Kabanata 14
Dead
Lahat ng bagay ay may simula at katapusan, pero itong gabing 'to, hindi ko alam kung kailan matatapos. Ang hiling ko lang ay kung paano sana nagsimula ang storya ko, sa panaginip na lang din sana matapos ang lahat.
Ang simula ay katapusan, ang katapusan ay simula.
"Yari!" sigaw ko habang patuloy sa pagtakbo.
Hindi siya huminto. Malakas na ang buhos ng ulan at binabalot na ng malalakas na kidlat at kulog ang kalangitan. Malayo na ang narating namin pero sa itsura niya ay wala pa rin siyang balak tumigil. Hindi namin kabisado ang Isla kaya natatakot ako na sa paglayo namin ay mawala kami, lalo na't hindi maganda ang panahon.
"Yari, sandali lang! Magpapaliwanag ako! Mali ang iniisip mo!"
Hindi pa rin siya tumigil. Dahil sa malakas na buhos ng ulan ay hindi ko na maaninag ang paligid, pero wala akong pakialam dahil ang importante ngayon ay mapakalma ko ang kapatid ko.
"Hindi 'yon totoo! Lahat ng nakita mo, hindi totoo! Hindi ko siya mahal! I was just acting!" sigaw ko.
That statement made her stop, finally. Marahas niya akong nilingon, mapula ang mga mata at patuloy sa paghikbi. Tumulo ang luha ko. Alam ko na pinangako ko na hinding - hindi ako magsisinungaling sa kapatid ko dahil sa buhay na 'to ay siya lang ang kakampi ko, pero wala akong choice. Iba na ngayon. I had to lie in order to save us. I had to lie in order for her to calm down.
"Hindi ko siya mahal!" ulit ko. "Kilala mo ko, Yari. Hinding - hindi ako magmamahal ng lalaking kagaya niya! Nakakadiri! Nakakasuka! Hinding - hindi ako papatol sa kagaya niya!"
Unti - unti akong lumapit papunta sa kanya.
"Pangako, Yari. Kilala mo 'ko. Hindi ko 'yon magagawa sa'yo..."
Nang sa wakas ay tuluyan akong nakalapit sa kanya, tuluyang bumigay ang tuhod niya. Napapikit ako nang mariin. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko sa sakit. Alam ko, kasalanan ko lahat 'to. Hindi ako dapat nandito umpisa pa lang. Tama si Trisha at si Franz, lahat ng sinabi ko at pinangako ko ay siya rin na lumalamon sa akin ngayon.
Lumuhod ako at tinitigan ang mga mata ni Yari. Mga mata na sa akin lang kumakapit, mga matang sa akin lang nakatingin.
"Tandaan mo 'to. Ikaw palagi ang pipiliin ko. Mahal na mahal kita. Gagawin ko lahat para sa'yo..."
Dahil 'yon ang totoo.
Kahit mahal na mahal ko si Quino, kahit hindi ako sigurado kung sino ba talaga ang demonyo sa storyang 'to, si Yari palagi ang pipiliin ko. It will always be my sister over anyone. It will always be my sister over my own self.
"C-Can you prove it, Ate?" Napalunok ako bago tuluyang tumango.
Kinuha ko na ang cellphone ko para i-text si Quino na pumunta siya sa hotel, pagkatapos ay tinawagan ko na si Franz na sunduin kami para ihatid doon.
Ito naman talaga ang katapusan ng lahat-ang katotohanan.
Tulala ako habang nasa byahe. Siguro kasi pakiramdam ko bumalik ako sa simula. Sino ba talaga si Eda bago nagkaroon ng Quino. Gaano ba kalayo ang pagkaka - iba sa ugali ni Eda at Lara. Tangina. Ang bilis ko nadala ng sarili kong pagpapanggap. Ang malas ko lang kasi ang daming kulang sa akin at 'yong kalaban ko- alam na alam kung paano ako kukumpletuhin.
"A-Ate..." sa tono pa lang ni Yari ay alam ko nang kinakabahan siya.
Ngumiti ako at hinawakan nang mahigpit ang kamay niya.
Dalawa lang naman ang kahihinatnan ng gabing 'to. It's either mabuo pa ang pamilya namin o lalong masira. Kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung paano kakayanin ni Yari at ni Papa na tanggapin si Mama kung sakaling siya nga ang umiipit kay Quino.
BINABASA MO ANG
Enduring Love
RomanceKung ang tanging pangarap mo ay mabuo muli ang pamilya mo, hanggang saan ang kaya mong gawin matupad lang ito?