(Pretend Wife) 11

19.2K 382 18
                                    

Nangingiti si Czarina habang nasa elevator sila pababa sa ground floor. Mukha kasing nasa good mood ngayon ang kanyang mister. Hindi pa ito nagsusunget mula kanina maliban sa paminsan-minsan nitong pang-aasar sa kanya. She like him better this way. 

Nang bumukas ang elevator hudyat na nasa ground floor na sila ay inalalayan pa siya ng lalaki na lumabas. He grabbed her hand tightly! Lalong napangiti si Czarina. Ganito siguro ang pakiramdam ng may boyfriend, naisip niya. Masarap pala yung pakiramdam na may nakahawak ng mahigpit sa kamay mo, yung parang protektadong-protektdo ka. Not that she can't protect her self, pero iba din pala pag may isang tao na nagpaparamdam sa'yo na safe ka. 

Kaya naman taka siyang napatingin kay Harland ng biglang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Napansin niyang natigilan ito. At nang sundan niya ng tingin ang tinitingnan nito, napaawang ang kanyang tingin nang ang isa sa pinaka-sexy na aktres sa showbiz world ang nasa kanilang harapan, si Almira Reyes. Kilala niya ito, at kung hindi siya nagkakamali, this actress top the sexiest women poll on a very popular Men's Magazine. Napanganga si Czarina. Sobrang ganda pala nito sa personal. Parehas silang babae, pero ibang-iba ang itsura nito sa kanya, sa katunayan milya-milya ang layo.

Gusto niya tuloy pagsisihan kung bakit hindi niya pinakinggan kanina si Harland na magsuot ng dress. Maging ang kanyang buhok, naiinis siya na hindi tinali niya lang yun ng mabilisan. Lalo tuloy nakikita ang pinagkaiba nila ni Almira. Why, the woman in front of her is so fab and glam. Lumapit ito sa lalaki na natitigilan pa rin. And from the look of it, she is attracted to her "husband." 

"Hi, Mr. Forto! It's so pleasant to see you here at this early. Kakatapos lang ng shooting namin sa 30th floor. Thank you pala sa pagpayag na dito kami mag-shoot ha! We owe you big time." ubos ng lambing nitong sabi kay Harland. Ngumiti pa ito kaya naman nakita ni Czarina ang pang-toothpaste commercial nitong mga ngipin. Grabe! Parang gusto niyang magpaalam sa kanyang self-confidence. Kumilos si Harland upang abutin ang pakikipagkamay ng aktres, at ang kaninang maluwag lamang na pagkakahawak sa kanyang kamay ay tuluyan na niyong nabitawan. 

Nagyuko siya ng ulo. Alam niya kailangan niyang umalis sa harap ng mga ito, pero parang hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Ang awkward! Ano ba ang dapat niyang gawin? 

"Can I have a word with you for few minutes, Mr. Forto?" narinig niyang tanong ni Almira. Nag-angat siya ng tingin para lang masalubong ang nag-aalalang tingin ni Harland sa kanya. Pinilit niyang ngumiti, pagkatapos ay tinanguan niya ang lalaki bilang tanda na ayos lang sa kanya na makipag-usap ito sa babae. 

"Sure! This way." iginiya ni Harland ang aktres sa mga couch na nasa reception area. Dahil nga sobra pang maaga, wala pa halos tao sa building bukod sa kanila. Tatalikod na sana si Czarina ng marinig na magsalita si Almira, 

"Excuse me?" lumingon siya upang masigurado kung siya ba ang tinatawag ng aktres. Tiningnan pa niya si Luigi, na nagkibit-balikat lamang. 

"Ako?" 

"Yes, ikaw! Can you please bring me water? I'm thristy na kasi eh! Thank you!" nakangiting utos sa kanya nito. Nakita niyang napaawang ang bibig ni Harland. Habang si Luigi namin ay mabilis na lumapit sa kanya. 

"Ah, a, sure! Sige, wait lang!" agad siyang tumalima sa sinabi nito kahit pa sinubukan siyang pigilan ni Luigi. Mabilis siyang tumakbo sa pantry ng building upang kumuha ng mineral water. Di niya mapigilan makaramdam ng awa sa sarili. Napagkamalan yata siya ng aktres na alalay ni Harland. 

Ngumiti siya ng mapait. Sabagay, hindi naman niya ito masisisi. They look worlds apart. She's scruffy, rugged while Almira is so fab. Sa katunayan, sobrang bagay ito kay Harland! They look good together. She inhale abruptly tapos ay muling bumalik sa kinaroroonan ng mga ito. Tinapunan siya ng naaawang tingin ni Luigi. She force a smile sa lalaki bago lumapit sa dalawa. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon