"Waaaaaah!! Ayoko na!! Ouch. Ouch! " nagsisigaw na ako't nagtatalon kasi nagtatalsikan na yung mga mantika.
Si mommy naman kasi! Pilitin ba naman akong magluto eh hindi naman ako marunong.
Tyaka bakit ba ako ang nagluluto eh may katulong naman kami!
Bakit hindi nalang yung si Marie ang utusan nya?! Kainis ha!
" Mommy! Ayoko na po!! tumatalsik na yung mantika eh. " pagmamaktol ko habang nakaharap sa pini-prito ko't tinatakpan yung mukha ko gamit yung takip ng kaldero..
" Ano kaba! Mantika lang yan!! Tyaka kailangan mong matutu kung paano mag luto.. paano nalang kung mamatay na ako?! Wala ka man lang alam na gawin!!!" dire-diretso nyang sabi.. napakunot naman ako ng noo. Ang advance ng mommy ko! Tsk.
" Daphny!! Ayusin mo nga yang niluluto mo! Hotdog lang yan tapos sunog pa?!! " nasabi nalang ni mommy. Tsk!
Pagkatapos kong magluto ay sabay na kaming kumain ni mommy..
" Bilisan mo nang kumain kasi pagkatapos mo dyan maglalaba ka pa. " nagulat naman ako sa sinabi nya..
" What?! Mommy, are you serious?! Ako maglalaba?! No way!! " naiinis kong sabi.. ahhhy ~ my precious hands -.- ayokong mag suffer kayo!
" What did you say?!! Sinusuway mo na ba ako?!! Look Daphny, your not baby anymore! na kung ano ang
gusto mo, makukuha mo agad! Kailangan mong paghirapan ang mga bagay-bagay! Wala ka ngang alam na gawin eh! Paggising sa umaga kakain ka nalang tapos babalik uli sa higaan! Ang tamad-tamad!! "Hala! Ang hirap kaya ng mga ginagawa kong routine araw-araw!!
Matutulog, kakain, papasok sa school then kakain uli tapos matutulog na naman!! Subukan nyong ganyan ang gawin diba tatamadin ka din.
Bakit ba paulit-ulit ang mga sinasabi ni mommy?
"Paano kung mawala na kami ng daddy mo? Paano ka nalang mabubuhay?!" Ang advance talaga!! Matagal pa namang mangyari yun noh...
" edi hihinga pa rin.." bulong ko pero sa kasamaang palad narinig yun ni mommy!!
" aba't sumasagot kana ngayon?!!napaka pilosopa mo ha!! " nanggagalaiti nyang sabi..
Bakit ganyan nalang palagi?! Kapag sasagutin yung tanong magagalit tapos kapag hindi mo naman sasagutin magagalit pa din! Ano ba talagang gusto nila?!
Tsk! Hindi ko na'to kaya!!
Umalis na ako dun sa kusina at dumiretso na sa kwarto ko.. Narinig ko pa ang tawag ni mommy pero hindi na ako lumingon pa.
" Alam ko naman ang mga dapat kong gawin noh! Bakit ba kailangang ulit-ulitin?!" padabog kong sabi nung makapasok na ako sa aking kwarto..
" DAPHNY!!" rinig kong sigaw ni mommy.
Urgh!! Nakakainis na talaga!!
Lumabas ako ng kwarto ko't dire-diretsong lumabas ng bahay.
Narinig ko pang tinawagan ako ni mommy kaso sa ikalawang pagkakataon ay di ko ulit sya nilingon.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko lang ay gusto ko munang magpahinga! Ang ingay-ingay na ng bunganga ni mommy!!
Gusto ko sanang mag unwind pero bakit?
Bakit ako naiiyak?
Tama ba yung ginawa ko kanina?
BINABASA MO ANG
Lazy Teenage (UNDER RENOVATION 😂)
HumorWARNING: UNDER RENOVATION! ang storyang 'to. Whahahahaha ginawang bahay! hahahahaha... Credits to @asterisk02 for the awesome book cover ;) Thank you :) Isang tamad na nabuhay sa paligid ng karangyaan at lagi nalang umaasa sa iba. Paano kung magbag...