Sinalubong ng katawan ni Marcus ang malamig na pader dahil sa table na itinulak ng babae sa direksiyon niya gamit ang mga paa nito. Malakas din ang impact ng pagkauntog niya kung kaya't nakaramdam siya ng pagkahilo. Nakita niya ang pagkahulog ng mga gamit sa ibabaw ng isang aparador kay Lourde na tumalsik sa sahig, putok ang labi at hawak-hawak nito ang tagiliran habang iniinda ang sakit niyon. Napansin naman niya ang nagpupumiglas na si Havana na nakatanikala na ang mga kamay sa likuran.
"That bitch!" Lumingon ito sa direksyon ng basag na salamin ng bintana kung saan naroroon nakaupo ang babaeng may pilyang ngisi sa labi habang nilalaro nito ang hawak na susing pinambukas nito sa tanikalang nakagapos sa mga kamay nito kanina, bago itinapon sa pwesto ni Havana na mababakas ang pagkayamot at pagkainis sa mukha.
Hindi siya makapaniwalang nagawa nito ang lahat ng 'yon sa isang iglap lamang. Such a great and mysterious woman.
Nahihilo man ay kumaripas siya ng takbo sa direksiyon nito upang maabutan ito, ngunit hindi iyon nangyari sapagkat nagpatihulog doon ang babae na hindi nawala ang ngisi sa labi nang titigan siya nito. Pinagmasdan niya ang babae na walang kahirap-hirap na nilalambitin ang katawan habang mahigpit ang pagkakakapit ng kamay sa mga nakausling bakal mula sa nagtatasang pader doon bago pinadausdos ang katawan sa isang bakal na hagdanan at tumalon pababa roon, tila hindi lingid sa kaalaman na bumaba ito mula sa ikalimang palapag ng gusaling iyon.
Wala siyang nagawa kundi gayahin din ang ginawa ng babae upang habulin ito. Napatingin siya sa kotseng lulan nila kanina papunta sa lugar na iyon at kinapa ang bulsa ng suot na pantalon upang kunin ang susi niyon. Napamura siya nang wala ang susi roon at naisip na baka nahulog iyon kanina sa kwarto dahil sa malakas na pagsipa ng babae sa kanya. Muli siyang napamura nang maramdamang wala rin ang itinagong baril ng babae sa kanyang blazer sa hospital kanina. Napasabunot na lamang siya sa kanyang magulo ng buhok dahil sa frustration, bago muling tumakbo ng matulin upang sundan ang babaeng nawala na sa kanyang paningin. Natagpuan niya ang sarili sa gitna ng mahabang kalsadang iyon na limitadong daanan ng iba't ibang transportation vehicles. Nahagip ng kanyang mga mata sa di-kalayuan ang hinahanap na babae na sapilitang pinaaalis ang isang lalaking nakasakay sa motor nito.
Naramdaman ng babae na may nakatingin dito kung kaya't napangisi itong tumingin sa kanyang direksiyon bago mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Hindi niya hinayaang makalayo ito, kaya naman nang mapansin ang papalapit na motor sa direksiyon niya ay hinarangan niya iyon at sapilitan ding pinaalis ang sakay niyon.
Ilang sandali lamang ay naabot ng kanyang tingin ang babae anim na metro ang layo mula sa kanya. Pinabilis niya ang pagpapatakbo ng sinasakyan na siyang ginagawa rin nito kung kaya't bigo siyang maabutan ito.
Buti na lamang at kabisado niya ang mga daanan at paliko-liko sa lugar na 'yon kaya naman minabuti niyang kumaliwa ng direksiyon dahil nasisiguro niya kung saang daan ito tutungo. Hindi siya nagsisi sa ginawa sapagkat natanaw niyang muli ang babae na doble ang tulin ng pagmamaneho sa motor, ngunit sadyang napakunot ang noo niya nang bigla itong nag-preno. Napahinto rin siya sa pagmamaneho habang hindi pa rin ito nilulubayan ng tingin.
Nakapalibot na rito ang sampung taong nakasuot ng itim na jacket maging ng mga helmet at nakasakay din sa kanya-kanyang motor, dahilan upang hindi niya matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito. Kung pagbabasehan niya ang sariling obserbasiyon, natitiyak niyang mga lalaki iyon dahil sa bruskong tindig ng mga ito. Napataas ang isang kilay niya kasabay ng pagtaas ng parehong kamay ng babae sa harapan ng mga lalaking iyon, ngunit kumislot ang kanyang mapupungay na mata sa mga sumunod na kinilos nito.
Pinaangat nito ang dulong bahagi ng motor kung saan makikita ang walang tigil sa pag-ikot ng gulong niyon, habang pinapanatili ang pagkontrol nito sa manibela maging ng posisyon sa kinauupuan at binangga iyon paikot sa nakapalibot na mga lalaki rito na naging dahilan ng pagbagsak isa-isa ng mga sinakyan nitong motor. Sinipa naman nito ang lalaking sagabal sa dadaanan nito at muling binuhay ang makina ng motor. Mabilis na bumangon ang mga lalaki at itinayo ang kanilang mga motor pagkatapos ay sinundan ang babaeng kaaalis lamang. Mabilis din siyang nagmaneho upang maunahan ang mga ito sa pagsunod sa babae.
Nakalusot siya sa pagitan ng dalawang lalaki na pilit siyang binabangga palayo. Napansin niya ang paglabas ng baril ng lalaking nasa bandang kaliwa niya kung kaya't napalingon siya rito. Agad siyang yumuko nang hilain nito ang trigger ng baril na nakatutok na sa kanya. Napalingon naman siya sa pagbagsak ng lalaking katapat niya sa gawing kanan ng kalsada.
Bumagsak din doon ang sinasakyan nitong motor na gumawa ng nakaririnding tunog. Akmang babarilin siyang muli ng lalaki ngunit hindi niya pinayagan ito. Hinablot ng kaliwa niyang kamay ang kamay nitong may hawak sa baril at pinilipit iyon ng todo dahilan upang mabitawan nito ang bagay. Malakas din ang pwersang pinakawala niya sa katawan upang gitgitin ang sinasakyan nito, dahilan upang mawalan ito ng balanse at kontrol doon pagkatapos ay nahulog ito sa gilid ng kalsada.
Pinagitnaan naman siya ng dalawang lalaki na kasunod ng mga iyon at parehong ginigitgit siya ngayon. Nagkiskisan ang dulong bahagi ng kanilang mga motor dahilan upang hindi siya makawala sa bitag ng mga ito. Humiwalay ang mga lalaki sa kanya, sandaling bumwelo bago siya muling puntiryahin dahil nagpalipat-lipat ito ng pwesto, tila pinaglalaruan siya. Malaking espasyo ang nasa pagitan nilang tatlo na sadyang ikinangiwi niya, nahuhulaan na ang binabalak ng dalawa. Itinodo niya sa full speed ang pagmamaneho upang makaiwas nang matiyempuhan niya ang sabay nitong pagsugod sa kanya.
Isang ngising tagumpay ang nasa labi niya ng mga oras na iyon nang masaksihan ang salpukan ng dalawa, dahilan upang tumilapon ang mga ito sa magkabilang direksiyon.
"Ah, I really love it." wala sa sariling bulalas niya ngunit mahihimigan doon na nasisiyahan siya sa mga nangyayari.
Lumitaw ang pilyong ngisi sa kanyang labi nang maabutan ang anim pang lalaki na nakabuntot habang pinapaulanan ng bala ang babaeng nasa unahan ng mga ito. Halos paliparin na niya ang sinasakyan huwag lang masayang ang oras niya na maaabutan din ang babaeng unti-unti na namang naglalaho sa kanyang paningin habang napapayukong iniiwasan ang mga balang pinapatama na ngayon sa kanyang direksiyon.
Rumehistro ang pagkalito sa kanyang mukha nang mag-angat ng tingin sa dinadaanan. Nakita niya ang babae na nakatayo na ngayon sa gitna ng kalsada habang nakatuon sa kanyang direksiyon ang pistol na hawak nito.
"Damn!" Masasagasaan niya ito base sa gahibla na layo niya rito kung kaya't minabuti niyang mabilis na iliko ang motor. Nahulog siya roon at nagpagulong-gulong sa daan, samantalang sumalpok naman ang motor sa mataas na posteng naroon. Gumapang siya palapit sa matayog na tipak ng bato na nagsilbing harang sa gilid ng kalsada at napasandal doon. Naglakbay ang dila niya sa gilid ng kanyang labi nang malasahan ang dugo niya roon, maging ang mga mata niya sa magkabilang braso na mayroong gasgas at sugat.
Natuon ang pansin niya sa anim na lalaking duguan at wala ng buhay na nagkalat sa daanan maging ang mga motor nito.
Napangiwi siya nang umalingawngaw sa paligid ang isang putok ng baril malapit sa direksiyon niya.
"That's a warning, Marcus Donovan."
Kasinlamig ng hanging pumapalibot sa kanila ang pagtitig nila sa isa't isa.
"Don't you dare follow me again or else," muli itong nagpakawala ng tatlong bala ng baril. "papasabugin ko 'yang ulo mo. Pero kung sadyang mapilit ang katigasan ng mukha mo... pagbibigyan kita," seryosong turan ng babae habang naglalakad papunta sa motor at sumakay doon, ngunit bago paandarin 'yon ay nilingon siya nito.
"Ibigay mo ang kalayaan na hinihingi ko sayo at bilang kapalit, tutulungan kita sa mga binabalak mong plano." Sumilay ang ngisi sa labi nito. "Trust me or not, I don't care. Sisimulan ko ang laro, tatapusin mo."
Iniwan siyang naguguluhan ng babae habang pinagmamasdan ang pigura nitong papalayo na sa kanya.
================================

BINABASA MO ANG
Bad Blood
ActionShe wants to shower them with blood, she wants to see them groaning in pain, and begging for mercy. Don't test her if you dare. You'll might end up tasting hell. Don't mess up with the bad blood. She have no tears for the dead.