Chapter Six: Sleeping Beauty No More

15 1 0
                                    


Pinagmasdan ni Havana ang papalubog na araw.

Sumandal ang isang lalaki sa railings doon malapit sa kanya habang nakatalikod mula sa tanawing tinitingnan niya.

"Tayo mismo ang sumusulat sa sariling kuwento ng buhay natin," panimula ni Lourde habang nakatingala sa kulay kahel na kalangitan.

"What do you mean, huh?"

"Ang buhay natin ay parang isang laro, Hana," tinawag siya nito sa kanyang palayaw noong bata pa siya. "Hindi natin alam kung kailan matatapos unless lumitaw na ang mga salitang 'game over'."

Sumilay ang ngiti sa labi ng binata nang lumingon siya rito. "Our life is not like a fairy tale story, but we always end up hoping it could also be a happy ending."

Tumikhim siya at pinagkrus ang mga braso.

"What?" kunot-noong tanong nito sa kanya.

"Thanks for the lessons," sarkastikong sambit niya na siyang nagpatawa rito. Maya-maya'y sumeryoso ang mukha nito.

"Marcus is the manipulator of his own story. Hindi natin siya mapipigilan sa mga gusto at binabalak niyang gawin, lalo na't may dumagdag na character sa binubuo niyang puzzle." Pinakatitigan siya nito at binigyan ng isang makahulugang ngisi. "Malay natin, siya pala ang magbibigay ng magandang flavor sa kuwento ng buhay ni Marcus."

"Nag-aalala ako sa kanya."

"Hindi mo yata kilala ang isang Donovan."

"Hindi naman sa ganoon," mahinang anas niya pagkatapos ay bumuntong-hininga. "Alam nating pareho na matigas ang ulo ng lalaking 'yon. Lagi niyang nilalapit ang sarili sa kapahamakan. Ginagawang posible ang imposible."

"Nagsisimula pa lang ang tunay na laban." Marahan nitong hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Let's trust him. Besides, a Donovan always has a plan."

Sabay nilang pinanood ang tuluyang paglubog ng araw.

***

Nakakabinging katahimikan ang matagal ng bumabalot sa kwartong iyon, ngunit mapapansin ang kakaibang awra na tinataglay nito ngayon.

Maliban sa mga puting kurtina na nakasabit sa mga bintana, mga simpleng bagay na nakapalibot doon, maging ang bungkos ng lavender flowers na nakalagay sa vase at nakapatong sa ibabaw ng side table, kapansin-pansin din ang isang babae na nakahiga sa hospital bed.

Natagpuan niya ang sarili na humahangos sa madilim na daanang 'yon. Tila mawawalan na siya ng hininga sapagkat kanina pa siya tumatakbo roon. Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit wala siyang ibang makita kundi kadiliman.

Nawawalan na siya ng pag-asa upang marating ang katapusan n'on, ngunit mas nangingibabaw pa rin ang paninindigan niya na siya ay nararapat ng makawala mula madilim na lugar na 'yon na nagsilbi niyang kulungan tatlong taon na ang nakalilipas. Nanghihina man ang mga tuhod dahil sa labis na pagod, nagpatuloy siya sa pagtakbo hanggang sa mapansin niya ang nakasisilaw na liwanag hindi kalayuan mula sa kung saan siya huminto.

Pinigilan niya ang nagbabadyang pagpatak ng kanyang luha at ngumiti, na pinalitan niya ng isang mala-demonyong ngisi.

Doon na nagtatapos ang lahat.

Iyon na ang wakas ng kanyang paghihirap.

***

Iginala ni Marcus ang paningin sa kalmado at tahimik na apat na sulok ng kwartong iyon. Ngayon lamang siya ulit nagkaroon ng lakas ng loob upang pumasok doon simula ng mangyari ang isang bangungot na hindi na niya hihilingin pang maranasan.

Nagmahal siya ng walang kapalit, ngunit sinuklian naman siya ng sakit. Patunay lamang iyon na ang pag-ibig ay isang bangungot.

Hinding-hindi na ulit siya magmamahal kung puro sakit lamang ang ipaparamdam n'on sa kanya. Walang kwenta ang pagmamahal kung panandalian lamang 'yon.

Lumakad siya palapit sa closet na katapat ng kama at binuksan ito. Nakatago roon ang mahahalagang gamit ni Audrey, maging ang sinuot nitong wedding gown noong kasal nilang dalawa.

Napatiim-baga siya at marahas na sinarado iyon. Nahagip naman ng paningin niya ang isang picture frame na nasa ibabaw ng cabinet na katabi ng kama kung saan makikita ang larawan nilang dalawa ni Audrey. A smile were written all over their face. Napabuntong-hininga siya bago naisipang lumapit doon, pagkatapos ay kinuha 'yon at itinago mismo sa loob ng cabinet.

May bahid ng pagtataka sa kanyang mukha nang mapansin ang isang kahon na nasa ilalim n'on.

Umupo siya sa kama at inilapag doon ang small black box na naglalaman ng iba pa nilang larawan ni Audrey, maging ang mga larawan nito simula pagkabata. Inisa-isa niya 'yon, at isang larawan ang nakakuha ng kanyang atensiyon.

Isang larawan na punit ang kalahating bahagi.

Makikita roon ang nakangiting bata na si Audrey na mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ng isang taong hindi niya alam kung sino dahil iyon ang nawawalang bahagi ng larawan. Tanging ang pangalan lamang din ni Audrey ang nakasulat sa likod nito.

Hinugot niya ang cellphone sa kanyang bulsa na wala na namang tigil sa pagtunog.

"What?" kunot-noong tanong niya sa tumawag na si Camilo, habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa hawak na bagay.

Natigilan siya bago napatayo sa kinauupuan nang marinig ang mga sinabi nito. Hindi siya mapakaling lumabas doon.

"The devil is back, huh?"

================================

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon