(Pretend Wife) 10

18.1K 389 6
                                    

Napabalikwas ng bangon si Harland sa mahihinang katok sa kanyang pintuan. He checked the time. It's 3:30 in the morning. Mabigat ang ulo na tumayo siya sa kanyang kama at tinungo ang kanyang pintuan upang alamin kung sino ang kumakatok. Si Luigi! Alanganin itong ngumiti sa kanya. 

"Good morning, Sir! Nagpagising po kayo sa akin ng 3:30 am. Ngayon po ang punta natin sa Batangas with Cza-- with your wife." sabi ng lalaki ng makita ang pagtataka sa kanyang mukha. Natuptop niya ang kanyang noo ng maalala ang lakad. Siya 'tong nagpaalala kay Czarina na maaga ang kanilang lakad ngayong araw, nakalimutan din pala niya. Nilakihan niya ang bukas ng kanyang pinto para makapasok si Luigi. He go straight to the bathroom para maghilamos and to brush his teeth. 

"Sir, nasa kusina na rin po si Rosario, preparing for your breakfast. Gusto nyo po bang magpa-pack ng pagkain para sa biyahe?" nakatayo lang sa tapat ng pinto si Luigi. Kahit pa hinahayaan siyang pumasok ng kanyang boss sa loob ng silid nito, ayaw pa rin niyang maging masyadong pamilyar lalo may ibang tao sa loob ng unit nito. 

"Wag na, Luigi! I'm sure di naman tayo aabutin ng mahabang oras pag umalis tayo ng maaga." sagot niya nang matapos na siyang magsipilyo. 

"Okay, Sir! Gusto nyo po bang gisingin ko na rin si Cza- ang misis nyo po?" naunang lumabas si Luigi sa pinto, bahagya pa itong yumukod sa kanya. Umiling siya at itinaas ang isang kamay bilang tanda na siya na lang ang gigising sa babae. Magkasama nilang binagtas ang daan papunta sa guest room kung saan natutulog si Czarina. 

Kinatok niya ng mahihina ang pinto. Walang nagbukas o sumagot man lang. Muli siyang kumatok ng tatlong beses, pero wala pa rin. Hinawakan niya ang door knob at inikot iyon. Kumunot ang kanyang noo ng malamang hindi iyon naka-lock. Marahan niya iyong tinulak, only to see Czarina sleeping like a pig. Sa liit na iyon ng babae, halos sakupin nito ang Queen Size bed dahil sa pagbukaka. Nakataas pa ang dalawang kamay na tila ayaw sayangin ang natitira pang espasyo ng kama. 

Napatingin si Harland kay Luigi na ngayon ay pinipigilan matawa sa nakita nilang itsura ng babae pag natutulog. "Tssss! Hanggang sa pagtulog walang poise." mahina niyang bulong. Sinensyasan niya si Luigi na manatili lang sa labas ng pinto, habang siya naman ay tahimik na lumapit sa kama. Narinig niya ang mahinang paghilik nito, nakanganga pa. Ang buhok nito ay halos takpan ang buong mukha nito, exposing only her mouth kaya niya nakita na nakanganga ang babae.  

Napangiwi si Harland. Kahit pa sa loob ng mahabang panahon ay nanatili siyang single, he had his quiet share of no-string-attached relationship. Bed partner, in a harsh term. Ang mga babaeng nakasama niya ay laging poise pa rin kahit tulog. They are still their stunning self! It's his first time to see a girl na ganito kabarubal matulog. 

Tatapikin niya sana ang balikat ng babae ng marahan itong gumalaw dahilan upang mahawi ang buhok na nakatakip sa mukha nito. He took steps back. Natigilan si Harland ng mapagmasdan ang mukha ni Czarina. Ano bang sabi nila? Malalaman mong maganda ang isang babae kapag bagong gising o di kaya ay kapag maganda ito sa umaga? He thinks that sounds so true, because he feels like he is staring at an angel. 

Oo nga't his string of women were stunning, glam, fab and full of poise. But they all don't look as good as this woman he is staring right now the next day. Kasi madalas, when all the make-up and all the fancy clothes were gone, hindi na rin ganun kaganda ang mga babaeng kanyang nakasama. 

Harland close his eyes tightly and fought for control. Di niya gusto ang nararamdamang mumunting paghanga sa babae. Hindi dapat ganito. Nagulat pa siya ng magmulat siya ng mata ay nakasalubong niya ng tingin si Czarina na tila naalimpungatan. 

"Hoy, anong ginagawa mo dito? Gusto mo akong pagsamantalahan, nu? Grabe ka! Akala ko pa naman magkaibigan na tayo pero--" 

"Tssss! Tumigil ka nga diyan. FYI, you're not rape-able. Ang payat mo kaya, mukha kang tingting. Walang korte yang balakang mo, straight yang waist line mo, pati yang ano mo-- ah ewan! Feeling ko nga surfboard ka nung past life mo eh!" angil niya sa babae na tila ngayon pa lang natatauhan. May kinuha ito sa side table. An old model Nokia Cellphone. Harland watch her in amusement. Naaaliw siyang malaman na meron  pa palang tao na hindi naka-Iphone ngayon, or even a smart phone. She is really a girl of surprises. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon