"Bakit mo naman sinapak 'yong mukha ko?!" bulyaw ni Saint kay Savana na pa-chill-chill lang sa inuupuan habang nakataas pa ang dalawang paa sa table nito.
"Mukha mo pala 'yon?" Maang-maangan nitong sagot at binigyan siya ng nakakalokong ngisi. Damn that smirk!
"Hays...relax ka lang, baby." Ngumisi siya bilang ganti. "Nape-pressure ka na naman sa kagwapuhan ko." Tumaas-baba pa ang magkabilang-kilay nito sabay halakhak.
"Ang kapal talaga ng mukha mo, Santo Sullivan." Ngumisi ang dalaga at pinagsalikop ang mga braso. Si Savana ang nagbigay sa kanya ng palayaw na "Santo" na ginagamit nito bilang pang-asar sa kanya noong nagsisimula pa lamang silang mag-training bilang undercover agents sa SBA hanggang ngayon. Imbis na maasar ay natutuwa pa siya sa tuwing tinatawag siya ng dalaga sa ganoong palayaw.
"Anong sinasabi mo, baby ko? Hindi ko nga alam kung paano mo natitiis ang kagwapuhan ko," binigyan niya ito ng nakakalokong ngiti. Mababakas sa mukha ng dalaga na nauubos na ang pasensiya nito sa kanya.
"Tigil-tigilan mo ang pagtawag sa akin ng baby dahil konti na lang, baby-tugin na kita," nagngingitngit na ang ngipin ng dalaga, hindi malayong totohanin nito ang sinabi sa kanya.
"K, chillax! Ito naman, nagbibiro lang ako eh," napakamot na lang siya sa kaniyang ulo.
"Oops, may LQ na naman ang mag-lovey dovey!" parinig ni Camilo sa kanilang dalawa. Tinapunan ito ng masamang tingin ni Savana habang siya naman ay napabuntong-hininga.
"Lagi na lang niyang sinasaktan ang damdamin ko p're, it hurts!" Marahan niyang hinampas ang kaniyang dibdib na tila nagdaramdam.
"OA mo, bro." Napangiti itong lumingon sa kadarating lamang na si Cameron.
"Talaga bro? As in, OVER ATTRACTIVE? Syempre, ah!"
"Ewan ko sayo."
"Tsk! Bakit ganiyan kayo sa akin?!"
Hindi siya pinansin ng mga ito. Napabusangot na lamang siya ngunit agad ding nagliwanag ang kaniyang mukha nang makita si Eyeris na papunta sa office kung nasaan sila. Pumunta siya sa harap ng pinto upang salubungin ito.
"Hi Eyeris!"
Nagulat ang dalaga sa kaniyang pagbati. Hinila niya ang kamay nito papasok sa loob ng office. Kinusot naman nito ang mga mata, tumingin ng diretso sa kaniya, at biglang napatingin sa magkahawak nilang kamay. Dahil doon, binitawan niya ang kamay nito.
"Eyeris, may itatanong ako sa'yo. Sabihin mo ang totoo sa kanila."
"Ah...okay."
Hinimas niya ang kaniyang baba at ipinakita ang kaniyang makamandag na ngiti. "Anong masasabi mo sa hitsura ko?"
Napakunot ang noo ng dalaga at napakamot sa ulo nito. "Sa totoo lang...medyo...weird ka sa paningin ko..." nahihiyang sagot nito at lumakad palayo sa kanya. Nagtawanan ang mga kasama nila sa loob ng office.
"Oo na, weird ang hitsura ko. Kakaiba kasi ang kagwapuhan ko," pampalubag-loob niyang sambit sa sarili at parinig sa kaniyang mga kasama.
Natigil ang tawanan at awtomatikong sumeryoso ang kanilang mga mukha nang makita ang dalawang taong kapapasok lamang sa loob ng office. Ang nauna'y masama ang timpla ng mukha, habang ang sumunod dito ay may putok ang labi at nakalapat ang isang kamay sa tagiliran nito.
"Ayos lang ba kayo?" tanong niya sa mga ito.
"Hindi ba dapat alam mo ang sagot sa tanong mo?" naiinis na tugon sa kanya ng isa sa mga ito.
"Relax, Havana. Nagtanong lang naman ako."
"Nag-alala kaming lahat sa inyong dalawa, lalo na kay Captain." singit ni Cameron na may bahid ng pag-aalala sa mukha.
"Kumusta si Captain?" tanong naman ni Camilo.
"Hindi namin siya makontak pagkatapos ng nangyari kahapon," seryosong tugon ni Lourde. "Hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ng babaeng 'yon."
"Ibig sabihin, natakasan niya kayong tatlo?"
Tumango si Lourde.
"That bitch!" turan ni Havana. "Daig pa niya ang mga lalaki. Hindi ko maitatangging malakas siya."
"Paano na iyan? Mawawalan na tayo ng lead sa Scorpion," singit ni Cameron.
"Hindi ako sigurado riyan," pagkontra naman ni Savana. "Hindi basta-basta papayag si Captain na mawala ang nag-iisang susi para makuha ang hustisya na kailangan niya noon pa."
"At syempre, kasama tayo ni Captain sa laban na ito," dagdag ni Saint. "Laban ng isa, laban ng lahat. Kailangan din nating makamit ang hustisya para sa mga taong dumaan sa kamay ng Scorpion."
"Kahit paano, matino pa rin pala ang pag-iisip mo." nakangising sambit ni Savana sa kanya. Ngumisi rin siya pabalik dito.
"Bilib ka na naman sa akin, baby ko." Matalim na titig ang tinugon ng dalaga sa kanya.
"Kailangan nating mahanap agad ang babaeng 'yon bago pa siya makabalik sa pinanggalingan niya." Determinadong sambit ni Havana. "Panigurado akong hindi pa siya nakakalayo."
"Paano kung humingi na siya ng tulong sa mga kasamahan niya?" singit na tanong ni Cameron. "Maliit na ang tyansa na makuha natin siya ulit. Kilala natin ang Scorpion. Protektado nila ang pagmamay-ari nila."
"Posible. Sigurado ako na hihingi siya ng tulong sa mga taong pinagkakatiwalaan niya at...hindi iyon ang Scorpion." tugon ni Savana na nagpatigil sa kanilang lahat.
"What do you mean, Savana?"
"Two days ago, may nakalap na bagong impormasyon ang isa sa mga asset ng team natin. Matagal na bago pa man ma-aksidente ang target natin, may nangyaring gulo sa loob ng kanilang organisasyon. Dahil iyon sa hidwaan sa pagitan ng kanilang Maestro at Maestra-ang utak ng Scorpion at ang kaagapay nito, walang iba kundi ang babaeng 'yon."
"Maestro and Maestra? Does that mean the original ten members of Scorpion use the different roles and sections in an orchestra as their aliases, based on their importance in it?" tanong ni Camilo.
"Oo."
"They suit their aliases well. However, they're not the typical conductors leading an orchestra in harmony-instead, they lead in destruction, implying chaos."
"Ano ang pinagmulan ng away nila?" tanong naman ng kakambal nitong si Havana.
"Wala pang katiyakan kung ano sa dalawang bagay na babanggitin ko ang sagot. Una, dahil sa posisyon at pangalawa, dahil sa buntis ang Maestra."
Nagtinginan ang bawat isa sa kanila dahil sa huling narinig.
"Posible 'yong unang binanggit mo. Hindi na bago 'yon sa mga taong puno ng kasakiman ang kalooban. Pero 'yong sumunod...malabo." Umiiling na sambit ni Havana sa huli. "Pagkatapos ng aksidente, sinuri ng doktor ang babaeng 'yon ngunit walang lumabas ni isa sa findings na buntis siya."
"At kung sakali mang totoo 'yon, hindi ba masaya ang Maestro na magkakaroon na sila ng anak?" dagdag naman ni Camilo.
"Hindi." Napabuntong-hininga si Savana bago ipagpatuloy ang nais sabihin. "Dahil ang ipinagbubuntis daw ng Maestra ay hindi sa kanya."
Pagkagulat ang mababakas sa mukha ng bawat isa dahil sa narinig, maliban kay Lourde na tahimik at matamang nakikinig lamang sa kanilang usapan. Tila may malalim itong iniisip, at napansin iyon ni Havana nang mapatingin ito sa kanya.
"Well, let's get to the main point. Alamin natin kung sino-sino ang mga taong maaaring hingian niya ng tulong maliban sa Scorpion," determinadong sambit ni Havana.
"Additionally, we need to review the data of each member of the Scorpion, especially their Maestro and Maestra," Cameron added. "We also need to gather more information about them. In that case, we will also know the real reason behind the clash between that man and woman."
"Certainly, they already know that their queen has risen from her temporary death," usal ni Camilo. "Paniguradong kumikilos na ang mga 'yon para makuha siya ulit kahit may naganap na hidwaan sa pagitan nila ng Maestro."
"Then, dapat tayo rin," madiin na sambit ni Havana. "Hindi na ako makapaghintay na makaharap ulit ang mga ungas na 'yon."
================================
BINABASA MO ANG
Bad Blood
ActionShe wants to shower them with blood, she wants to see them groaning in pain, and begging for mercy. Don't test her if you dare. You'll might end up tasting hell. Don't mess up with the bad blood. She have no tears for the dead.