Chapter 14

658 34 31
                                    

" whahaha, naunahan kita!" sabi ko doon sa alarm clock ko... 6:00am palang pero gising na ako!

Excited na akong pumasok kasi ngayong araw ang school fest.

" Good morning!!" masiglang sigaw ko paglabas ng kwarto.

Nagulat naman sina mommy and daddy

"HIMALA!" sabay nilang sigaw tapos nagtatawanan.

Nag pout naman ako't nakitawa na rin... mas malakas pa nga yung tawa ko eh.

Pagkatapos kong makipag kulitan sa kanila ay kumain na ako, naligo, nagbihis at nagayos ng kaunti.

7:00 am palang nang makarating ako sa school ~

Sabi sa inyo eh! Excited much na ako ..hahaha

Ewan ko ba kung bakit ang excited ko ngayong araw nato -.- pakiramdam ko kasi may magandang mangyayari.

" besh?!"

"besh?!" Lol. Nagkagulatan pa kami ni Alexa

" ang aga mo ahh!" sabay naming sabi saka nagtawanan..

" school festival kasi ..." sabay ulit naming sabi..

Mag best friend nga talaga kami hahahahaha

Nagbihis narin kami ng pang horror! Horror nga diba yung theme namin. Pang white lady yung suot ko. Syempre naka white dress ako nilugay ko ang mahaba kong buhok tyaka ginulo-gulo para mukhang white lady talaga! Huehue

Si Alexa naman ay nagsuot ng pang witch...  naka black dress sya at may bitbit na mahabang walis.

Yung ibang mga kaklase ko naman ay naka bihis narin ng iba't-ibang mga pang horror costumes.

Si Drake? Ayun! Naka barong na mukhang pang patay.

Pero bakit ganun?  Ang gwapo nya parin! Hihihihi

Mga ilang oras pa ay nagsimula na ang school festival...

Bago simulang e open yung mga booths ay may cheerdance pang ginawa na ang lahat ng participants ay mga nasa 1st year-2nd year students.

Pagkatapos ng cheerdance ay sinimulan na ngang e open yung mga booths

At ang booth namin ang pinakamaganda... Dzuh! Kami ang bida sa storyang 'to kaya sa amin yung pinaka maganda

Yung booth namin ang pinagkaguluhan ng karamihan.

Ang daming nasa mini coffee shop namin... nakakarelax daw kasi

Wala namang pumapansin sa marriage booth.. wala daw Forever eh!! Haha

Ang mas pinilahan ay yung photo booth.. kasi nandoon si Drake! Kapag magpapa-picture ka eh kasama sya!  Kaya ayan lahat ng mga babae nakapila na!!

"besh, punta tayo doon sa booth ng section 2.. nakita ko kanina puno ng pagkain yung booth nila! " excited na sabi ni Alexa. Na excite na rin ako tyaka tumakbo na kami doon sa booth ng section 2....

Waaaaaaaa ~ uubusin namin lahat ng pagkain doon!! 

" hi Alexa and Daphny " bati sa amin nung mga kagrupo ni Drake sa Dance group. Sila kasi yung nagbabantay ng booth sa section 2

Kilala nila kami?

" kuha lang kayo " guy 1.. yan nalang ang ipapangalan ko sa kanila kasi nakalimutan ko ang pangalan ng mga to

" magkano ba? " tanong ni Alexa..

" libre lang " guy 2.. ang gwa-gwapo din ng tatlong to ahh!

Lazy Teenage (UNDER RENOVATION 😂)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon