(Pretend Wife) 3

20.2K 423 23
                                    

"Boss, may meeting kayo nang 10 am. Then, after lunch, darating yung mga investor sa Thailand. 6 pm, dinner for a charity cause." pagbibigay alam ni Luigi sa kanyang boss na si Harland na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. "Boss?" tawag niya sa pansin nito. Abala ito sa pagtingin sa monitor ng mga CCTV camera na naka-kabit sa buong building, partikular sa mga camera na nasa 60th floor, ang main office ng kanyang amo na si Harland Forto. 

"Luigi, naalala mo yung babae na muntik na nating mabangga nung isang araw?" pagkuwa'y tanong nito. 

"Hmm, yung sumampal sa inyo, Sir?" tanong niya dito. Nag-angat ito ng tingin at tinapunan siya ng seryosong tingin. Napayuko si Luigi. 

"Nandito yung baliw na babaeng yun. And she is looking for the owner of this company!" a smile of amusement flashes on his face. 

"Bakit ka niya hinahanap?" takang tanong ni Luigi dito. Nagulat pa siya ng marinig ang mahinang pagtawa ng amo. It's rare to hear him laughing like this, although alam naman niya na mabuting tao ito, iba ang pagkakakilala ng publiko dito. For the public, Harland Forto is a ruthless, cold, emotionless businessman. But he knows him better than that. Kilala niya ang tunay na Harland. They've been friends for so many years sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang estado sa buhay. 

And when Harland took over the entire Forto Group of Company, pinagkatiwalaan siya ng lalaki na maging special personal assistant kahit pa hindi naman ganon kataas ang narating niya sa kanyang pag-aaral. Nakita niya kung paano pinaghirapan ibangon ni Harland ang noon ay namemeligro ng kompanya ng pamilya. Now, at 36, Harland Forto is one of the richest and most elusive bachelor in the entire country. And yes, he owns Forto Group of Company. 

"I don't know. Alamin mo nga, but make sure na hindi ka niya makikita ha!" utos sa kanya nito. Marahan siyang yumuko at lumabas na sa sala nito. Nakatira ito sa 62nd floor ng building na iyon. Pinaayos iyon ni Harland upang hindi na mahirapan bumiyahe papaunta't pabalik. 

Naiwan naman si Harland na nangingiti. He find his encounter with that girl earlier as kinda amusing. Kanina ay pinigilan niya ang sarili na matawa lalo ng sinabi nito na kaibigan niya ang may-ari ng kumpanya. She isn't good in lying. Alin sa dalawa, hindi ito sanay magsinungaling o talagang masyado lang transparent ang babae. 

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na si Luigi. May dala itong folder na iniabot sa kanya. Kunot ang noo na inilabas niya ang laman nito. Dalawang short-bond paper ang kanyang nakita. Ang isa ay letter of appeal mula sa mga tao sa Sampaloc, Manila. He mentally recalls kung anong properties nila ang nakatayo doon. Then he remember, residential area yun na pag mamay-ari ng kanilang pamilya. Kung tutuusin ay maliit na lupa lamang iyon, ngunit maganda ang lokasyon. Balak niyang tayuan iyon ng condominuims para sa mga may kayang estudyante. He is also planning to build a small shopping mall there, of course, catering  A/B class. 

Napukaw ang kanyang atensiyon sa isa pang papael. A yellow paper with a handwritten letter. Binasa niya iyon. The content of the letter is just basically about convincing him to agree on a dialogue. 

"Czarina Dela Cruz." ulit niya sa kanyang utak sa pangalan nang sumulat ng liham. Why do he have this feeling na ito ang babaeng nakasabay niya kanina sa elevator at sumampal sa kanya? 

"Sir, gusto daw po kayong makausap nung babae. Tungkol daw po doon sa lupa nyo sa Sampaloc. Sinabi mo ng sekretarya ko na hindi kayo pwedeng kausapin kung walang appointment. Pero iniwan niya yan para daw ibigay sa inyo." pagbabalita sa kanya ni Luigi. So, tiga Sampaloc pala ang babaeng yun? At, sa lupa pa niya nakatira? Iba din talaga ang pagkakataon! naiiling na bulong ni Harland sa sarili. 

"Well, I have no plans of giving them that land. There's nothing I can do--" napatigil siya sa pagsasalita ng tumunog ang kanyang cellphone. Puno ng pag-aalala niyang sinagot ito ng makitang ang numero ng kanyang Lola ang rumehistro. "Grandma? What's up?" 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon