Chapter Three: The Untamed Beast

21 1 0
                                    

Makulay at makinang na mga ilaw na nagmumula sa lungsod ang tanging nagsisilbi nilang liwanag. Napapalamutian ng iba't ibang uri ng bulaklak ang kapaligiran. Nakakaakit ang kagandahang taglay ng bilugang buwan, habang kumikislap at nagniningning naman ang hindi mabilang na mga bituin na tila ipininta sa kalangitan.

"Ang ganda..." namamanghang wika ng isang magandang dalaga na nasa kanyang tabi. Lalong gumanda ito sa kanyang paningin nang sumilay ang ngiti sa maamong mukha nito.

Masaya silang pinagmamasdan ang tanawing 'yon habang parehong nakahiga sa damuhan.

"Oo..." tugon niya bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Kumunot ang noo ng dalaga nang lingunin siya.

"Bakit sa'kin ka nakatingin?" masungit na tanong nito sa kanya at bahagyang tumaas ang kilay.

Marahan siyang umusog palapit sa dalaga at inilapit ang kanyang mukha sa mukha nito. "Mas maganda ka kasing tignan," pabulong niyang sabi at binigyan ito ng isang ngisi. Nakita niyang umangat ang sulok ng labi nito, kung kaya't palihim din siyang napangiti.

Makaraan ang ilang sandali, tumayo siya mula sa pagkakahiga at pinagpagan ang sarili. Inilahad niya sa harapan ng dalaga ang kanyang kanang kamay at nagpakawala ng isang matamis na ngiti. Nagtataka man, tinanggap 'yon ng dalaga at ngumiti rin bilang kapalit. Maingat niyang inilagay ang mga kamay nito sa kanyang balikat, habang siya naman ay inilapat ang mga kamay sa baywang nito. Pumailanlang ang isang romantikong tugtugin mula sa radyo ng kanyang kotse at sila'y sumabay sa walang tigil na pag-ihip ng simoy ng hangin.

Her brown eyes were burning in anticipation. Her black, long hair swung through the mist of air like a flowing river and a calm wave in an ocean. Her innocent and delicate face looks like an angel which made her beautiful without her even trying. Her body kept swaying with the rhythm which made him go insanely wrong, and he's suddenly getting intensed with those mild, little touch of hers.

She's the woman of his dreams. But now, she's the woman he had loved yesterday, he would definitely love tomorrow, and the only one he would always love beyond lifetime.

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon