Kabanata 5
Bracelet
Hindi na nasundan ang usapan namin tungkol doon hanggang sa matapos kami kumain. Nag - offer ako ng dessert pero ayaw niya dahil hindi naman daw siya mahilig sa matamis.
"Pasensya na, Quino. Nalulungkot lang talaga ako mag - isa sa hotel kaya ayoko muna sana bumalik," pagsisinungaling ko para pumayag siyang huwag muna umuwi.
Umiling siya at ngumiti.
"Ayos lang. Wala naman din akong gagawin..."
Ngumiti ako at tumango kahit hindi kumbinsido sa sinasabi niya. Sa itsura niya kanina, mukhang hindi naman siya nawawalan ng gagawin.
Itinaas ko na ang kamay ko para magtawag ng waiter para ma-settle na ang bill pero pinigilan ako agad ni Quino dahilan para kumunot ang aking noo.
"Hindi na, Lara. Ayos na..."
Mas lalo akong nalito.
"What do you mean?"
Just in time, lumapit na sa amin ang kaibigan niyang waiter.
"Oh, tol! Sukli." ibinaba niya ang thirty pesos sa lamesa bago mabilis umalis.
My lips parted a bit. Siya ang nagbayad? Bakit hindi ko alam? Kanina ba noong pumunta akong comfort room? Isang libo mahigit ang bill namin. Kaya ba siya umayaw sa dessert?
"Q-Quino, hindi ba sabi ko treat ko?"
He just smiled shyly at me. "Ayos lang. Wala 'yon. Huwag mo na intindihin..."
Umiling ako.
"No. Ako 'yong nag - aya. Ako dapat 'yong magbabayad." Hindi ko maitago ang iritasyon sa boses ko.
I just...I fucking don't know what to feel! Parang pinipiga ang puso ko sa hindi ko malaman na dahilan. Tangina. Hindi ko kayang umarte ngayon.
"Isa pa, hindi ba kaya nga kita inaya ay para makabawi sa'yo? Paano ako nakabawi kung ikaw ang nagbayad?" tinaasan ko siya ng kilay.
His Adam's apple moved. Umayos rin siya ng upo at medyo umawang ang labi.
"Pasensya na, Lara. Huwag ka na magalit. Ayos lang naman talaga..."
Fuck.
What the hell is wrong with this guy?
Huminga ako nang malalim.
"Hindi mo naman kailangan bumawi. Bukal naman sa loob ko tumulong at wala akong hinihinging kapalit..."
Bakit ka pa pumayag sa dinner na 'to kung ganon? Ang bobo naman!
Huminga ako muli nang malalim.
Easy, Eda. Kaya mo 'yan.
"Kung ganon, umiinom ka naman siguro 'no?" tanong ko.
Marahan siyang tumango kaya tumayo na agad ako.
"Alright...Let's go, then. Inom tayo, libre ko..."
Bago pa siya makatanggi ay hinila ko na siya palabas sa restaurant.
May isang bar kami na nadaanan at agad akong bumili ng beer. Si Quino naman ang nagbitbit hanggang sa makarating kami sa parte ng isla kung saan may mga libreng beach loungers na pwedeng gamitin ng mga turista.
Mabuti at kami lang ang tao kaya tahimik. Tanging alon lang at ang mahinang acoustic music na galing sa restau-bar hindi kalayuan ang maririnig.
Umihip ang malamig na hangin pagka - upo ko. Tahimik naman si Quino na umupo rin sa katabi kong lounger. Hindi ko alam kung tahimik ba talaga siya o ayaw niya lang magkamali kaya hindi siya masyadong nagsasalita. Ako tuloy palagi ang kailangan magsimula ng usapan.
BINABASA MO ANG
Enduring Love
RomantizmKung ang tanging pangarap mo ay mabuo muli ang pamilya mo, hanggang saan ang kaya mong gawin matupad lang ito?