(Pretend Wife) 4

19.4K 440 12
                                    

Nagmamadaling nag-ayos ng sarili si Czarina. Kanina lang ay dumating ang mga opisyales ng City Hall upang ipaalam sa kanila na pumayag na ang may-ari ng lupa para sa isang dialogue. Muntik pa siya mapatalon sa tuwa sa narinig na balita. Nagbunga ang kanyang pagod sa pagsadya sa opisina nito sa Makati. 

Agad tumungo sa Barangay Hall ang kanyang itay. Nagpa-iwan muna siya dahil kagigising lamang niya at isa pa, kailangan niyang maging presentable. Baka nabasa kasi rin nito ang kanyang ginawang sulat, baka kausapin siya nito. Nakakahiya naman kung hindi man lamang siya nag-abalang mag-ayos. 

Muli niyang sinuklay-suklay ang kanyang mahabang buhok. Naglagay din siya ng baby powder sa kanyang mukha. Pinahiran din niya ng lip gloss ang kanyang labi. She opted to wear her Sunday dress. Bulaklaking bestida na hanggang tuhod. Ilang minuto pa siyang nagpaikot-ikot sa harap ng salamin, at nang masigurado na ayos na ang kanyang itsura ay napagpasiyahan na niyang lumabas upang tunguhin ang barangay office kung saan magaganap ang diyalogo. 

Nagpalinga-linga si Czarina. Sa pinakaunang hilera ng mga upuan niya nakita ang kanyang itay. Napangiti siya. Isa ang kanyang mga magulang sa mga unang residente sa kanilang barangay kaya naman malaki ang paggalang ng kanilang mga kapitbahay at ka-barangay sa kanyang ama. 

"Magandang Umaga sa inyong lahat mga ka-barangay! Nandito tayo ngayon dahil na rin sa kabutihang loob ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng ating mga kabahayan na pagbigyan ang ating kahilingan para sa isang diyalogo." pambungad na salita ng kanilang Chairman. Mabilis na tinungo ni Czarina ang kinaroroonan ng kanyang itay. Binati pa niya ang ilang kapitbahay bago tahimik na naupo sa tabi ng ama. 

Nakangiti niyang ibinaling ang tingin sa unahan kung saan nakatayo ang kanilang chairman. She feels good! Pakiramdam niya ay maganda ang kahihinatnan ng araw na ito. Hinihiling niya na sana ay pumayag ang may-ari na ibigay na lang sa kanila ang lupa, o di kaya ay ibenta na lang sa kanila ng hulugan. 

"Nais kong ipakilala sa inyo ang kaisa-isang anak ni Don Ramon Forto. The owner and CEO of Forto Group of Company, at siya ring may-ari ng lupa sa ating buong barangay, Mr. Harland Forto." muli nilang narinig na pagsasalita ng kanilang Chairman. Biglang nagkaroon ng katahimikan sa loob ng Barangay Hall, lahat ay gustong makilala at makita ang taong kailangan nilang kumbinsihin na ipagkaloob sa kanila ang lupa na naging 'tahanan' na rin nilang lahat sa loob ng napakaraming taon. 

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, naramdaman ni Czarina ang pagsikdo ng kanyang dibdib. Pakiramdam din ng dalaga ay nahihilo siya. Marahil dahil na rin sa napakahalaga ng araw na ito para sa kanilang lahat. This is their only chance to save the piece of land that has been home for so many years. She knows how busy Mr. Forto is. Di ba nga't nakita ng kanyang sariling mga mata kung gaano kalaking kumpanya ang pinangangasiwaan nito? Kaya naman baka hindi na muli nitong maisingit sa napaka-hectic na schedule ang isa pang diyalogo. They must convince him now. 

Nasa ganon siyang pag-iisip ng marinig ang isang tinig na pamilyar. She glanced up, only to be stunned. Dahil ang nakita niyang nakatayo sa kanilang harapan ay ang dalawang lalaki na muntik ng makabangga sa kanya few days ago. 

Nanlaki ang kanyang mga mata ng mabaling ang tingin sa lalaki na nakita niya rin sa opisina ng mga Forto noong araw na pumunta siya roon. Kung hindi siya nagkakamali, Harland ang pangalan nito. Hindi kaya't ang Harland na ito at ang Harland Forto na may-ari ng Forto Group of company ay iisa? ayaw kumpirmahin ng dalaga sa utak ang sagot. This can't be happening! 

"Good morning sa inyong lahat! I am Luigi Perez, special assistant of Mr. Forto. We came here to have a dialogue with you about the Forto's land here in Sampaloc, Manila. May I introduce to you my boss, Sir Harland Forto." At nang inabot ng lalaking nangangalang Luigi ang mikropono sa lalaking nasa tabi nito, parang gustong panawan ng ulirat ni Czarina. Pakiramdam niya ay nawalan ng dugo ang buo niyang katawan. Hindi ba't nakasabay pa niya ito sa elevator? Sinabi pa niya dito na kaibigan niya ang may-ari ng kumpanya ng tanungin siya nito kung ano ang kanyang sadya sa building na yun. Palihim niyang pinagalitan ang sarili. Sigurado na siya, lalong wala na silang pag-asa na makumbinsi ito na makuha ang lupa. Didn't she slapped him the first time they bumped into each other? 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon