Chapter 20

589 28 11
                                    

This chapter is dedicated to ImGabbyGab

Sa wakas!Nakapag-update narin.. hahaha

==========
“ Daph, ano bang gusto mong kainin?” tanong sa akin ni Drake habang naka akbay pa rin!

Nandito kasi kami ngayon sa canteen at lahat ng mga studyante ay nakatingin sa amin.. nakakahiya naman oh! Ba't ba sya akbay ng akbay?!

“ ahm, spaghetti tyaka fudge bar bili mo na rin ako ng coke ” tumango naman sya tyaka pumunta na doon sa counter.. hay ~ buti naman lumayo na sya!

[A/N: hindi talaga nawawala ang fudge bar sa lahat ng story ko!! Bakit kya? Haha. K.ang epal ko xD]

“ Besh ~ nakakainis kayo! Iniwan nyo ako doon sa room ” naiinis na sabi ni Alexa..

Oo nga noh!! Si Drake kasi eh.. agad-agad nalang nang hihila! Naiwan ko tuloy yung bestfriend ko..

“ uie, Alexa.. sumabay kana sa aming kumain ” masayang sabi ni Drake mula sa likuran ni Alexa habang dala-dala na nito ang tray na may lamang pagkain namin.

“ talaga!! ” sabi ni Alexa sabay upo.. natawa naman ako sa inaasta nya, para kasi syang bata eh

“ teka, hoy! Bumili ka muna ng sayo dun.. pangdalawahan lang to eh ” Drake..

“ ibili mo nalang sya doon Drake ” sabi ko sabay ngiti ng malapad.

“ tssss. ” yun lang ang nasabi nya at naglakad na uli papuntang counter.

Ang bait ng manliligaw ko noh? Haha

“ Besh, nasaan na si Drake?” nagtatakang tanong ni Alexa.. Nagtataka ko din naman syang tiningnan.

“ inutusan ko!! Di mo alam? ” nagtataka ko pa ring sabi.. bigla naman tumawa si Alexa kaya napatulala naman ako! Baliw naba ang bestfriend ko?

“ GaGa! Syempre alam ko noh!! What I mean is nasaan na yung masungit na Drake? Ba't ang bait nang isang yun?! Aminin mo! May pinakain ka sa kanya noh? Haha ” natatawa nyang sabi

“ Baliw! wala noh.. nagulat nga rin ako sa kabaitan nya eh! ” sabi ko

“ Alam mo besh, sagutin mo na yan.. kasi total package na eh! May gwapo, mayaman at matalino ka nang boyfriend tyaka may utusan ka pa!! Saan kapa diba..hahaha” natawa naman ako doon sa sinabi nya, oo nga noh? Hahaha, pero kawawa naman si Drake! Mahal ko kaya yan *Yieeeeee*

“ Speaking of utusan besh, uuwi  pala ako ng maaga mamaya kasi ngayon na dadating yung katulong namin.. ” masaya kong sabi sa kanya.. sa wakas! Kumuha na rin si mommy ng katulong.. hindi na ako maghihirap!hahaha

“ oh? Buti naman naisipan na ng parents mo ang kumuha ng katulong noh? Hahaha” alexa

“ heto na ang order mo ma'am!!” tamad na sabi ni Drake habang nilalapag yung pagkain ni Alexa..

“ eeh? Ba't walang fudge bar?” reklamo ni Alexa.. napakamot naman ng ulo si Drake at ako ay natawa sa kanilang dalawa..

---------------
Uwian na

Kaya nagpaalam na ako kina Alexa at Drake..

Hindi na din ako nahatid ni Drake kasi madami pa syang tatapusing mga paper works para sa graduation ball..

Yan ang ayaw ko kapag na officer eh! Ang daming ginagawa! Nakakatamad.

I'm home” sigaw ko.. Nakita ko naman si mommy sa kusina na may kasamang babae na I think mga nasa 20's na..

“ oh, Daphny anak.. She's Marie our new hired housemaid. Marie, she's Daphny my only daughter” pagpapakilala sa amin ni mommy..

Ngumiti naman ako sabay sabing Hi tapos pumunta na ako sa kwarto..

I don't like that girl! Feel ko kasi Tamad din sya!!

Habang nag-iisip ako ng mga iisiping hindi ko alam eh, bigla nalang bumukas yung pintuan ng kwarto ko..

“ ma'am kakain na po ” sabi ni Marie

“ hindi kaba marunong kumatok?! ” naiinis kong sabi sa kanya..

“ kailangan paba yun? Bukas naman yung pintuan mo eh! ” innosente nyang sabi

Urgh! Ayoko sa mga taong painnosente!!! Mga maldita yang mga yan eh. Hindi mo pa agad malaman kung ano ba ang tumatakbo sa isip nila kasi mukhang mabait eh demonyo din naman pala!

“ Of course!! You need to knock the door first before entering my room! ” mataray kong sabi

“ s-sorry ma'am.. uulitin ko nalang po. ” sabi nya at isinara uli yung pintuan.. napakunot naman ako ng noo habang naghihintay kung ano ang susunod nyang gagawin...

Then, someone's knock my door!
“ ma'am kakain na po ” innosente nya pa ring sabi!

Lesheee!!

“ Urgh!! Stupid!! ” sigaw ko sabay labas ng kwarto.. mas gugustuhin ko pang wala kaming katulong kaysa sa mayroon nga eh tanga naman!!

~~~~~~~~•~~~~~~~~
Mabait nga kaya si Marie?
Isang innosenteng katulong lang kaya ang role nya o may iba pa syang pakay?

ABANGAN.
VOMMENT ♥

Lazy Teenage (UNDER RENOVATION 😂)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon