(Pretend Wife) 22

18.3K 409 18
                                    

"Harland, wait lang!" habol ni Czarina sa asawa na paakyat na ngayon sa kanilang silid. Kanina habang nasa padaan pauwi ay hindi man lamang siya kinikibo nito. Bagay na hindi niya maintindihan. He saved her earlier, pero ngayon naman parang galit ito sa kanya at ayaw siyang kausapin.

Mabuti na lamang at wala sa ibaba ang Mama nito maging si Lola Carmela, kundi ay katakot-takot pang eksplenasiyon ang gagawin niya kung bakit nakasuot siya ng mascot na palaka. Nagulat pa nga ang kanilang mga kasambahay ng makita siya.

"Huy, galit ka ba?" naabutan niyang hinuhubad nito ang suot na suit. Nagsalin ito ng brandy sa isang kopita bago naupo sa sofa. Matagal-tagal na rin since the last time she saw him drinking, kaya naman naisip niya na baka may nagawa talaga siyang hindi nito nagustuhan. O, baka naman napahiya ito dahil nakita ng mga tao na nasa loob ng isang mascot ang asawa nito. Kabilin-bilinan pa naman ng asawa sa kanya na ayusin ang mga galaw para hindi ito mapahiya.

Si Harland naman ay tinungga ang brandy na nasa baso-- straight! Alam niyang kailangan niya iyon para kumalma ang nararamdaman. Oo, nagagalit siya-- nagagalit siya sa sarili niya for dragging Czarina into his life. Alam naman niya na kung hindi dahil sa kanya, hindi iyon gagawin nila Denise sa babae. It's all his fault kung bakit katakot-takot na pagkapahiya ang nakuha nito.

Taka siyang napatingin muli sa babae ng isuot nito ang head dress ng palaka, pagkatapos ay sumayaw sayaw sa harap niya na parang isang mascot. Harland's trying to supress his laugh, pero hindi na niya napigilan ng umikot ito at ma-out of balance. Nang tangkain nitong tumayo ay hindi na magawa ng babae dahil nga mas mabigat pa yata ang suot nitong costume sa kanya. Lumapit siya sa asawa at tinulungan itong tumayo.

"Retard, you are sooooo silly!" kunwa ay inis niyang sabi. Inalalayan niya itong makaupo sa sofa. Pahingal nitong tinanggal ang head dress at tila humugot ng hangin.

"Hah! Grabe, hindi ako makahinga. Ang init sa loob. Ang hirap pala ng trabaho ng mga mascot, after this, I have a new found respect sa kanila." sabi nito na pawis na pawis ang mukha. Naiiling na lamang si Harland habang nakangiti at hindi makapaniwalang nakatingin sa babae. This girl is really silly-- but in a cute and good way. "Oh, nag-smile ka na! Ibig sabihin niya, hindi ka na galit sa akin. Yehey!!!" masayang turan nito, at niyakap pa siya. Sabay silang natawa ng mabangga siya ng malaking tiyan ng suot nitong palakang mascot.

"I'm not mad at you, retard! I am mad on those people, I am mad of.... of myself." ngumiti siya ngunit malungkot ang mga mata. Czarina gently caress his cheek. The warmth feeling from her skin send some tingling sensation. Para bang may kuryente na dumadaloy doon.

"Your Highness, wag kang magalit sa sarili mo! I know naman what I am getting into nung pumayag ako sa kasunduan natin eh. And besides, gusto ko ngang mag-sorry sa'yo kasi ang dami ko nang hassle na dinala sa'yo. I'm sorry!" puno ng sinseridad na sabi niya sa lalaki. Ngumingiti ang puso ni Harland dahil sa naririnig. Meron pa palang isang tao sa mundong 'to na hindi lang isisi sa kanya ang lahat ng masasamang nangyayari sa buhay nito.

"Well, okay, apology accepted." biro niya sa babae na nagpangiti dito. "But, Czarina, please promise me one thing..." ginagap niya ang kamay nito. Taka naman napatingin si Czarina sa asawa.

"Ano yun?"

"Promise me that you will be strong. Promise me that you won't hurt yourself para lamang sa akin, o para lamang sa ibang tao. Tulad niyan, mabigat pa yan sa'yo eh. It could seriously hurt you.." makahulugan at puno ng pag-aalala nitong sabi sa kanya.

"Awww! Ang sweet mo naman, Your Highness. Pero really, wag ka masyadong mag-alala sa akin. Just trust me with my decisions. Oo, I may not get it right all the time, but you should let me figure it out myself, that way-- I will grow." Ah, his sensible wife! Silly, but sensible. Pero kaya ba niya talagang hayaan na lamang ang babae? "Ano?" untag nito sa kanya ng mapansin ang kanyang pananahimik.

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon