Chapter Two: Little Devil

19 1 0
                                    

Hindi matukoy ni Marcus ang daanang tinatahak niya ngayon ngunit nasisiguro niyang hindi niya magugustuhan kung saang lugar siya dadalhin ng sariling pag-iisip.

Makalipas ang ilang minuto, natagpuan niya ang sarili na nasa bukana ng isang private hospital. Pinagmasdan niya ang kabuuan nito. Hindi niya namalayang humigpit ang paghawak niya sa steering wheel nang mapadako ang kanyang tingin sa fifth floor nito. Napabuntong-hininga siya bago naisipang bumaba ng kanyang kotse at pumasok sa loob niyon.

Pagkapasok doon, agad niyang tinungo ang front desk kung saan naroon ang dalawang nurse na natigil sa pag-uusap.

"How may I help you, Sir?" nakangiting tanong ng isang nurse sa kanya. Kinuha niya sa bulsa ang isang private visit card at ipinakita rito.

"Private Room Number 305."

Sandaling natutok ang paningin ng nurse sa monitor ng computer sa harapan nito bago bumaling sa kanya na may ngiti sa labi. "You may go, Sir."

Pumasok siya sa papasarang elevator at pinindot ang button nito papuntang fifth floor. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya ng mga oras na 'yon, gayong wala naman siyang pakialam sa nararamdaman niya.

Tahimik niyang tinahak ang pasilyo roon. Nag-angat siya ng ulo upang tingnan ang mga plate cards kung saan nakaukit ang mga numero na nakalagay sa itaas ng bawat private rooms. Nang mahagip ang room number na hinahanap, lumakad siya papunta roon at huminto sa tapat ng pinto nito.

Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto upang buksan 'yon. Nilibot niya ang paningin sa paligid ng kwarto nang makapasok sa loob nito. Walang pagbabagong naganap doon, maging sa isang babaeng nakaratay sa hospital bed na napukaw ang kanyang atensiyon.

Pinagmasdan niya ang kabuuan ng babaeng tatlong taon ng mahimbing ang tulog. This woman fell in the state of coma which made her life miserable.

Walang pinagbago ang maganda at maamong mukha nito, maliban lamang sa kulot nitong buhok na mahaba na ngayon.

Muling bumalik sa kanyang alaala ang sakit na dulot ng nakaraan sa kamay ng babaeng ito. Sa tuwing nakikita niya ito, nababalot ng poot at galit ang kanyang kaluluwa, dahilan kung bakit lumalalim ang pagkamuhi niya rito. Gustuhin man niyang wakasan na ang buhay nito, hindi niya magawa sapagkat ito ang susi sa pinanghahawakan niyang hustisya na matagal na niyang nais makamtan para sa isang taong minsan ay naging bahagi ng kanyang buhay.

Bahagya siyang lumapit sa babae at nilapit ang kanyang mukha sa tainga nito habang hindi pa rin nilulubayan ng tingin ang mukha nito.

"Hey, little devil..." mahinang anas niyang bulong dito bago niya ito binigyan ng isang ngisi. "Aren't you tired of sleeping? Don't act like you're a sleeping beauty in a movie because you're not."

Tinalikuran niya ang babae at lumakad na palayo rito, ngunit bago pa man siya lumabas doon, sinulyapan niya ito sa huling pagkakataon.

"You're still the devil I've ever known."

================================

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon