Chapter Seven: Mysterious

17 1 0
                                    

"Secure the area." Marcus suddenly pressed the off button of the earpiece he's wearing before walking towards the private hospital rooms' hallway.

Wala na ang nakahigang babae sa hospital bed nang mabilis niyang pihitin ang seradura ng pinto upang pumasok sa loob ng kwarto nito. Ngunit nagkamali siya sa naisip na tuluyang tumakas na ito.

Napangisi siya nang marinig ang pagsara ng pinto at ang tunog ng pag-lock nito. Lalong lumawak ang ngisi niya nang maramdaman ang malamig ngunit mapanganib na bagay na nakatutok sa kanyang batok.

"Disappointed?" Mahihimigan sa tono nito ang pang-aasar. Hindi man niya nakikita ang mukha nito, sigurado siyang malawak din ang mala-demonyong ngisi nito sa labi.

"Not really," tugon niya habang pinagmamasdan na ang repleksiyon nito sa salamin na nakasabit sa wall hindi kalayuan sa kanila. Tama ang hinala niyang nakaukit nga sa inosenteng mukha nito ang ngisi ng isang demonyo.

What an innocent devil.

"Congratulations, little devil."

Mahina itong natawa sa mga huli niyang sinabi at lalong idiniin nito sa batok niya ang hawak nitong pistol.

"Thanks, but no thanks." sarkastikong sambit ng babae at kinasa ang hawak nito. "Wanna die here?"

Naramdaman niya ang konting panginginig ng kamay nito nang humarap siya rito ng walang pag-aalinlangan. Natutok ang tip ng baril sa kanyang mukha. Halatang nagulat ito nang hawakan niya ang kamay nito at inayos ang pagkakatutok n'on sa kanyang noo.

"Make it in the count of three and shoot me devil," wika niya na ikinatigil nito.

"One..." Nalilitong tinitigan siya nito at unti-unting hinila ang trigger ng baril.

"Two..."

"Three..." Hindi niya inaasahan ang malakas na pagsipa nito sa sikmura niya na siyang dahilan ng pagtalsik niya sa malamig na pader. Mahina siyang napahalakhak. Hindi natuloy ang pagtayo niya nang lumapat naman ang paa nito sa mukha niya na ikinabagsak niya sa hospital bed.

Nang lumapit muli ang babae sa kanya ay sinipa niya ang kamay nitong may hawak sa baril kung kaya't nabitawan nito 'yon at mabilis na pinatid ang paa nito. Babagsak na sana ito sa sahig ngunit humugot siya ng lakas upang makatayo at saluhin ito.

"Ang tapang mo..." bulong niya rito na hindi pinansin ng babae, bagkus ay pwersahan siyang itinulak nito pahiga ulit sa kama. Mahigpit nitong hawak ang kanyang kuwelyo habang nakakandong sa ibabaw niya.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" naiinis na tanong nito. Napangisi siya nang magbago ang reaksyon ng mukha nito dahil sa sagot niya.

"Ikaw."

Agad niyang ikinulong ito sa kanyang kabuuan. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat nang siya naman ang pumaibabaw dito at mahigpit na hinawakan ang magkabilang kamay nito.

"Pakawalan mo ako!" nagpupumiglas nitong asik sa kanya.

"Malabo 'yang pinapakiusap mo, binibini." Ngumiti siya pagkatapos ay sumeryoso ang mukha. "I'll kill you first." Mahihimigan sa tono ng pananalita niya ang isang pagbabanta.

"Kung gusto mo talaga akong patayin, kanina mo pa ginawa..." matapang na tugon nito. "Hindi ako natatakot mamatay."

"Tingin mo ba sa sarili mo, isang bayani?" dinugtungan niya 'yon ng nakaaasar na tawa. "Hindi pa rin magbabago ang katotohanan na isa kang kriminal. Once a criminal, will stay as a criminal."

"Kill me or not, nothing will change. Papatayin din nila ako."

"Are you kidding me?" Malamig na ang paraan ng pagtitig niya rito. "Why would they kill a piece of shit like them? Well, the hell I care."

Dumapo ang kanyang mga mata sa labi ng babae nang biglang kagatin ang ibabang labi nito. Hindi niya maialis ang tingin doon.

