"I think they're giving us a warning," Havana said while leaning on the wall and crossed her arms. "I think they're preparing something under their sleeves."
"Obviously." Tumalon pababa ang isang babae mula sa direksiyon ng armory cabins habang humihikab na lumapit sa pwesto ni Havana at ginaya ang anggulo nito. It's Havana's twin, Savana Gray.
They're inside the South Border Laboratory where inventions of armory weapons, gadgets and devices were being made and tested for undercover agents. Their alliance has the largest collection of gadgets, historical items, and memorabilia pertaining to the dangerous world of espionage.
Makikita roon ang malalaking armory cabins, iba't ibang devices at bizarre display gadgets na ginagamit sa kanilang undercover mission, macro/micro computers, maging chambers and apparatus for advanced inventories.
Kasama nila roon ang lima pang miyembro ng kanilang unit team: Si Saint Sullivan, na hinihimas ang suot na hikaw sa tainga na parang loko-lokong nakangiti habang nakasandal sa kabilang wall, na walang ginawa kundi sirain ang araw nilang magkapatid.
Si Cameron Black, na nakasuot ng black polo shirt ay naglalakad at inililibot ang sarili sa laboratory habang namamanghang pinagmamasdan ang mga bagay na naroon.
Si Camilo Fantagio, na mahilig magsuot ng sleeves ay nakaupo sa lab table habang naglalaro ng online games sa hawak nitong cellphone. Napapasigaw at napapahampas pa ito roon sa tuwing makaka-high score sa kung anong nilalaro nito.
Si Lourde Sylvester, na katabi naman ni Camilo ay nakakunot ang noo at tila may malalim na iniisip. Itinuturing nila ang lalaki bilang 'second version' ni Marcus dahil hindi nagkakalayo ang pag-uugali ng dalawa.
Isa pang naroroon ay si Eyeris Sutton, na kalalabas lamang sa isang mausok na chamber doon. Magulo ang buhok nito, maging ang nakatabinging suot na salamin. Nasapo nito ang noo nang mauntog ito sa isa pang armory cabin na nandoon. Eyeris was a clumsy type of person, yet they entitled her as a 'Star Tech' dahil sa mahusay at magaling itong gumawa at mag-invent ng iba't ibang items na malaki ang naitutulong sa kanilang nagiging undercover mission.
"Seriously, Savana. Natulog ka na naman doon?!" hindi-makapaniwalang tanong ni Saint kay Savana habang nakaturo sa armory cabin na pinagmulan nito.
"Duh. Obviously." Savana answered him with a frown on her face and rolled her eyes.
"Relax, baby. Aga-aga, ang sungit mo," nakangiting giit ni Saint at kinindatan ang babae na lalong sumama ang timpla ng mukha.
"Paano ako magre-relax kung makikita ko 'yang pagmumukha mo?" Savana rolled her eyes for the second time. Lumapit ito sa pwesto ni Saint at naaasar na kinuwelyuhan ito. Napataas naman ang dalawang kamay ng lalaki, tila sumusuko na.
"Marcus is their main target." Napatigil silang lahat sa ginagawa at napatingin kay Lourde. "He's a huge threat to them."
"Lalo na't malaki ang utang nila kay Captain," dugtong ni Cameron habang hawak ang isang Glock 9 mm pistol at iginala 'yon sa iba't ibang direksiyon, tila may hinahanap na target. "Utang na hindi magiging sapat na pambayad kahit buhay pa nila ang kapalit."
"At nagkamali sila dahil si Captain ang pinagkautangan nila," napapailing na dugtong ni Camilo na mababakas ang inis sa mukha habang patuloy na naglalaro sa kanyang cellphone. Nauubos na ang mga alagang ibon nito dahil sa mga invader na berdeng baboy sa nilalaro. "Nasubukan ko ng umutang kay Captain noon at hindi na ako uulit. Para na niya akong pupugutan ng ulo n'on sa sobrang talim ng titig sa akin eh!" Napakamot ito sa ulo at nagpatuloy sa paglalaro.
"Kung tutuusin, may utang din tayo sa kanila," muling nagsalita si Lourde at tumuwid ng tayo. "We have one of the Triton, remember? So it's a tie for both of us, yet unfair for Marcus."
Dahan-dahan itong naglakad paikot sa lab table habang tinutuktok ang mga daliri ng kanang kamay sa ibabaw niyon. "Ang inutang nila kay Marcus ay hindi na maibabalik ang buhay, samantalang 'yong inutang natin sa kanila ay nasa bingit ng kamatayan at sa tingin ko... may pag-asa pang mabuhay."
"That's the problem," sibad naman ni Havana na mataman lamang na nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. "Kapag nalaman nila na nasa atin ang isa sa pinuno nila, hindi sila magdadalawang isip na patayin tayo. Siguradong nakahanda na ang mga alas nila na papatay sa atin."
"Then let them lay those ace cards on our table and turn everything upside down."
Lumakad palapit sa pinto si Lourde at binuksan 'yon, pagkatapos ay sumulyap sa kanya. "Sigurado akong ganoon ang gagawin ni Marcus."
***
Kasalukuyang umaakyat si Havana sa stairs papunta sa rooftop ng SBA (South Border Alliance) Building upang magpahangin. Hindi na siya nag-abala pang sumakay sa elevator sapagkat sanay na siyang maglakad doon. Masyadong malikot ang kanyang isipan ngayon dahil sa naging takbo ng usapan ng kanilang team sa laboratory kaninang umaga. Nais din niyang panoorin ang paglubog ng araw na paborito niyang gawin noong bata pa lamang siya, kasama ang dalawang taong importante sa buhay niya maliban sa kanyang magulang.
Sina Marcus at Audrey.
Nasa huling palapag na siya sa pag-akyat ng hagdan nang mapahinto siya dahil nakita niya roon si Lourde.
Lourde was leaning on the wall while lying down on the tinted floor, with one leg bent over the surface. Nakapikit ang mga mata nito. Maingat siyang naglakad upang hindi makagawa ng ingay at magising ito mula sa pagkakatulog. Nang malagpasan ang binata, nagkamali siya sa naisip na natutulog ito.
"Natatakot ka ba?" Napahinto siya sa pag-akyat at lumingon sa direksyon ni Lourde. Nanatiling nakapikit ito. Napakunot ang noo niya dahil sa tanong nito sa kanya, ngunit kalauna'y naunawaan niya kung ano ang ipinapahiwatig nito. Napabuntong-hininga siya bago sumagot.
"Hindi. Sinasabi ko lang kung ano ang maaaring mangyari-" Natigilan siya at hindi nakaimik sa sumunod nitong inusal na tanong.
"Para kay Marcus?" idinilat nito ang mga mata at ang mga 'yon ay diretsong nakatitig na sa kanya. Bumuga siya ng hangin at umiwas ng tingin.
"Ayokong maulit ang nangyari noon."
Iniwan niya ito na seryoso ang estado ng mukha habang hindi siya nilulubayan ng mapanuri nitong tingin.
***
BINABASA MO ANG
Bad Blood
AksiShe wants to shower them with blood, she wants to see them groaning in pain, and begging for mercy. Don't test her if you dare. You'll might end up tasting hell. Don't mess up with the bad blood. She have no tears for the dead.