Shan's POV
Nakapalumbaba lang ako habang nakatingin sa kawalan. Hindi ako nakikinig sa instructor ko kung ano man ang dinidiscuss nya. Wala rin naman akong maiintindihan. Last subject ko na sya ngayong araw at dahil mahal ako ni Lord, tatlong subject ko lang kaklase ang senyorito na yun! Akalain mong sa simpleng bagay inuutos pa sakin? Katulad ng pagkuha ng ballpen sa bag nya, pati notebook pinapakuha rin tapos kapag tinatamad sya magsulat sakin pinapasulat! Tsk! Kapal muks eh! Kung hindi lang talaga ako tanga at tinamaan ng malas na sya ang mahila kong 'boyfriend' doon sa party edi sana payapa ang buhay ko ngayon? Sana hindi ako nagpapaalipin sa batugan na to!
Dali dali akong nag-ayos ng Idissmiss kami ng instructor namin. Mahirap na baka maabutan na naman ako nun at ipadala sakin ang bag nyang uber sa bigat! Ewan ko ba kung anong laman noon! Akala mo maglalayas sa sobrang bigat ng bag eh! Dinala na nya yata lahat ng gamit nila sa bahay nila.
"Shan!" Napalingon ako sa babaeng tumawag sakin.
Si Sam pala, isa sa mga 'feeling friend' ko. Feeling dahil una sa lahat hindi kami close pangalawa friend lang kami kapag trending ang pangalan ko dito sa school like noong naging kami ni Marlvic, noong hinarana nya ako and obviously trending na naman ang pangalan ko dahil na-link ako dun sa Charlie na yun! Naiinis parin ako sa kamalasan ko noong gabing iyon!
Ngumiti lang ako sa kanya habang papalapit sya sakin.
"Kamusta kana? Kanina pa dapat kita lalapitan noong wala pa si Sir kaya lang nakatulala ka kaya hindi muna ako lumapit baka snobin mo ko"sabi pa nya
Hindi ako sumagot. Nakakailang kasi hindi naman kami ganoon ka-close pero mabait naman sya yun nga lang hindi kami naguusap kapag hindi trending ang pangalan ko!
"Okay lang naman"sagot ko
"Balita ko boyfriend mo si Charlie, yung exchange student natin? Ang swerte mo girl"sabi nya
Kitam? Sabi sa inyo lalapit yan kapag trending na ang pangalan ko eh!
Tsaka ano daw? Swerte? Asa naman, eh ngayon palang minamalas na ako dagdag mo pa ang pangaalipin nya sakin! Malas !!
"Hi-"
Magsasalita pa sana ako kaya lang may impaktong humigit sakin at dali-dali akong hinila palabas ng room. Hindi na ako nakapag-paalam pa kay Sam dahil kung kaladkarin ako ng mokong na to ang inam! Personal assistant slash nanny slash tao po ako hindi sako!! Makahila wagas kulang nalang malagot na ang braso sa pagkakahila!
Kumapit ako sa poste malapit sa isa sa mga room na nadadaanan namin habang kinakaladkad ako ng senyorito dahilan para mapatigil sya sa pagkaladkad sakin.
"Tao po ako hindi sako!" Asar na sabi ko
Nanakit ang braso ko sa pagkakahatak eh!
"Psh! Let's go, you have many things to do"
Saka ako hinila ulit! Amputek!
"Tekaaaa!! Saan mo ba ako dadalin? Uwian na po mahal na senyorito baka hindi nyo alam!"sabi ko
BINABASA MO ANG
My Instant Boyfriend (ON-GOING)
Novela JuvenilHindi lang pala NOODLES ang instant kundi pati BOYFRIEND na rin?