Chapter 8: Unexpected Encounter
Chann's POV
Nandito ako ngayon sa eroplano. Papunta kami sa amerika. Hindi ko alam kung bakit baka tungkol sa business nila mommy at daddy. Kaya sinama ako.
habang ako ay nakasandal sa gilid ng upuan iniisip ko ang sinabi ni mommy saakin kanina may sinabi siya na may ipapakilala siya saakin hindi ko alam kung sino kaya lumapit ako kay mommy at nagtanong.
"ma, may itatanong ako sayo.'' sabi ko sa kanya.
''ano yun anak?'' sabi niya saakin.
''sino po yung ipapakilala mo saakin ma?'' tanong ko sa kanya.
''ah! yun ba? haha! bukas ko siya ipapakilala sayo wag ka excited anak!'' sabi niya saakin habang tumatawa ewan ko ba kung bakit tumatawa si mommy.
''Sige po." sabi ko sa kanya, pumunta na sa upuan ko at natulog. Nakakaantok ang byahe!
Alleia's POV
Bumaba na ang eroplano. Matapos 'non ay nagpunta na kami sa tutuluyan naming hotel.at inayos namin ang mga gamit namin. At nagpahinga.
Nung paggising ko nakita ko si mommy naka-ayos na at si daddy inaayos ang necktie niya. Pumunta ako kay mommy.
"Ma, susunod nalang po ba ako?" Tanong ko sa kanya habang nag-iinat pa.
Tumingn siya saakin.
"Oo anak kasama mo naman si Sam, alam niya kung saan kayo pupunta kaya wag kayo maghihiwalay ha! At oo nga pala! May ipapakilala ako sayo mamaya kaya dapat 12:00 pm umalis na kayo ha!" Sabi niya saakin at kiniss ako at umalis.
Wow! May papakilala sa akin si mommy sino kaya siya? Tss paano ko malalaman di ko nga kilala! Pumunta ako kay sam.
Akala ko naka-ayos na si Sam pala, natutulog, tulog mantika talaga tong bestfriend ko. Pero love ko parin yan!
Ginising ko siya, at nung ginigising ko siya biglang may sinabi siya......
"Ang panget mo Alleia layas na! Akin lang si superman!" Sabi niya habang may tulo pa siyang laway sa pisngi.
Haha! Minsan naiinis ako sa kanya pero masaya ako dahil nakilala ko siya.
Ginising ko siya ng ginising hanggang na nagising siya. May sinabi ako sa kanya.
"Hoy! Sam! Halika na! Aalis tayo! Dapat 12:00 pm nandun na tayo! 10:30 am na!" Sabi ko sa kanya at tumayo at pumunta sa banyo para maligo.
Pagkatapos ko maligo pumunta ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos ko magbihis nagsuklay ako at pumunta sa kwarto nakita ko si Sam nagbibihis na rin.
"T-aapos ka na m-aaligo?" Gulat kong sabi sa kanya.
"Oo bakit? May problema alleia?" Sabi niya saakin. Habang nag-susuklay.
"Haha! Wala sige aayusin ko na gamit ko!" Sabi ko at pumunta sa living room para suotin ang sandals ko.
Pagkatapos ko gawin yun nagtoothbrush ako at pumunta sa kwarto ni sam.
Pagtingin ko wala si Sam. Pumunta ako sa living room at nakita ko si sam ready na.
"Ah? Kailan ka pumunta dito?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Hahaha! Kanina lang. Halika alis na tayo!" Sabi niya at binuksan ang pintuan at umalis hindi man ako hinintay.
At nung sumakay kami sa kotse.
(Oo may kotse kami kakabili lang ni daddy pero hindi namin gamit kotse ko. Ginamit ni Sam yung sa kanya.)At nung nagdrive si Sam may inisip ako. Yung isa sino kaya ipapakilala ni mommy saakin?
At ang pangalawa bakit ang weird weird ng bestfriend ko?
Ahaha! Hindi ko namalayan bumaba na si Sam at binuksan niya puntuan ko.
"Hindi ka pa ba bababa diyan? Lalim ng iniisip mo ah!" Sabi niya saakin at bumaba ako sa kotse.
" Wala to! Thanks sige halika na!" Sabi ko at nagsimulang naglakad.
Sumabay siya saakin hanggang sa tumaas kami sa building buti saktong 12:00 ang punta namin dun ako pala yung mabagal saamin. -_-
At nung punta ko dun nakita ko si mommy na naka-upo tapos pumunta ako dun.
"Hello mommy!" Bati ko sa kanya.
"Hello anak! Oo nga pala ito ang bago naming partner na ang Perez family may ipapakilala ako sayo! Pero wala pa siya! Hintayin nalang natin." Masigla niya sabi saakin.
Sila pala ang bagong partner nila mommy pero trio sila bakit partner?
At hihintayin ko nalang yung ipinapakilala saakin ni mommy.
Chann's POV
Binilisan kong tumakbo at umakyat sa stairs kasi late na ako ayoko ng maghintay sa elevator kaya nagstairs ako.
At pagkatapos nun pumunta ako sa floor na yun at nakita ko si daddy kaya pumunta ako dun at pagpasok ko may nakita akong familiar na babae.
Si......... Alleia.
_____________
Wahhh! Thanks po dahil binabasa niyo to! Thanks po talaga! At ano kaya magiging reaction ni alleia abangan sa chapter 9 haha!
BINABASA MO ANG
The Lost Love
HumorTungkol sa dalawang tao na laging nagkakalayo pero pilit na ipinaglalapit ng tadhana. Destiny nga ba ito? Or joke joke lang?! Credits to @tinkeobell for the book cover