(Pretend Wife) 19

18.2K 383 12
                                    

"You are so bea-- no, you are breathtaking, iha! As gorgeous as those flowers that you're holding. Kanino galing yang mga yan?" si Lola Carmela ang unang nakabawi mula sa tila pagkabatubalani sa pababang si Czarina. She throw playful glance sa kanyang apong si Harland which made his cheeks turns red. Gustong kiligin ng matanda sa nakikitang uneasiness ng apo. It's been ages since the last time she sees Harland flushing and feeling uncomfortable sa panunukso niya. Usually, he treats every blind dates that she and Marissa had set-up as more of a business meeting. Pero may palagay siya na Czarina really woke up her grandson's inner Romeo. 

"T-thank you, Lola Carmela! Bigay po sa akin 'to ni H-harland." sagot ni Czarina. Sinulyapan niya ang "asawa" na ngayon ay nasa broadsheet na binabasa na muli ang pansin. 

"Really? That is so sweet of you, Harland. Deep pink roses suits you, Iha! Kaso nagtatampo ako, you haven't given me flowers in a long time, anak?" kunwa naman ay nagtatampong sabi ni Marissa sa anak. Naiiling na lamang si Harland habang pilit pa rin na tinututok ang pansin sa pahayagan na hawak kahit pa ang totoo ang nasa kanyang isip ay kung gaano kaganda kanina si Czarina habang pababa sa hagdan. Morning really do her good! She's so beautiful like a flower blossoming early mornings. 

"Halika na, Iha! Join us here. Ipapagising ka na sana kanina ni Harland eh. Nag-aalala siya sa'yo kasi di ka pa nag-dinner." panunundyo muli ni Lola Carmela. Czarina just smiles, pagkatapos ay lumapit na din sa hapag. 

Napansin naman ni Harland na natigilan ang babae na tila hindi alam kung saan uupo. Sa kanan kasi ay naroroon ang kanyang Lola at Mama, sa kaliwang side naman ay si Cythina at Charles. 

"Dito ka na lang..." 

"Sit here!" 

Magkasabay na tumayo sila Harland at Charles upang hilahin ang mga silyang bakante na malapit sa kanila. Napaawang naman ang bibig ng babae habang nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang lalaki. Maging ang iba pang mga tao sa hapag kainan ay nagulat sa sabay na pagtayo ng dalawa. 

A muscle on Harland's jaw flexes. Tinapunan niya ng malamig na tingin si Charles, na ipnagkibit balikat lamang ng huli. Lumapit siya sa babae na parang tinirik na sa kinatatayuan, at marahan itong hinila sa isang kamay. "Sit here!" iginiya niya ito sa upuan na hinila niya para dito. 

Charles just smirk, bago muling maupo at ipagpatuloy ang pagkain. He has a feeling na naasar na naman niya ang kanyang kapatid sa kanyang ginawa. And he finds it so cool, dahil ang normal na Harland-- wala laging reaksiyon when it comes to him as if he doesn't exist. 

Nakita niyang naglagay ng pagkain ang babae sa sarili nitong pinggan, then also put foods on Harland's plate habang nakikipag-usap sa kanilang Lola Carmela. She also makes coffee for him na tinanggap naman ng kapatid with a ghost of sheepish smile on his lips. 

That smile-- ngayong lang niya nakita iyon from his half-brother. Like he is feeling please and giddy! Sinulyapan niya muli si Czarina na ngayon ay humahagikgik sa kung ano man ang sinabi ni Harland dito. Her face is beaming with so much light; a light na pakiramdam ni Charles ay hindi kinatatakutan ng kanyang kapatid. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"S-sana lang po ay m-mapagbigyan nyo ang kahilangan namin, Sir Harland. N-nakausap na po namin si Madam Carmela maging ang inyong Mama. P-payag po sila sa hiling namin, p-pero nasa sa inyo pa rin daw po a-ang h-huling d-desisyon." butil butil ng pawis ang lumalabas sa noo ni Mang Gaspar, ang Presidente ng samahan ng mga magsasaka ng kanilang lupain na nasa silangan ng hacienda, sa pagharap kay Harland. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon