Prenteng nakaupo sa swivel chair ang isang lalaki na nakakunot ang noo habang nakaharap sa monitor ng isang computer at nagtitipa roon. Tinuktok nito ang mga daliri sa ibabaw ng table, tila nalilito sa nakikita mula roon.
Makaraan ang ilang sandali, napunta ang paningin nito sa direksiyon kung saan naroroon ang isang intricating web na kakakitaan ng iba't ibang larawan ng mga tao. Lalong kumunot ang noo nito nang marinig ang banayad na pagkatok na nagmumula sa labas ng pinto ng kanyang office.
"Come in," walang emosyon niyang sambit habang nakatutok pa rin ang atensiyon sa ginagawa.
Pumasok ang isang magandang babae na nakasuot ng formal attire at marahang tumungo bilang pagrespeto sa kanya. "Sir, Mr. Callistus urgently wants to see you."
Hindi niya tinapunan ng tingin ang babaeng nanatili sa kinatatayuan nito na hinihintay ang kanyang sagot.
"I'm busy. Go and get him another person to talk to."
"I-Inaasahan na niya r-raw po na i-iyan ang magiging s-sagot n-ninyo," nauutal na sabi nito, tila nangangapa ng mga tamang salita na maaaring sabihin sa kanya. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha nang mag-angat siya ng paningin sa direksiyon nito.
Kapansin-pansin ang bakas ng tensyon sa mukha ng babae, maging ang nanginginig na mga kamay na nakatago sa likuran nito na siyang nagpataas ng kanyang kilay. Hindi siya nakapagtimpi kung kaya't lumakad siya palapit sa pwesto nito at inilahad ang isang kamay niya sa harapan nito.
"Give me that damn phone."
"S-Sir?" may pag-aalinlangan itong nag-angat ng tingin sa kanya at natatarantang sinalubong ang malamig niyang titig.
"Give me that damn phone or else-"
"I-Ito po!" Mabilis na ibinigay nito sa kanya ang itinatagong cellphone sa likod nito kanina at sinuri 'yon. Napangiwi siya nang makita ang naka-record na on-going registered call at ang pangalan ng isang lalaki sa sa screen niyon.
"What do you want?" naiinis niyang tanong na ikinatawa ng kanyang kausap sa kabilang linya.
"Mukhang naistorbo na naman kita sa trabaho mo," wika nito na sinundan ng isang mahinang halakhak na nagpataas muli ng kanyang kilay.
"As always, nothing's new. You're always wasting my time." kaswal niyang tugon at muling narinig ang mahinang pagtawa nito, tila nahuhulaan ang expression ng kanyang mukha.
"Let's talk in private if you have some free time, but I think mas maganda kung makakausap na kita ngayon. You know where I could be."
Hindi na siya nag-abala pang sagutin ito, bagkus ay mabilis niyang tinapos ang usapan. Natitiyak niyang wala na namang patutunguhan ang kanilang pag-uusapan. Napasulyap siya sa kanyang secretary na tahimik na pinagdidikit ang magkabilang hintuturong daliri. Iwinasiwas niya ang cellphone sa harap ng mukha nito, na agad naman nitong kinuha.
"Tss." Tinalikuran niya ito at tinungo ang pinto upang lumabas ng kanyang office.
Dumiretso siya sa dulong bahagi ng pasilyo ng gusali kung saan naroroon ang nag-iisang elevator na kanyang pinasukan at pinindot ang button nito papuntang ninth floor.
Isa itong specialized elevator na nagsisilbing 'secret passage' papunta sa isang underground base kung saan pinagpaplanuhan ng mga high ranking officials at undercover agents ng Pilipinas ang iba't ibang mission ng kanilang agency named SBA or the 'South Border Alliance.'
Fortunately, isa siya sa well-skilled agent ng kanilang unit na humahawak sa mga delikadong mission. Siya rin ang superior trainer ng mga hired undercover agents na pinapadala ng kanilang alliance sa iba't ibang bansa, with an unknown identity--using codenames, either being a watcher or double agent upang kumalap ng specific data and information pertaining to the mafias, syndicates and assassins, who were marked as the most wanted persons in the crime world. Their obligation and responsibility is to end their ruthless intentions that brings chaos between the country's government and its people living a normal life. They're not working under the government's provisions, but they negotiates and help them lessen their dilemma associated with crime threats.

BINABASA MO ANG
Bad Blood
AksiShe wants to shower them with blood, she wants to see them groaning in pain, and begging for mercy. Don't test her if you dare. You'll might end up tasting hell. Don't mess up with the bad blood. She have no tears for the dead.