Kabanata 7
Birthday
I had to stay for another two weeks dahil hindi ko talaga kayang iwan ang kapatid ko.
Yari was so week emotionally and mentally that I didn't have the heart to left her alone in that state. Hindi pa nakatulong na hindi umuuwi si Papa ilang araw na.
When her mood finally shifted naman, saka lang ako nagkaroon ng lakas na muling bumalik sa Isla. And just in time, naabutan ko si Papa.
"Where have you been?"
He looked like shit.
"Eda, pagod ako..." Nilagpasan niya ako para umakyat na sa second floor.
Uminit naman agad ang ulo ko.
"Ako ba, hindi?" mariin kong tanong na nagpahinto sa kanya.
"Yari saw the annulment papers. Bakit hindi mo pa pirmahan para matapos na?"
Matalim niya akong tinignan.
"What? Maglolokohan pa ba tayo, Pa!? Gusto niya makipaghiwalay, 'di ba? Matagal na naman talaga kayong hiwalay, eh! Anong bago do'n!?"
He inhaled sharply.
"Tumigil ka na."
Marahas akong umiling.
Alam ko na nangako ako sa kapatid ko na gagawin ko ang lahat para magbalikan ang mga magulang namin pero sa nakikita ko ngayon, hindi kaya mas ayos na tanggapin na lang namin kung ano na talaga ang matagal nang estado ng dalawa?
"Hindi, Pa! Bakit ba kumakapit ka pa, e, ayaw na nga!? Sige nga. Anong sabi niya? Ayaw na 'di ba? Anong tingin mo!?"
Napapikit ako sa gulat nang bigla niyang kinuha ang vase sa gilid at binasag iyon.
"Putangina! Oo na! Mukhang imposible na kami magkabalikan ng Mama mo! Masaya ka na, ha? Masaya ka na!?"
Kinuyom ko ang kamao ko. Agad lumandas ang luhang kanina ko pa pinipigil. Naupo si Papa sa sahig at humagulgol na.
"Ayaw na! Putangina!"
That's when it became clear to me. Mahal na mahal ni Papa si Mama. Mahal na mahal din sila ni Yari kaya hanggang ngayon umaasa pa rin siya na magkakabalikan ang dalawa. At mahal na mahal ko naman ang kapatid ko kaya gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang siya.
Kung ako lang kasi ay hindi na. Matagal na akong nawalan ng pakialam sa pagod. Pagod na akong masaktan at umasa sa kanila. Pagod na akong maging biktima sa bawat away nila.
Kung hindi lang talaga para kay Yari...
Napailing ako nang muli na naman naalala ang nangyari kagabi.
Naramdaman ko ang pag - ihip ng malamig na hangin dahilan para mas manuot sa aking balat ang lamig na dala ng ambon. Unlike the first time I came here, maulan ngayon at hindi nagpapakita ang araw.
"Ayos ka lang?" bungad sa akin ni Franz.
Hindi ako sumagot. Nauna na lang ako maglakad papunta sa sasakyan niya. Papunta kami agad sa apartment na nahanap ko sa may Station 0. Ngayon kasi ay alam ko na magtatagal talaga ako.
Isang buwan lang. Isang buwan para tuluyang mabuwag ang kung anong meron kay Mama at Quino.
Nakakatawa lang kasi kahit ayoko naman na magkabalikan ang mga magulang ko, gagawin ko pa rin ang lahat para mangyari 'yon dahil sa kagustuhan ng kapatid ko.
Naisip ko na ang lungkot ng buhay ko. Pakiramdam ko nabubuhay lang ako para sa mga mahal ko. Kailan kaya ako mabubuhay ng para sa sarili ko naman?
"Namili ako ng mga groceries doon. Marunong ka naman magluto, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Enduring Love
RomantizmKung ang tanging pangarap mo ay mabuo muli ang pamilya mo, hanggang saan ang kaya mong gawin matupad lang ito?