Chapter 3

68 8 2
                                    

Chapter 3: America

Alleia's POV

Saturday ngayon, walang pasok. Mabuti naman para bawas bawasan naman yung pag-iiyak ko parati. Basa na nga bed sheet ko eh! Joke lang. After ko maghilamos, bumaba ako at kumain. Tinanong ko si Darla kung bakit wala si mommy at daddy, day off nila tuwing saturday at sunday kaya nagtataka ako kung bakit wala sila dito. Baka naman nag honey moon sila hala! Ayoko na magkaroon ng kapatid yung ate ko nga ayaw ako eh what more pa kaya kung magkaroon pa sila ng anak! Kaloka!. Hala! Bakit napunta sa honeymoon!!! Ang bastos ko naman iniimagine ko tuloy hahahaha ew. Okay back tayo kay Darla, tinanong ko siya kung bakit wala sila mommy at daddy,

"Darla, bakit wala sila mommy at daddy?" Tanong ko habang kumakain. Kumain ako eh.

"Kasi po Ma'am, nasa work sila hindi po sila natapos kagabi kaya itinuloy nalang nila ngayon, matatagalan daw po sila eh." Nahihiya niyang sabi.

"Ah sige po, salamat nalang po." Malungkot 'kong sabi.

"Welcome po." Nahihiya niyang sabi parin saakin. Ano ba problema nito? Kakain na nga lang ako hahaha.

After ko kumain, umakyat ako at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko 'yung iPad ko at inopen ko yung facebook ko. Nakita ko si Sam na, online chinat ko.

Facebook messages

Me: sam wala ka na bang sakit?

Sam: wala na haha ang boring naman.

Me: oo nga eh.

Sam: libre ko punta tayo sa mall!

Me: sige magpapaalam ako sa mommy ko wait lang ha!

Sam: sige ligo na ako bye! Magkita tayo sa labas ng bahay niyo kotse ko dala para hindi magastos sa gas haha....

Me: sige bye na....

Sam: bye

Sam logged out....

Pagkita ko na nalog out siya kinuha ko iphone 6 ko at tinawagan si mommy. Tapos sinagot niya at,

"Ma! Pupunta kami ni sam sa mall pwede ba ako ngayon?" Kalmado kong sabi sa kanya.

"Pwede ka, alam mo yung curfew hours mo diba dapat nandoon ka na sa bahay ng 8:00 pm. Kung ikaw nakalagpas ng kahit isang minuto grounded ka wala kang gadgets for one week." strikto niyang sabi saakin.

"Opo mommy,alam ko po yun. Sige po, bye po, love you!" Masaya kong sabi sa kanya.

"Sige anak may meeting pa kami ng daddy mo mamaya sa client namin, sige ingat ka wag ka sasama sa mga strangers ha." Sabi niya saakin.

"Sige ma bye!" Sabi ko sa kanya.

"Bye anak, love you!" Malambing niyang sabi saakin.

"Love you too!" Malambing ko rin sabi sa kanya.

After ko magkaroon ng conversation kay mommy, naligo na ako at nagbihis. Bumaba ako at nagpaalam kay darla na aalis ako tapos tumango lang siya. Lumabas ako, nakita ko si Sam na naghihintay dun kaya pumunta ako sa kanya.

"Uy bakit ang tagal mo?" Tanong niya saakin.

"Ah kinausap ko kasi si mommy sabi niya kasi saakin parati dapat ako magpaalam bago umalis eh, natagalan yung conversation namin kaya ang tagal ko." Sabi ko sa kanya na masaya.

The Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon