(Pretend Wife) 6

19.1K 406 10
                                    

After a seemingly forever flight from California to the Philippines, their plane finally landed at NAIA 2. Pakiramdam ni Czarina pati ang kaluluwa niya ay pagod na pagod, idagdag pa ang nararamdamang jet lag. Oo nga't hindi naman niya first time to travel abroad, pero ang pinakamalayo pa lamang niyang napupuntahan ay Hongkong. At dahil lang yun sa isang seminar na siya ang ipinadala during college, the reason kaya siya may passport. 

She checked the time. Alas-kwatro lang pala ng hapon. Kaya pala napakarami pang tao sa airport. She couldn't wait to go back home. Alam niyang marami pa siyang kailangan ipaliwanag sa kanyang itay. Nasa ganon siyang pag-iisip ng bigla na lamang may humila sa isa niyang kamay. Gulat na gulat na nag-angat siya ng tingin. Si Harland, kasunod nito si Luigi. 

"Hey, ano bang ginagawa mo?" pilit niyang hinihila pabalik ang kanyang kamay. Ngunit hindi ito pinakawalan ng lalaki. He just instead pull her closer, and wrapped around his other arm around her. Then he lean over to whisper on her ear, 

"Retard, we are married, you forgot? Maraming reporters sa labas, not to mention paparazzis. Kaya act accordingly." mariin nitong bulong sa kanya, but still manage to form a smile on his lips. Kahit pa alam niyang pilit ang ngiting yun, naisip pa rin ni Czarina na sobrang mas gwapo ito pag nakangiti. 

Tama nga ito, as soon as they walk through the exit door, bigla ang kislapan ng mga cameras. Meron pa nga pilit ini-interview si Harland. Ang buong akala ni Czarina ay sa mga artista lang interesado ang mga reporters, hindi niya akalain na maging sa buhay pala ni Harland ay interesado ang mga ito.

Sabagay, hindi naman nakakagulat! Sabi nga, he is a business tycoon at 33. Considered as one of the most eligible bachelor in the entire country. Single for so many years, kaya naman isang napakalaking surpresa na makita ito na may kasamang babae na bumiyahe, and to top it all, they look so sweet together. Kung titingnan kasi, Harland is a picture of a man's in love. Hawak nito ang kanyang isang kamay ng mahigpit, habang yakap naman siya ng isang braso nito. But of course, alam niya ang katotohanan. All is just for a show. 

"Mr. Forto, good afternoon! We're here to ask your opinion regarding your latest business venture and being hailed as the most succesful businessman in the Philippines. But, I think you gave us a more juicy worthy news." narinig niyang tanong ng isang showbiz reporter. Nakikilala niya ito, kung hindi siya nagkakamali, galing ito sa isa sa pinakamalaking istasyon ng bansa. Madalas niya itong mapanuod sa mga evening news, hawak nito ang showbiz news. "Sir Harland, is it safe to assumed that you are now taken?" pangungulit nito sa lalaki habang hinaharangan sila ni Luigi. Noon lang din napansin ni Czarina na meron pang ibang security na nakapaligid sa kanila. 

"Hello, Grace! Malakas ka sa akin eh, kaya I will answer your question. I am not yet taken...." sagot ni Harland na binigyan ng ngiti ang magandang reporter. Nakaramdam ng kakaiba si Czarina. Marahil dahil ngumiti ito sa babae, pero sa kanya, hindi pa niya nakikita na nakangiti ito. 

"You are not taken? So, who is this lady you're hugging here?" tanong na naman ng babae na halata pang nagpapa-charming kay Harland. Nagsalubong ang kanyang kilay, a mannerism na hindi niya napapansin ngunit madalas niyang nagagawa pag nakakaramdam siya ng inis. Halos lahat ay tila hindi humihinga in anticipation sa isasagot ng lalaki. "Bakit pa-sweet sweet pa 'to? Umarte pa daw ako ng tama, tapos ide-deny din pala ako. Hmp!! Baliw talaga!" bulong ni Czarina sa sarili. 

"I am not taken, Grace! Because I'm already hitched. The lady here is my wife. Umalis ako sa Pilipinas na single, I came back as a married man. Hanggang diyang lang ang masasabi ko. Now, if you'll excuse us. Thank you everyone!"  inalalayan siya nito na maglakad palayo sa mga reporters. But they are so persistent. Halos mabulag na si Czarina sa flash ng mga camera. Lahat ay gustong makakuha ng kanilang larawan. Naradaman niya ang pagtulak ni Harland sa kanyang ulo. He buried her head on his chest which covered her face. Pumikit si Czarina. Hindi man niya gusto, ngunit nakakaramdam siya ng security sa dibdib na iyon ng lalaki. She feels like it's the safest place right now! Parang walang nangyayaring kaguluhan sa paligid, parang walang makakasakit sa kanya. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon