"I'm going," paalis na sana si Havana nang bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kaliwang braso nito nang hindi inaalis ang paningin sa labintatlong lalaki na nasa magkakaibang pwesto sa labas ng cemetery, tila hinihintay silang makalabas doon.
"What are you doing?!" asik na tanong nito sa kanya, ngunit imbis na sagutin ito, mabilis siyang lumakad paalis sa kinatatayuan nila habang hila-hila ito. Nakita niyang kumilos na ang mga lalaking 'yon at naglabas ng kanya-kanyang baril.
"Who are they?"
"What the hell are you talking about-" hindi natuloy ng babae ang sasabihin nang bigla silang pinaulanan ng bala ng mga lalaki sa kanilang direksiyon. Gumulong sila palayo sa isa't isa at mabilis na nagtago sa likod ng magkatapat na tombstone.
"Shit! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?!" naiinis na sigaw ni Havana sa kanya habang sinisilip ang direksiyon kung saan nanggagaling ang putok ng mga baril.
"You didn't ask, right?" kaswal niyang sagot dito. Havana shook her head in disbelief and rolled her eyes.
"Oh, I forgot. Wala nga pala sa vocabulary mo ang salitang MALASAKIT," sarkastikong giit nito at pinagkadiinan pa ang huling salita na sinabi, tila pilit na pinaiintindi sa kanya.
"Have you brought something with you?" pag-iiba niya sa usapan.
"Tsk. I think you forgot that I'm a bad girl who loves babies," nakangising tugon nito pagkatapos ay hinila ang dalawang handgun na nakatago sa gilid ng suot nitong black boots. "So, what's the plan, Captain?" Binato nito sa kanya ang isa na agad niya namang nasalo.
"Let's just end this game. Tss."
Pinaputukan ni Havana ang limang lalaki na papalapit sa kanilang pwesto.
"Come on, boys. Come to mama." Natamaan niya sa balikat ang lalaking nasa unahan habang ang sumunod namang lalaki rito ay sa kaliwang paa.
"Shit!" naaasar niyang sigaw at itinapon ang hawak na handgun sa kung saan nang mapagtantong ubos na ang mga bala niyon.
Pinaulanan naman ng bala ni Marcus ang walong lalaki na nasa magkakaibang pwesto ngayon habang nagtatago sa mga tombstone malapit sa kanya. Naubos na ang bala ng mga baril nito at naghihintay na lamang ng tamang tiyempo upang sugurin siya. Kagaya ni Havana, napamura siya nang mawalan na rin ng bala ang hawak na handgun kung kaya't inihagis niya 'yon sa kung saang direksiyon.
Itinaas ng isang lalaki ang kamay nitong may hawak na metal blade at pinalipad sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya natinag sa ginawa nito at nanatili sa pwesto na mababakas ang pagkainip sa mukha. Ilang metro na lamang ang layo nito sa kanya ngunit ngumisi lang siya, itinaas sa ere ang kaliwang kamay at sinalubong ang paparating na bagay. Tumigil 'yon sa pagitan ng kanyang gitna at hintuturong daliri. Pinagmasdan niyang mabuti ang hawak na bagay, habang mataman namang nakatitig sa kanya ang mga lalaking hinihintay ang susunod niyang gagawin. Tinapunan niya ang mga ito ng malamig na titig at umangat ang sulok ng kanyang labi.
"Damn you, assholes."
He tumbles over the pavement and immediately kick the first one approaching him in the chest with his both feet, knocking it down and the one behind it. He made high punches on one and side kicks the other.
Sumugod muli ang isang lalaki palapit sa kanya. He ready his fist to punch its face and swiftly locked its fist into his and twist it. Napangiwi ito sa naramdamang sakit at nabitawan ang tinatagong pistol sa likod nito. He bend his arm and swing his elbow horizontally at the man's jaw, making it to step back from him. He grabs the opportunity and lunges towards the man, who was lying down on the ground grunting in pain.
"Rest in peace, " he said sarcastically and quickly shot the man three times on its chest.
On the other hand, Havana lift her leg off the ground then bend her knee and twist her hips. She quickly snap her knee to kick the other one attacking her. She kick the man horizontally with her instep foot. Bumagsak sa damuhan ang lalaki ngunit agad din namang bumangon upang sugurin siya. Tumalon siya papunta sa isang monkey bars malapit sa isang puno roon at pwersahang sinipa sa mukha ang papalapit na lalaki, dahilan upang tumalsik ito palayo sa kanya maging ang nasa likuran nito.
BINABASA MO ANG
Bad Blood
ActionShe wants to shower them with blood, she wants to see them groaning in pain, and begging for mercy. Don't test her if you dare. You'll might end up tasting hell. Don't mess up with the bad blood. She have no tears for the dead.