"I'm like a mess no one would ever dare to fix." Naiilang itong nag-iwas ng tingin. "Ibig sabihin, wala na akong pakinabang sa kanila at magiging pakinabang sayo. Nagsasayang ka lang ng oras sa isang tulad ko."

"Do you think so? But I don't think so." Napalunok siya nang makitang umawang ang labi nito. "May pakinabang ka sa akin. Ikaw ang magsisilbing daan ko para mapabagsak ang impyernong binuo niyo."

"Let me go," madiin na sabi nito. Nang hindi siya kumilos, nagpumilit itong kumawala ngunit hindi 'yon sapat dahil mas malakas siya rito.

"I said, let me-"

"Ang ingay mo." Umalis siya sa ibabaw nito habang nakangising isinampa ang naestatwa nitong katawan sa kaliwang balikat niya. Sinipa niya palipad sa ere ang baril at sinalo 'yon, nilagay sa pocket ng blazer niya pagkatapos ay lumabas doon.

"That serves as a punishment because you've made a wrong move, little devil. Inakit mo ako." Blangko ang kanyang mukha habang inaalala ang hindi inaasahan niyang nagawa sa babae. Naramdaman niya ang panlalambot nito dahil sa kanyang sinabi na siyang ikinangisi niya ulit.

"I'm sorry to tell you this. Makamandag ang halik ng isang Donovan. Baka hanap-hanapin mo," pang-assar niya rito.

"Fuck you..." mahinang bulong nito ngunit narinig naman niya iyon.

"You're welcome."

***

Sina Lourde at Havana ay nasa isang abandunadong gusali na nagsisilbing hideout ng kanilang grupo. Tila isang 'ghost town' ang lugar na iyon dahil maliban sa walang makikitang ibang tao roon, napapaligiran pa iyon ng ibang abandonadong bahay.

Tahimik na nagmamasid ang dalawa sa loob ng isang kwarto kung saan naroroon si Marcus at ang babaeng nasa harapan nito, nakagapos ng tanikala ang kamay sa inuupuan.

"Ah. That bitch is getting into my nerves," inis na usal ni Havana habang nakahalukipkip at ang mga mata'y nanatiling nakatutok sa dalawang seryosong nag-uusap. "If she dare try to harm Marcus, an upper cut in 360 degree form from mine will do to shut her."

"Cool," natatawang komento ni Lourde na nakasandal sa pinto at nakatingin din sa tinitignan niya habang nakapamulsa.

Parehong nagsusukatan ng tingin ang dalawa. Mararamdaman ang nag-aalab na tensiyon sa pagitan nila.

"Audrey..." nang-aasar na sabi ng babae kay Marcus na nagngingitngit na sa galit.

"Shut your filthy mouth!" gigil na bulalas niya rito habang ito'y nakamasid lamang sa kanya na may ngisi sa labi.

"Did I said something wrong?" painosenteng tanong nito sa kanya. Damn, this woman is testing his patience. Malakas niyang hinampas ang table na naroon.

"I said shut up!" Naiinis niyang nahaplos ang batok. Pinakalma niya ang sarili bago tinapunan ito ng masamang tingin. "Shut up or else..."

"What?" Mapaklang natawa ang babae. "Alam kong hindi mo magagawa 'yang nasa isip mo ngayon dahil ikaw na mismo ang nagsabing may pakinabang ako sayo, remember?"

Naglapat ang labi niya. Aminado siya sa kanyang sarili na hindi niya kayang patayin ang babaeng ito, ayon na rin sa ipinangako niya kay Mr. Callistus nang araw na iyon. She's the key for chasing the justice he needed for the woman he loved. Ito ang bubuo sa kanyang puzzle. There's also something mysterious about this woman that he couldn't figure out. Lalong nadagdagan ang kuryosidad niya sa pagiging misteryosa nito sa kanyang isipan nang siniil niya ito ng panandaliang halik. Saloob-loob niya ay pinapagalitan na ang sarili, ngunit inaamin niyang naibsan kahit papaano ang galit at poot na matagal niyang kinikimkim sa babae nang dahil doon. Her lips were very familiar to him, its particular taste, and he didn't know why.

Tinitigan niya ang mga mata nitong walang makabuluhang emosyon. Nakatitig din ito sa kanya. Nabaling ang atensiyon niya sa taong tumawag sa kanya. It's Lourde Sylvester.

"Captain-- Shit!"

***

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon