DISCLAIMER:None of what you're about to read is true. This is just a product of my imagination. This chapter is all about the flashback of Death's past. Thank you and enjoy reading!
Update every 4-5pm.
************
Third Person's POV
A lot of stories about the angel of death have been passed down from generation to generation. Some says the angel of death existed before god. Some says death is a fallen angel, and a so on. But all of that were wrong.
The Angel of Death named Azriel was once a human. Walang maniniwala, pero 'yon ang totoo. No one heard about it because truth are always hidden behind myths.
A young child is sitting outside a shop. Malakas ang ulan at madilim na rin ang kalangitan dahil gabi na. Maraming dumaraang tao ngunit walang nakapapansin sa kaniya. Napakarungis at napakapayat. Pero ang batang 'yon ay walang kahit anumang emosyon na nakabakas sa mukha.
Tumayo ang bata at tumungo sa tinatawag ng karamihan na tahanan. Pero para sa kaniya? That place is worst than hell. Hindi niya gugustuhing umuwi sa tinatawag na tahanan na ito kung ang daratnan lamang niya ay ang ama niyang walang ibang ginawa kung hindi pahirapan siya.
Nang makauwi siya ay naabutan niya ang kaniyang ina na naglilinis ng kanilang marumi at maliit na bahay. "Azriel, anak." Pinunasan siya ng kaniyang ina pero hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan. Tuwing uuwi siya ay palagi niyang hinihiling na sana, sana wala ang ama niyang kinamumuhian niya.
Palagi siya nitong ginugulpi pero iniinda niya 'yon. Ang hindi niya lamang matanggap ay ang pananakit nito maging sa kaniyang ina. "Pauwi na ang ama mo, may nakuha ka bang pera?"
Umiling siya. Subukan man niyang magnakaw gaya ng gusto ng ama niya ay hindi niya kaya dahil palagi siyang nahuhuli.
Naiyak ang kaniyang ina na lumuhod sa harap niya. "Bubugbugin ka na naman niya." Niyakap siya nito at kahit naririnig na niya itong umiiyak ay wala man lang siyang maramdaman. Hindi na siya nasasaktan dahil sa paulit-ulit na sakit na naranasan niya. Wala na siyang anumang emosyon na maramdaman kung hindi galit at muhi sa lalaking 'yon.
"Anong ginagawa niyo?" Dumating ang ama niya at may dala itong bote ng alak. "Nasaan na ang pera?" Hinawakan siya nito nang mahigpit sa braso pagkatapos ay hinila.
"Wala akong nakuha," walang ganang sabi niya pero tumalsik siya nang sampalin siya nito nang malakas. Tumilapon siya sa lupa, mainit ang pisngi niya pero hindi siya nasasaktan. It was like he was already immune to pain.
"Wala kang kuwentang anak. Lumayas ka sa pamamahay ko!" Hinila siya muli nito pero umawat ang kaniyang ina. "Pareho kayong mag-ina, malas kayo sa buhay ko!"
Nagpumiglas siya at nanlilisik ang matang tumingin sa kaniyang ama. "Kapag nakikita mo kami, nakikita mo ang bunga at produkto ng pagiging walang kuwenta mong tao." Nagulat ito sa sinabi niya. "Hindi ba't kaya mo gustong maglasing, para mawala sa isip mo ang mga kasalanang nagagawa mo sa amin at maiwasan ang konsensya na gabi-gabi kang dinadalaw? Wala akong kuwentang anak? Ikaw, wala kang kuwentang tao--"
Isang malakas na suntok ang nagpatahimik sa kaniya. "Walang hiya kang bata ka!" Gugulpihin pa sana siya ng ama niya nang itulak siya ng ina niya.
"Azriel, tumakbo ka na! Iwan mo na ako!" sigaw nito habang hawak ang ama na nagpupumiglas para lang mahabol siya. Kahit wala sa sarili ay tumakbo siya palabas ng bahay at ramdam niya kaagad ang lamig ng gabi at dulot ng malakas na pag-ulan.
"Tulong," sabi niya sa bawat taong dumaraan. Gusto niya mang balikan ang kaniyang ina para tulungan, wala siyang magawa dahil mahina siya. Sinubukan niyang manghingi ng tulong sa ibang tao pero walang pumapansin sa kaniya. It was as if, he's invisible.
YOU ARE READING
Call Me Death (Fallen Series #4)
ParanormalThe Final Book of Fallen Series (Fallen Series #4: Azriel) "I should've killed her. But I couldn't take my eyes off of her gray eyes that stares at me as if she sees through me." Death is lonely, he only meets people to say goodbye and takes them to...