Kabanata 4
Boyfriend
"Alam mo sana hindi ka bumagsak sa thesis mo kasi ang sama talaga ng ugali mo."
Inirapan ko si Trisha, kontrabida talaga ang panget na 'to.
"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo, basta masaya ako kasi may dinner kami ni Quino bukas."
Nakita ko ang agad niyang pag ngisi. "Baka naman mamaya, magulat na lang ako, ikaw na 'yong in love sa Quino na 'yan, ha!"
Napangiwi ako. "Yuck! Anong akala mo sa'kin, pumapatol sa cheap!?" I grimaced.
Iniisip ko pa lang ay naa-alibadbaran na ako. Hindi ang mga kagaya niya ang tipo ko. Oo na at may itsura nga siya pero dahil pumapatol siya sa matanda-not to mention sa nanay ko pa-ew, hindi talaga!
"Asus! Tignan lang natin. Love moves in mysterious ways, 'no! Ikaw rin, ingat ka na lang beshimae..."
Inirapan ko siya ulit.
"Ha-ha! Sige na nga. Tatawagan ko pa si Yari."
Binaba ko na nga ang video call. Huminga muna ako nang malalim bago pinindot ang pangalan ng kapatid ko. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya sa progress ko kay Quino, aminado kasi ako na sa aming dalawa, mas mahina talaga siya emotionally.
Iyon na rin siguro ang isa sa dahilan kung bakit ako ganito. Kung bakit ganito ang ugali ko. I grew up being protective, hindi lang sa sarili ko kundi higit sa kapatid ko.
Noong iniwan kasi kami ni Mama, ako na ang tumayo na Nanay ni Yari. It wasn't easy, lalo na dahil prone si Yari sa bullying.
Kailangan ko maging ganito kalakas at katapang para makita ng ibang tao na hindi porket wala kaming nanay ay pwede na nila kami apihin.
Good thing, it worked. Those motherfuckers stayed away from us, but the inferiority complex never left my sister.
"Ate!" she exclaimed in delight.
I smiled.
"How are you? I'm sorry I haven't been able to call these past few days. Mabagal kasi ang wifi ng hotel," dahilan ko na lang.
Tumango siya.
"It's alright. I understand. Kumusta, Ate? Napatunayan mo na ba na hindi totoo ang hinala mo? Tumawag sa'kin si Mama kanina, ipinakita sa akin ang mga bagong gawa na kwarto sa hotel..." kwento niya.
Napalunok ako.
Seeing her like this-full of hope, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nakita ko. Hindi ako sigurado kung kakayanin ng puso niya ang totoo.
"Actually gusto niya nga na mag bakasyon tayo diyan. See, Ate? Hindi niya naman siguro tayo papapuntahin diyan kung may kinakasama siyang iba, hindi ba?" patuloy niya.
I shrugged. "Iniinom mo naman ba 'yong gamot mo?" pag - iiba ko sa usapan.
Saka ko na lang siguro sasabihin, mahirap na, lalo na't hindi ko siya kasama. I don't want her to have a panic attack without me.
Tumango siya. "Of course, Ate! Kailan ka ba kasi uuwi? Please, make it fast na! Sinasayang mo lang ang oras mo diyan, eh! Hindi naman totoo 'yon!"
Ngumiti lang ako.
"Good. Basta huwag mo kakalimutan uminom, ha? How's your school, by the way?"
Nagsimula na siyang mag kwento. Mabuti at na-distract ko siya hanggang sa matapos ang usapan namin.
I took a deep breath. Nasa balcony ako ng hotel kung saan tanaw ko ang dagat at ang matinding sikat ng araw.
Naaalala ko pa noon, tuwing nalulungkot ako, nakikipagtitigan talaga ako sa araw. Napailing ako at bahagyang napangiti.
BINABASA MO ANG
Enduring Love
عاطفيةKung ang tanging pangarap mo ay mabuo muli ang pamilya mo, hanggang saan ang kaya mong gawin matupad lang ito?