Kabanata 13

378 22 5
                                    

Kabanata 13

Pangako

Sa mga sumunod na araw ay hinayaan ko lang ang sarili ko na maging malaya kasama si Quino.

Kahit na ang totoo ay nilalamon na ng takot ang puso ko. Hindi lang takot sa totoong nararamdaman ko kundi takot rin sa matinding kabayaran na dala nito.

Hindi rin ako mapakali dahil ginagambala ako ng kunsensya ko. Pakiramdam ko tuwing masaya ako kasama si Quino, I am not only betraying my sister, but I am also betraying myself and my own principles.

Ganito pala ang pakiramdam na mawala ang sarili. All of a sudden, hindi ko na lang bigla kilala ang sarili ko. Ito pala ang ibig nilang sabihin na nakakabulag talaga ang pag - ibig.

"Nakatulala ka na naman..."

Bumalik ako sa realidad sa boses na 'yon ni Quino. Naka - upo kami sa dalampasigan, parehong pinapanuod ang papalubog na araw. Kahapon ko pa kasi siya kinukulit na maligo kami sa dagat dahil day off niya naman ngayon. Buti na lang di ako natiis kaya ito.

"At ikaw..." Ngumisi ako at saka siya binalingan. "Nakatitig ka na naman..."

Proud siyang ngumisi at nag kibit ng balikat.

"Kinakabisado ko lang..."

Naningkit ang mga mata ko at bahagyang kumunot ang noo sa sinabi niya.

"Ang alin?"

Lumapit siya para ayusin ang mga takas na buhok sa mukha ko.

"Ikaw..."

Napabuntong-hininga na lang ako. Pakiramdam ko kasi ay tuwing bumabanat ng ganito si Quino, mas nahuhulog lang ako.

He chuckled when he saw my reaction.

Sa totoo lang, nitong mga nakaraang araw ay napansin ko kung gaano kalaki ang pinagbago niya. He wasn't that shy anymore. Sinasabi niya na talaga ang naiisip niya na madalas ay nagpapagulat sa akin.

Sanay naman ako sa mga straightforward na lalaki. Some of them pa nga, I find really annoying. But with Quino? God, I have nothing to say, at all.

"Alam mo hindi talaga ako naniniwala na hindi ka marunong manligaw." I said after some time.

Tumaas ang dalawang kilay niya, nananatili ang ngisi.

"Bakit naman?"

"Ang galing mo kaya magpakilig."

Lalong lumaki ang ngisi niya at ngayon ay mas inilapit pa sa akin ang mukha. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko at nabulabog na naman ang mga paruparo sa aking tiyan.

"Ibig sabihin...kinikilig ka nga?" tumaas ang dalawang kilay niya.

Namula naman ang pisngi ko.

"Ewan ko sa'yo! Tara na nga!" iwas ko ng tingin.

Humalakhak lang si Quino habang pulang - pula naman ako. Mabuti na lang tumatama sa amin ang kulay ng papalubog na araw kaya hindi niya mahahalata ang kulay ng pisngi ko.

"Birthday nga pala ni Papa bukas, iniimbita ka nila Mama..."

Napabaling ako sa kanya agad.

"Huh? Bakit ngayon mo lang sinabi!? Wala na akong mabibilan ng regalo!" I hissed.

Napailing naman si Quino sa naging reaksyon ko.

"Hindi na kailangan ng regalo. Huwag ka na mag - abala..."

"Kahit n--"

"Shh...Tara na. Uwi na tayo..."

Wala akong nagawa kaya nga hiyang - hiya ako kinabukasan pagdating namin sa kanila. Sinundo ako ni Quino kanina kaya sabay kaming dumating.

Enduring Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon