Kabanata 2
Manyak
"Alam mo ikaw, ang sama talaga ng ugali mo," si Trisha pagkatapos ko sabihin ang nangyari kanina.
Kumunot ang noo ko at mas lalo pa nairita. Kaya nga ako tumawag sa kanya ay para malabas ko ang galit ko pero sa reaksyon niya ay mas ginagalit niya lang ako.
"Bakit ako ang masama? Dapat lang naman talaga sa kanya 'yon kasi manyak siya!" depensa ko sa sarili.
Inayos ko ang laptop para mas makita ako ni Trisha, sakto naman ay naabutan ko ang pag - irap ng singkit niyang mga mata.
"Tanga ka? Edi sana pinabura mo lang! Hindi 'yon tinapon mo sa dagat 'yong camera. Ang bobo naman ng galawan mo eh." Umirap siya ulit.
Nalaglag ang panga ko. "Are you serious? Bakit ba sa akin ka nagagalit? Bakit hindi sa lalaking 'yon? Best friend ba talaga kita?"
Pagod siyang bumuntonghininga.
"Look, Eda...Kilala mo 'ko. Hindi uubra sa akin ang pagiging maldita mo. Kahit pagbali-baliktarin natin, sobra 'yong ginawa mo. Isa pa, tignan mo tuloy 'yong consequence ng pagmamaldita mo, imbes na mapalapit ka sa lalaking 'yon, malamang iwasan ka na agad niya dahil sa sama ng ugaling pinakita mo..."
Natahimik ako.
Isa pa 'yon sa dahilan ng iritasyon ko. Hindi ko naman kasi alam na si Quino 'yon, ngayon tuloy hindi ko na alam kung paano siya ulit lalapitan. Bait - baitan pa naman sana ang plano ko para mapansin niya ko.
"So paano ka na ngayon, sira na 'yong plano mo 'di ba? Uuwi ka na?" tinaasan niya ako ng kilay.
Marahas akong umiling.
Never! Over my dead body! Hindi ko susukuan 'to lalo na't lahat sila ay against sa sinasabi ko. I will prove them all wrong dahil hindi kailanman pumalpak ang kutob ko.
"Of course, not..."
Napailing siya. "Alam mo, hindi maganda 'yang mga naiisip mo eh. Kung ako sa'yo, punta ka na ngayon sa Mama mo tapos tanungin mo kung totoo ba na may relasyon sila ng lalaking 'yon, para matapos agad 'yang problema mo."
I groaned. "Nakakairita ka, alam mo 'yon?"
Napangiti siya sa sinabi ko, nakita ko na naman tuloy ang bagong kabit na braces niya. Akala mo talaga kinaganda niya. Feel na feel!
"Kasi ang bobo ng mga desisyon mo sa buhay. Eto lang, alam ko naman na hindi kita mapipigilan sa mga gusto mo eh. Nandyan ka na nga eh! Pero tandaan mo 'to, huwag ka uuwing umiiyak sa'kin ha?"
Ako? Iiyak? Asa.
Kaya naman kinabukasan ay mas determinado ako. Ganon pa naman akong klase ng tao, the more discouraged I feel, the more determined I'll become.
"Kung hindi ka pumunta sa birthday party ni Tita sa Manila last week, buti pinayagan ka ni Tito na umalis," si Franz kinabukasan habang nag - aalmusal kami sa buffet restaurant ng hotel na tinutuluyan ko.
"Busy si Papa sa bagong business niya kaya wala siyang oras para pagalitan ako. Isa pa, valid naman ang dinahilan ko eh. Busy naman talaga ako sa thesis."
Kaya nga thesis din ang dinahilan ko sa pag - alis ko para makapunta sa lugar na 'to. I said need ko kumuha ng sample for my research sa Cagayan kaya wala siyang nagawa kundi payagan ako.
Natawa si Franz, sumimsim muna siya sa kape na hawak bago muling nagsalita. "Kung ganon pala ay dapat bilisan mo na hulihin si Tita, para matapos mo na 'yang thesis mo at maka - graduate ka na."
Uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Nakakairita talaga ang gunggong na 'to, ang aga aga inuutusan ako.
"Huwag mo 'ko utusan, kalbo! Gagawin ko ang thesis ko kapag gusto ko!"
BINABASA MO ANG
Enduring Love
RomantizmKung ang tanging pangarap mo ay mabuo muli ang pamilya mo, hanggang saan ang kaya mong gawin matupad lang ito?