"DAPHNYYYYYY "
"DAPHNYYYYYY "
Agad naman akong napabangon!!
Shocks! Akala ko may sunog. Bunganga lang pala ng mommy ko!
Hindi ko na pala kailangan ng alarm clock. Libre na dito eh!
"Daphn——
"POOOOO " Sigaw ko rin. Uso talaga ang sigawan dito.
Agad naman akong lumabas. Hindi uso sa aking linisin ang higaan ko! alam nyo na kung bakit.
"Ba't hindi ka pa nakabihis?!" tanong nya.
"Kakagising ko palang po kasi." Sabi ko habang kinukusot pa yung mga mata ko.
"Halata naman! Tumawag dito si Alexa, pinapaalala nya na may quiz kayo ngayon. Nag-aral kaba?!! "
QUIZ?
OMG! OO NGA PALA!!!
Nagmamadali akong bumalik sa kwarto para maligo, magbihis at lahat - lahat.
After 10 minutes...
Oo, 10 minutes ko lang ginawa lahat. Akalain n'yo yun! Nakaya ng powers ko! hahaha. Hindi ako pwedeng ma late! quiz ngayon teh! dagdag grades na din yan. Kahit tamad naman ako e inaalala ko parin yung future ko noh! char.
"Mom, aalis na po ako. "
"Hindi ka ba kakain? "
"Sa school nalang po ma, late na ako ehh! " sabi ko bago tumakbo palabas ng gate. Mabuti nalang at may taxi nang naka abang sa labas ng bahay namin. Alam na alam na ni manong ha!
8:15 am na akong nakarating sa New University at patakbong tinungo ang room ko.
Hindi pa sana nagsisimula ang quiz!!
"Omg! Good. morning. ma'am." hingal-hingal kong bati kay ma'am penguin.. buti hindi pa nagsisimula ang quiz!
"Miss Diameer ! your late. AGAIN! " sige idiin mo pa ma'am!
"Sor——
Naputol ang sasabihin ko nang makita ko sya't gulat na gulat ko s'yang tinitigan.
OMG!
Totoo ba itong nakikita ko?
Anong ginagawa nya dito?
Bakit nasa section 1 sya?
"You can now take your seat Miss Diameer. Magsisimula na ang quiz."
Naglakad naman ako papunta sa kinaroroonan nya!
I need an explanation. An acceptable reason kung bakit sya nandito. Chos.
Teka,
Nakatingin din ba sya sa akin?
Kyaaaa ~ please lang hwag mo akong titigan! Kinikilig ako (*^﹏^*)
Nung huminto ako sa harapan nya ay bigla nalang s'yang sumimangot. Gwapo pa rin! tsk.
"Ba't ka nandito?!" suplado nyang tanong. Naiinis na naman ako sa ugali nya!!
Alam mo Drake! Hwag ka nalang kayang magsalita. Nakaka turn off eh! Ikaw pa talaga ang may ganang magtanong sa akin n'yan ha! wow lang!
"Dito ang room ko! Section 1 kaya ako!" pagtataray ko.
"Ang ibig kong sabihin ba't ka nasa harap ko? Sabi ni ma'am umupo kana daw!!" nakataas kilay nyang sabi.
Wow!! Nakataas kilay talaga ahh!!
Ang bakla..
Ako nga hindi marunong magtaas ng kilay eh!! Kainis.
BINABASA MO ANG
Lazy Teenage (UNDER RENOVATION 😂)
ComédieWARNING: UNDER RENOVATION! ang storyang 'to. Whahahahaha ginawang bahay! hahahahaha... Credits to @asterisk02 for the awesome book cover ;) Thank you :) Isang tamad na nabuhay sa paligid ng karangyaan at lagi nalang umaasa sa iba. Paano kung magbag...