Kabanata 8
Regalo
"Oh my gosh! Ikaw ba talaga 'yan!?" humalakhak si Trisha.
Umirap ako sa reaksyon niya at itinapat na lang sa akin ang camera. Tinawagan ko talaga siya para tanungin kung ayos lang ba ang mga inihanda ko para kay Quino.
Nagluto kasi ako ng sinigang at fried - chicken. Nagpa-deliver din ako ng cake. Kung hindi pa talaga mahulog sa akin si Quino pagkatapos nito ay tanga siya!
"Ano? Ayos na ba 'yon?"
Tumango siya, malaki pa rin ang ngiti.
"Sobrang effort, ah! Ano kaya magiging reaksyon ni Lawrence kapag nalaman niya na marunong ka naman pala mag - effort sa relationship?"
Umirap akong muli. Yeah right, kahit never naman naging valid na excuse ang kawalan ng effort sa isang relasyon para magloko.
"Sige na. Parating na si Quino," paalam ko.
"Okay. Good luck!" Kumaway si Trisha bago tuluyang ibinaba ang tawag.
Ibinaba ko ang cellphone sa countertop bago ko muling binalikan ang dining table. Sakto naman na narinig ko na ang doorbell.
Kanina ay hinatid nga ako ni Quino at nangako siyang sakto alas syete ay nandito na siya. Napatingin tuloy ako sa relo ko. Sakto nga, ah?
"Good evening!" bati niya pagbukas ko ng pinto.
I smiled and nodded.
Pinasadahan ko siya at mukhang bagong ligo siya. Naka maong na pants at white t-shirt. Inatake rin agad ang ilong ko ng isang panlalaking pabango. Hindi kagaya sa mga mamahaling pabango ni Lawrence na masakit sa ulo, mas masarap sa ilong ang amoy ng pabango ni Quino.
"Pasok ka..."
Sinadya ko talaga na pagpasok niya palang ay makikita niya na agad ang mga inihanda ko kaya naman noong napahinto siya ay humalakhak na ako.
"Surprise!"
His lips parted a bit. Ilang saglit din siyang natulala. Lalo tuloy lumaki ang ngiti ko. Nang magtama naman ang tingin namin, nakita ko ang pag - igting ng panga niya at pamumungay ng mga mata habang nakatingin sa akin.
"Sana magustuhan mo. Pasensya na at 'yan lang ang nahanda ko..."
Lumapit ako sa table at kinuha ko ang cake na may nakasinding kandila sa gitna.
"Happy Birthday, Quino..." I said softly.
He swallowed hard.
Ilang saglit siyang pumikit bago tuluyang hinipan ang kandila.
When he opened his eyes, it looked like they have their own vocabulary. Na kung maglalaan lang ako ng oras na intindihin, makukuha ko ang lahat ng sagot sa kalituhan at kawalan ko ng kapayapaan.
"S-Salamat, Lara..."
I shook my head.
Umiwas din ako ng tingin dahil bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
"W-Wala 'yon! Tara, kain na tayo!" aya ko habang ibinababa ang cake sa gitna ng lamesa.
"Hindi ka na dapat nag - abala. Ayos lang naman kung-"
I shushed him.
"Huwag ka nga! Birthday mo kaya we should celebrate!"
Sabay kaming umupo. Maliit lang naman ang lamesa at sakto lang para sa dalawang tao kaya uminit ang pisngi ko nung nagdikit ang mga tuhod namin sa ilalim. Quino cleared his throat. He shifted on his seat at umatras ng konti. Napalunok ako at inabala na lang ang sarili sa pag - aayos ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Enduring Love
RomanceKung ang tanging pangarap mo ay mabuo muli ang pamilya mo, hanggang saan ang kaya mong gawin matupad lang ito?