa, nagtataka ko naman syang tiningnan habang sya ay palipat-lipat naman ng tingin sa amin ni Drake.

" tsssss. " bulong ni Drake pero narinig ko saka pailing-iling s'yang nangiti.

"Tara besh, kain muna tayo. Baka may magsabi di kita pinapakain! " Sabi ni Alexa.

"Wow naman besh! Pinapakain talaga? Hahaha... at sino namang mag sasabi aber?! "

"Ahm, ang m-mama mo? " tanong nya sa tanong ko galing neeh? Weird talaga nitong babaeng 'to.

"Hahahaha, ewan ko sayo! Kumain kana dun... tataposin ko lang 'to. " Sabi ko and I mean it. Kailangan ko tong matapos kasi kapag titigil ako mas tatamarin pa ako mamaya at baka di na 'to matapos kaya kailangan ngayon na!! Grabeh ang motivation ko noh.

"Sure ka? Hindi ka kakain?" nag-aalala n'yang tanong.

"Hindi po. Hindi pa rin ako nagugutom, kaya kumain kana dun!" sabi ko

" eh? O sige.. " sabi nya tyaka tumakbo palabas. 

Mag-isa nalang ako dito sa classroom kaya nagpatuloy na ako sa paggugupit nitong mga kakailanganing decorations.

Malapit na akong matapos nang may naramdaman akong may nakatingin sa akin.. teka, ako lang mag-isa dito sa classroom ah!

Baka merong multo!! Waaaaaa.. ayokong itaas yung ulo ko baka maka kita ako ng multo. E hindi ko naman alam kung ano ang itsura ng multo kaya hindi ako matatakot. Pero kahit na! 

"Bakit ka--------

"WAAAAAAH... HWAG KANG LUMAPIT!! IKAW NA MULTO KA BA'T KAPA NABUHAY.. ay nabuhay ang multo? WAAAH.. BA'T KA NAGPAPARAMDAM SA AKIN? ANONG KAILANGAN MO? hala, joke lang! hwag mo na palang sabihin. Baka magpapatulong kang hanapin yung pumatay sa'yo? hala! nakakatamad kaya yan." Nakapikit kong sigaw habang kinakausap ang sariling ko. Para akong baliw.

Lazy Teenage (UNDER RENOVATION 😂)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon