(Pretend Wife) 28

20K 428 11
                                    

Harland can't help but to clenches his jaw. Paano kasi, kanina pa masayang nag-uusap sila Charles at Czarina na parang hindi siya kasama ng mga ito. Kung alam lang niya na dito siya dadalhin ng asawa, at kung alam lang din niya na dito tumutugtog ang banda ng half-brother, hindi na sana siya pumayag na dito sila uminom ni Czarina. Bukod sa hindi talaga siya kumportable sa open space na ayos ng bar, na napakarami pang tao sa paligid. 

Nasa likod sila ng pamosong SM Mall of Asia. Actually, ngayon nga lang niya nalaman na may mga inuman pala sa likod ng malaking mall na iyon sa Pasay. Karamihan ay halos nasa labas ang mga upuan at lamesa, facing Manila Bay. Nagtayo din ang mga bars ng kanya-kanyang maliliit na stage. 

Matitiis na sana ni Harland ang ganon basta kasama niya ang asawa, kung hindi lang naroroon din ang kapatid sa ama. And the way he see it, may gusto din si Charles kay Czarina.

"Eh ano? Ikaw kaya asawa niya!" kumbinsi niya sa utak. "Bakit, sinabi ba niya sa'yo na mahal ka din niya?" balik naman na bulong sa kanya ng kaniyang konsensiya. He shook his head! Pati yata siya ay mababaliw na dahil sa hindi pagkausap sa kanya ng asawa. Muli niyang nilagok ang San Mig Ligh na nasa kamay. Naka-apat na siya, pero pakiramdam niya, hindi pa rin nagmamanhid ang kanyang puso sa selos na nararamdaman. 

"Wait lang ha, punta lang ako sa cr." paalam sa kanya ni Czarina. Tumango lamang siya dito dahil kinausap nga siya, pero para lang pala magpaalam na tutungo sa cr. Badtrip!! inis na bulong niya muli. 

"Ikaw..." tawag niya kay Charles. Tumingin pa ang lalaki sa likod nito bilang paninugurado na siya ang tinawag ng kapatid. 

"Ako?" kunot ang noo na tanong nito. 

"OO, ikaw! May gusto ka ba sa asawa ko?" malamig na tanong ni Harland sa kapatid. Sa totoo lang, pang-anim na beses pa lang niya ito nakita ng malapitan. Lagi na kasi ay iniiwasan niya itong tapunan ng tingin. 

Ngumisi ito ng nakakaloko, "Kung may gusto ba ako sa kanya, anong gagawin mo?" 

Lalong nagtiim ang kanyang mga bagang. Pinagkakatuwaan ba siya nito? "Hindi mo gustong malaman kung anong pwede kong gawin sa'yo!" mariin niyang sabi sa kapatid. 

"Ha ha ha ha! You are funny. Alam mo, weird mang pakinggan pero natutuwa na din ako na somehow, nagpakita ka ng emosyon sa akin. I guess it's better than treating me as if I don't exist. Kailangan pala galitin kita palagi!" mapait na wika ni Charles. 

May pagtataka na binalingan niya ito ng tingin. And for the first time, parang hindi ang Charles na 26 yrs. old ang kanyang nakikita, kundi ang Charles na ipinakilala sa kanya ng kanyang Papa noong teenager pa lamang ito. 

"Alam mo ba, dati palagi kong hinihiling na sana pansinin mo ako. Na sana makipaglaro ka sa akin. Na sana ituring mo akong kapatid. But I guess, everything were just wishful thinking. I came to realized na lang na never mo akong maituturing na kapatid, because I'm our father's dirty little secret." puno ng hinagpis na pagpapatuloy nito. "Ni hindi ko alam kung anong itatawag ko sa'yo, p-pero dati, idol kita eh. I looked up to you kasi bata ka pa lang, achiever ka na. Kasi proud sa'yo si Papa. P-pero madamot ka, d-dahil kahit kelan, kahit konting pagmamahal, hindi mo ako binigyan." nag-angat ito ng ulo, at punong-puno ng sakit sa mga mata. 

"Ano ba ang pagmamahal sa'yo?" pagkaraan ng ilang saglit ay tanong niya dito, wearing his rude smirk. 

"B-bakit?" ang kanina ay mga mata ni Charles na puno ng sakit ay napalitan ng pagtataka na napatingin sa kanya. 

Harland smirk, then gently shook his head. "Ang alam nyo kasing definition ng love, yung madalas nyong naririnig. Yung sinasabi, pero hindi nyo binibigyan ng pansin yung mga ginagawa." he sigh. "Sa tingin mo, paano ka nakapag-aral hanggang sa college? Paano ka nakapasok sa mga prestigious schools na pinasukan mo? Why the media people never bashed you, or y-your mother? Who do you think provided everything you need given na wala naman stable job ang mama mo? Natanong mo na ba lahat yan sa sarili mo? 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon