Kabanata 12
Loved
I sniffed and hugged my pillow tighter.
Hindi ko na kailangan pa mag thermometer para makumpirma na mataas ang lagnat ko. Inaasahan ko na ito dahil masama na talaga ang pakiramdam ko kagabi pa.
Sa byahe pa lang kasi pauwi galing sa orphanage ay sinisipon at masakit na ang ulo ko. Wala naman akong gamot kaya hindi ko na na-agapan. Lumala na lang talaga ngayon kaya naging lagnat na.
Hindi ko tuloy maiwasan na mairita.
Kasalanan talaga 'to ni Quino! Kung hindi dahil sa biglaang paliligo namin sa falls nung isang araw ay hindi ako magkakasakit! Lahat na lang talaga ng ginawa niya ay pahirap sa buhay ko!
"Lara!?" narinig kong sigaw mula sa labas.
I groaned.
Boses 'yon ni Quino, sigurado ako!
Ano na naman kaya ginagawa ng ungas na 'yon dito? Hindi ko naman siya pinapunta ngayon, ah? Dahil nga masama ang pakiramdam ko, I don't have the energy to deal with him.
"Lara!?" sigaw niya ulit.
Ugh!
Bahala siya!
Hindi ako tatayo para pagbuksan siya. Ang bigat - bigat ng pakiramdam ko ngayon kaya wala akong panahon magpanggap na mabait. Mabulok siya kakahintay, wala akong pakialam.
Isa pa, baka masira lang ang plano ko kapag pinapasok ko siya. Sabi pa naman ni Yari at Trisha, mas worst ang ugali ko kapag may sakit. Baka hindi ako makapagpigil at bugahan ko na lang siya ng galit at sumbat ko ngayon din.
Ilang beses pa siya sumigaw at kagaya nga ng plano ko, hinayaan ko lang. Kalaunan ay huminto naman kaya pinagbigyan ko na ang sarili matulog muli. Hindi pa rin kasi ako makatagal na gising dahil sa hilo.
"Ah, sige. Salamat, Omar..."
"Oo, promise! Babawi ako!"
"Ako na nga papasok sa weekend para off ka..."
Kumunot ang noo ko sa narinig.
Natulog ako na mag - isa kaya sinong nagsasalita?
Mabilis akong dumilat at kahit nahihilo pa, kitang - kita ko ang nakatalikod na si Quino sa akin. Nakatanaw siya sa tanawin sa labas ng balcony habang may kausap sa cellphone.
Lalong kumunot ang noo ko. Anong ginagawa nito rito? Sarado 'yong pinto ko, ah? Paano 'to nakapasok? Dahan - dahan akong bumangon at sakto naman na napalingon na siya sa akin.
Nagkatinginan kami at agad gumuhit ang pag - aalala sa mukha niya.
"Oh, sige na. May gagawin pa 'ko. Salamat ulit..." Tuluyan niya na nga binaba ang tawag.
"'Wag ka muna tumayo!" saway niya.
I frowned.
"What are you doing here?" hindi nakatakas ang iritasyon sa boses ko.
Nga lang ay parang wala lang kay Quino 'yon. Inalalayan niya lang ako pahiga muli.
"Dadalan sana kita ng almusal kanina kasi 'di ba paborito mo 'yong croissant? Kaso hindi ka sumasagot kaya nag - alala ako. Kakilala ko 'yong may - ari kaya hiniram ko 'yong susi. Pasensya na, pero ayos na rin kasi nalaman ko na may sakit ka..."
I inhaled sharply.
Minsan iniisip ko na kaya galit na galit ako sa kanya dahil sa ganyang ugali niya. Ang galing galing mag - alaga, ang bait - bait, kuhang - kuha ako sa mga ngiti at mapupungay niyang mata. How could he be this kind and yet behind my back...ugh...I don't even want to think about it right now.
BINABASA MO ANG
Enduring Love
RomanceKung ang tanging pangarap mo ay mabuo muli ang pamilya mo, hanggang saan ang kaya mong gawin matupad lang ito?