Kabanata 10

330 20 3
                                    

Kabanata 10

Falls

"Anong balita, Ate?"

Humugot ako nang malalim na hininga. Nasa balcony ako at nakatanaw sa dagat habang kausap ang kapatid. Malamig ang simoy ng panggabing hangin at sinasakop ng liwanag na nanggagaling sa buwan ang malawak na karagatan...kagaya na lang nung isang gabi habang nag - uusap kami ni...

Napapikit ako nang mariin. Hindi ko maintindihan pero nitong mga nakakaraang araw ay puro si Quino ang sumasakop sa isipan ko. Siguro dahil sa nagdaang isang linggo ay palagi kami magkasama?

Kinagat ko ang labi ko at niyakap ang sarili gamit ang kaliwang kamay.

Inalok ko lang naman siya na maghapunan sa bahay pagka - uwi namin galing sa orphanage, butfor some reason, naging routine na namin 'yon sa mga sumunod na gabi. Madalas pa nga ay may dala siyang dessert para sa akin galing sa buffet ng hotel.

Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na ganon ang mangyayari sa relasyon namin pagkatapos ng mga nangyari sa orphanage. Kabado ako dahil hindi ko talaga alam kung paano ipapaliwanag kung bakit naging ganon ang reaksyon ko.

Mabuti na lang talaga ay hindi naman 'yon inungkat pa ni Quino. Kahit na paglabas ko ay naabutan ko si Crisan sa gilid niya, nakasimangot at mukhang pinagsasabihan siya na layuan ako at huwag akong pagkatiwalaan.

"I...I'm still working on our relationship, Yari..."

She groaned.

"Matagal pa ba 'yan?"

Kumunot ang noo ko sa tono ng boses niya. Sa tono niya ay parang hindi na siya makapaghintay at nahuhuli na kami.

"May problema ba?" tanong ko.

Narinig ko ang pagbuga niya nang malalim na hininga.

"Kagabi kasi ay narinig ko si Papa na kausap si Mama, pinipilit na siyang pirmahan ang annulment papers..."

Napapikit ako nang mariin.

Ano ba talagang ginagawa mo, Quino?

Bakit nagmamadaling makipaghiwalay si Mama?

Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Gabi - gabi naman kami magkasama ni Quino. Sa kilos niya nga ay parang gusto niya na ako. Ang kulang na lang ay mapa-amin ko siya at magtutuloy - tuloy na ang mga plano ko. But despite the progress of our relationship, patuloy pa rin sa pag - usad ang annulment...

"Yari, hindi mo ba naisip na baka..." Napalunok ako sa naisip.

Ito na naman ako at gusto ko na naman sumuko. Alam ko na nangako ako sa kanya pero kung 'yon naman talaga ng gusto ni Mama, bakit hindi na lang namin tanggapin, hindi ba?

"Anong baka?"

"Baka dapat lang na hayaan-"

"What did you just said? Are you having second thoughts now!?" Hindi nakatakas sa akin ang pagtaas ng boses niya. "Don't tell me sumusuko ka na, ha, Ate!? Tell me! Ayaw mo na ba? 'Di ba nangako ka?"

Fuck.

Bumuntong - hininga ako.

"Hindi naman sa ganon pero..."

"Ganon na rin 'yon! Iniisip mo na hayaan at tanggapin na lang! Akala ko ba pangarap natin ang mabuo ulit!? Bakit sumusuko ka, ha!?"

"O-Okay...Hindi na-"

"Siguro kaya ang bagal - bagal nang usad mo ay dahil wala ka naman talagang ginagawa! Baka naman talagang gusto mo na sila maghiwalay kaya-"

"Tama na..."

Enduring Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon