Shan's POV
One week na rin ang lumipas. At gaya ng sinabi ni Mommy, nagfile nga siya ng kaso kaya napatalsik na sila Tiffany sa Maeviery University.
So far, wala na namang gumugulo sakin maliban kay Marlvic at kay Charlie.
Ginugulo ako ni Marlvic sa pamamagitan ng pangungulit niya sakin. Lagi niya akong kinukulit na makipagbalikan sa kaniya pero lagi naman akong tumatanggi.
Nasabi ko na sa kaniya na hanggang friends nalang kami.
Noong nasa hospital pa ako, naisip ko na isa lang pala ang gusto ko at hindi si Marlvic yun. Bahagi nalang siya ng past ko na sobrang spesyal sakin.
At ang taong gusto ko ay sobrang ginugulo ang isip ko. Unlike before, we kept on ignoring each other. Para kaming hindi magkakilala. He can't look at me at ganun din ako sa kaniya.
Minsan kapag kailangan naming magpansinan kinakausap ko siya pero siya walang ginawa kundi sungitan ako!
Nakakainis kaya yun! It hurts you know!? Harhar!!
"Hoy babae! Nagmumukmok ka nanaman diyan! Move on! Marami pang lalaki diyan!" napaangat ang first ahil sa baliw na babaeng nagsasalita.
Tsk! Ang baliw talaga nito!
"Para ka talagang engot! Kaya ka di nagugustuhan ni Dwayne e" pabirong sabi ko.
Tinawanan niya lang ako saka nagsalita.
"Hindi ko naman talaga inaasahang magugustuhan niya ako eh. Sino nga ba ako? Simpleng babae na may lihim na pagtingin sa kanya. I'm not hoping na sana maging kami balang araw okay na sakin na magkaibigan kami ngayon. Hindi naman kailangang maging kayo para mahalin mo ang isang tao eh." nakonsensiya naman ako ng lumungkot ang boses niya.
Well! Masasabi kong tama siya. Hindi nga kailangang maging kami -
Erase! Erase! Bakit na naman siya nasama dito!?
"Sam pag-"
"HUGOOOOT! HAHAHA! OKAY BA?"
=__________________=
Pakibatukan nga tong babaeng to para sakin!
"Hayy nako! Malala ka na" sabi ko saka tumayo.
"Saan ka pupunta?" pigil niya sakin.
"Papasok na sa room! Saan pa ba?" sarcastic na sabi ko
"Ahh! Sige magklase ka mag-isa! Hahahaha! Wala tayong klase baka di mo alam!" napatigil ako sa sinabi niya.
Huh!? Walang klase!? Bakit na naman?
"Bakit-"
"Hindi ko alam kay My loves! Mag-mall nalang tayo" sabi niya saka ako hinatak.
BINABASA MO ANG
My Instant Boyfriend (ON-GOING)
Teen FictionHindi lang pala NOODLES ang instant kundi pati BOYFRIEND na rin?