(Pretend Wife) 24

17K 394 18
                                    

Pumasok si Czarina sa silid ni Harland pagkatapos ng tatlong katok sa pinto na walang sumagot. Nakita niyang nakaupo ito sa study table, nakatitig sa harap ng laptop pero halata naman na wala dito ang pansin.

"H-hi!" pukaw niya sa atensiyon nito. Doon pa lang parang natauhan ang lalaki. Nilingon siya nito.

"W-why are you here?" kunot ang ulo na tanong ni Harland sa babae.

"Hmm, o-okay ka lang ba? Kasi kanina nung pauwi tayo, wala ka ng kibo. Di mo na ako kinakausap. May problema ka ba? Gusto mong pag-usapan?" naupo siya sa silya na nasa tapat ng study table nito.

"W-wala naman akong problema! M-masakit lang ang ulo ko...." sagot nito. Malungkot na ngumiti si Czarina. Halata naman na bother ang lalaki sa paghaharap nila nung Shane, pero nalulungkot siyang isipin na ayaw sa kanyang i-share ng asawa ang nararamdaman nito. Sabagay, sino ba siya? Asawa lang naman siya nito sa papael, nothing more.

"G-ganun ba? S-sige! Matutulog na ako. Bukas pala, papasok na ulit ako sa pre-school." hinihintay niya na mag-react ito katulad ng dati, makipagtalo ito sa gusto niyang mangyari, pero tumango lamang ito as if he didn't hear anything. "S-sige! I'll go ahead. By the way, nakalimutan ko palang ibigay sa'yo 'to." inilapag niya ang paper bag sa lamesa ng lalaki.

"What's that?"

"Gift ko for you sana, kaso hindi ko naibigay kanina. Thank you sa pagpapa-check up sa Itay ko habang wala ako sa tabi niya. Thank you din sa painting nang Inay ko na binigay mo. Sobrang na-appreciate namin yun. S-sige!" yun lang at lumabas na siya sa silid nito with a heavy heart. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero masakit-- masakit na masakit.

Habang si Harland naman ay tinitigan ang inilapag na regalo ng asawa. Pagkaraan ng ilang sandali ay napagpasiyahan niyang damputin iyon. Maayos iyong nakabalot sa Manila Paper. Sinira niya iyon! Carricature niya bilang Superman na may suot na korona, may suot din ito na isang asula na necktie-- pinangalanan ng babae ang carricature na "Superman Your Highness". Naka-kwadro din ito sa isang medium size na picture frame. Hinaplos niya ang pirma ng asawa-- CZARINA. And before he knew it, tears rolling down on his face.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lumipas ang mga araw na laging walang kibo si Harland. Kahit pilitin ni Czarina na patawanin ang asawa, parang tila bumalik ito sa dati nitong asal-- snob, cold, silent. Maging ang mga pagkain na hinahanda niya ay di na ganong ginagalaw ng lalaki. Paminsan-minsan ay naririnig niya itong may kausap sa cellphone. Minsan naman ay lumalabas sa gabi, at late na kung umuwi.

And Czarina knows that it's all because of that woman-- Shane. She wish na sana alam niya kung paano muling patawanin ang lalaki, dahil nasasaktan siya sa nakikitang pagdurusa nito kahit hindi pa nito sabihin.

"Czari, czari!" napahinto siya isang umaga sa pagmamadali upang pumasok sa pre-school kung saan siya nagtuturo. Si Nanay Cora iyon.

"Nanay Cors, magaling na kayo?" masaya niyang bati sa matandang babae. She glanced on her wrist watch, di bale-- sigurado siyang magagawan naman ng paraan ni Luigi na makarating siya sa oras sa pre-school.

"Oo, Mam! G-gusto ko lang magpasalamat sa'yo saka kay Sir Harland."

"Nanay Cors naman, sabi ko na sa inyo-- Czari na lang eh! Masaya po ako na okay na kayo." aniya.

"Oo nga eh! Napakabuti nyong mag-asawa. Akala ko dati salbahe si Sir Harland, pero napakabait pala. Gusto ko nga sanang magpasalamat sa kanya ng personal kanina sa paglalagay niya sa anak ko sa scholarship ng Forto's Foundation para makapag-aral sa college pero.."

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon