(Pretend Wife) 27

20K 398 23
                                    

"Here!" inabot ni Czarina ang tasa ng kape mula kay Harland. Pagkatapos nitong kumanta ay dinala siya ng lalaki sa isa sa mga silid ng exclusive hotel na yun para daw makapagpalit siya. Gusto niya sanang sabihin na wala naman siyang dalang damit pamalit, pero wala na siyang nagawa nang hilahin siya ng asawa. 

Lalo siyang nagulat ng ibigay sa kanya nito ang isang itim na maong pants, gray na tshirt, bagong blue na converse-- even new set of undies. And much to her suprise, tama ang mga sizes nito. 

"T-thank you nga pala ha! S-saka thank you sa damit ko. P-paano mo nalaman yung sizes ko?" muntik pang maibuga ni Harland ang iniinom din na kape dahil sa kanyang sinabi. 

"S-si L-luigi ang inutusan kong bumili nyan diyan sa malapit na mall." he feels like flushing. 

"G-ganon ba? A-ang galing talaga ni L-luigi, nu?" parang nasisiyahan nitong pinagmasdan ang suot na mga bagong damit at sapatos. Napangiti si Harland, jeans, shirt and sneakers suit her best. Oo nga't maganda ito kanina, but he likes her better when she is this casual and relax.

Isang mahaba at nakakailang na katahimikan ang namagitan sa kanila. Hindi malaman ni Czarina kung ano sasabihin. Gusto niyang magtanong sa mga sinabi at ginawa ng lalaki kanina, pero nakakaramdam siya ng hiya. 

"Uhmm, Czarina--  yung kanina..." basag ni Harland sa katahimikan. She suddenly feels like her heart is palpitating abnormally. 

"A-ah, d-don't worry, ginawa mo lang naman yun di ba para i-save ako sa pagkapahiya saka.." maagap na tumayo si Czarina. Bigla-bigla kasi ay para siyang pinagpapawisan ng malalapot kahit pa malakas naman ang aircon. 

"No! I mean it. I mean everything I've said." hindi namalayan ng babae na nasa likod na niya pala si Harland, bago pa siya muling makaiwas ay nayakap na nang lalaki ang mga braso nito sa kanyang beywang. He rested his chin on her shoulder, the close his eyes. "Alam kong galit ka sa akin. Sinabi mong galit ka sa akin. Tanggap ko yun because I deserved it. Be mad at me, just don't hate me k-kasi m-masaya a-ako pag nandito ka sa tabi ko! Aaminin ko, natakot ako para sa nararamdaman ko sa'yo. P-pero sawa na akong matakot. Sawa na akong takbuhan ang pagmamahal, and it's all because of you, Czarina.." 

"H-harland.." 

"Sshh! Please patapusin mo muna ako, habang malakas pa ang loob ko, habang hindi pa ako tinatalo ng mga fears ko. Czarina, I just want to say thank you. Thank you for existing. Thank you for being patient with me. Thank you for helping me realized my worth. You helped me remember that I deserved to be treated right, and that's exactly what you did for me kahit pa ilang beses kitang ipagtulakan, kahit pa sungitan kita. 

You are a perfect woman-- my kind of woman-- a breed I didn't know existed anymore because of how badly I was treated in the past. N-nagmahal kasi ako m-masyado dati. Pagmamahal na halos ibinigay ko na ang lahat, p-pero muntik na akong mawasak. Wala kasi akong tinira. Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako muling magmamahal ng ganun, na lahat ng babae, ng tao; pare-parehas lang. I jailed myself inside my own shell where-in no one could hurt me. 

That's why it took a while for me to come around when someone finally started treating me right. When you came, natakot ako liwanag na dala mo. Mahirap para sa akin na paniwalaan at tanggapin ang kabutihan mo. But you helped me overcome that. 

You reminded  me that it's okay to be vulnerable and it's okay to feel.... Y-you n-never judged me, even when the world already has their own perceptions about me. You, you, infact-- help me heal! 

C-czarina, takot pa din ako. P-pero mas takot akong mawala ka sa buhay ko. And I-i want you know n-na, m-mahal kita. And I like it how even with just by hearing your name-- you can silence my demon. You always inspire me to be a better person..." si Czarina naman ay halos hindi na nakapagsalita. Lalo na maramdaman niya ang pagyugyog ng balikat ng lalaki, at maya-maya lang ay naririnig na niya ang pag-iyak nito. Humarap siya sa dito para sana yakapin ito, pero nagulat siya ng bigla na lamang itong lumuhod sa kanyang harap at yakapin ang kanyang mga binti. He's crying and shaking-- kaya naman hindi na din napigilan ni Czarina na maiyak. Ahh, his highness, his superman is showing his vulnerability in front of her. Parang may kung anong humahaplos sa kanyang puso watching him cry like this. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon