Chapter 23

544 28 17
                                    

" Besh ~" Sigaw ni Alexa nung nakita nya kami ni Drake na papasok..

Baliw talaga to! Haha..

Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga iba pang studyante.

" Wow besh! Nagmana ka talaga sa akin! Ganda natin ngayon eh..haha tyaka, yieeeee * bagay talaga kayo " dagdag nya pa kaya napatawa naman ako..

" Teka besh, bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan na yung partner mong si Luke? " nagtataka kong tanong.

" Nah. Kanina kasabay ko pa syang pumasok pero besh ngayon, iniwan ko na!!! "

" ha?!! pero bakit naman besh? Kawawa naman yung tao! " nag-aalala kong sabi.. sabi ko na ngaba eh! Ang hilig talaga mang trip nitong bestfriend ko.

" Sino ba naman ang gustong sumama sa isang nerd at napaka unsociable na tao?!! " naiinis nyang sabi..

" What do you mean? " tanong ko tyaka may itinuro sya.. sinundan ko naman 'yon ng tingin.

" See? Hanggang dito ba naman nagbabasa pa rin sya!!" galit nyang sabi. Napatulala naman ako sa nakita ko.. Si Luke ang perfect example kung ano ang nerd!! Yung iba kasi nakita lang na nakasalamin yung tao eh sinasabi na nilang nerd! Di ba pwedeng malabo lang yung paningin kaya naka salamin?

Pero ito talagang si Luke!! Grabeh hanggang dito ba naman?! Kulang nalang eh bigyan na sya ng loyalty award ng mga libro nya!!

" hayaan nyo na sya! Haha.. tara na" tumango naman kami ni Alexa sa sinabi ni Drake..

" Guys! " sigaw ni Ann.. kaya Dumiretso na kami doon sa table ng section 1.

Nagkulitan lang kami doon, kumain tapos nagkulitan uli! haha

May mga nagperform ding mga sikat na singers kagaya nina Jed Madela, Darren Espanto, Kyla at Angeline Quinto..

" Ang galing nila noh.." nakangiting sabi ni Drake sabay akbay sa akin..

Grabeh! Ang bango nya.. hehe

" Mas magaling ka pa ring kumanta noh!" panunukso ko sa kanya kaya natawa naman sya!

" Tsss. Hahaha.. pero para sa iyo, gagawin ko ang lahat! Mapahiya man ako.. ok lang " seryoso nyang sabi..

" Gumaganyan kana ha! Haha... " sabi ko habang inaayos yung neck tie nya.

" Waaaaaaaah!! Lalanggamin tayo dito! " sigaw ni Alexa kaya napaayos naman kami ng upo ni Drake.

" Magsayaw nalang tayo! " suhestiyon nung kaklase ko.. nagsitanguan naman yung iba at sabay-sabay na silang tumayo..

Wala na pala yung mga singers! Sayang hindi ako nakapa-picture..

" Tara Drake magsayaw din tayo " na e-excite kong sabi. Maganda kasi yung music eh.. Ang cool parang nasa bar ka! Hahaha

Tumayo naman kami ni Drake at sumayaw narin kami..

Ang galing talagang sumayaw nitong si Drake!! Hindi panga ako nangangalahati sa galing nya -.- Talent ko lang talaga ang matulog! Haha

Masayang nagsasayawan ang lahat ng naiba bigla yung music.. naging slow music na sya kaya yung ibang walang partners ay nagsibalikan na sa kanilang mga upuan..

Gusto ko na rin sanang bumalik nang biglang naglahad ng kamay sa harap ko si Drake..

Napangiti naman ako't tinanggap yun.. Heller!! Aarte paba ako? Haha

Dahan-dahan kaming nagsasayaw pero yung puso ko sobrang bilis ang pagtibok.. tapos yung tyan ko parang may mga nagliliparang mga butterflies! Ganito pala ang feeling.. akala ko joke lang yung mga butterflies thingy hindi pala.

" Ang saya ko ngayon Daph " nakangiti nyang sabi

" ako din" nakangiti ko ring sabi.. sobrang slow ng pagsasayaw namin kasi nga slow din yung music!

Napag desisyunan ko nang sagutin na sya ngayon. Aneebeee Drake! Tanungin mo naman ako. Haha

" Daph, Will you be my girl? "

Hala! Mind reader ba sya?!!

Sabi na eh! Tonight's gonna be the perfect night..

" Yes.. " nagulat muna sya sa naging sagot ko at biglang... Nagsisisigaw sa tuwa! Sinaway ko naman sya kasi naman eh!! Sumigaw sya eh ang tahimik kaya kasi nga slow yung music.. hahaha

Mukhang naramdaman na din nung mga kaklase ko na sinagot ko na si Drake at ayun nagpalakpakan na sila't nagsisigaw! Tsk. Nakakahiya naman.. pero napapangiti parin ako.

Sobrang saya ko ngayon.. sana hindi na matapos tong kasiyahan ko!

Someone's POV

Napakatamihik naman dito!!

"Arrrrrggggghhhhh" Ayoko sa mga napakatahimik na lugar!!

Andyan na naman sila! Kakausapin na naman nila ako..

Agad kong tinakpan ang aking tenga kasi nagsisimula naman silang bumulong ng kung anu-ano.

"Ahhhhhyyyyyyy!!! " sigaw ko sa kanila mga bwisit.. sabihan ba namang ang pangit ko daw!! Bwisit talaga!

"Tumahimik nga kayo!! " naiinis kong sabi tyaka lumabas ng bahay.. napunta ako sa may garage at doon may naisip na naman akong isang bright idea!! Nyehehehehe ~

Maaaliw na naman ako nito!

Ang dami kasing kotse eh di naman ginagamit!! Dapat bawasan na!!

Pagkatapos kong pagtripan ang mga kotse ay humagalakhak ako ng pagkalakas-lakas!!

Syempre strong ako eh!! Nyehehehe

Kinulot-kulot ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri habang gumu-guhit sa mga labi ko ang isang ngiting tagumpay!! Nye :p

~~~~~~•~~~~~~
Hello lazerers (short for lazy readers and writers!) Hahaha, ganda ng naiisip ko neeh? Ano payag kayo na tawagan na natin yan? Hahaha

Thank you talaga sa walang sawa nyong supporta at pag-aantay sa update ko. Hihihi... alam nyo na~
#tamad problems!haha
Please keep on supporting hanggang sa matapos ito :)
Tyaka thank you sa mga nangungulit sa akin kung kailan ang update.. (ginaganahan po akong magsulat nyan!haha)

VOMMENT lazerers ♥ para ma motivate ako.. hehe

Lazy Teenage (UNDER RENOVATION 😂)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon