Shan's POV
"Pangga! Di ko nga magets eh! Huhu pwede iba nalang?"sabi ko
"No! Answer that! I'll give another ten minutes" sabi niya saka nag-headset ulit.
Nagpout nalang ako at tumitig sa yellow pad na nasa harapan ko. Nandito kami sa library kanina pa. As in tatlong oras na kami dito pero di ko parin masagutan tong pinapasagutan niya. Sa dinami-dami ba naman eh logic pa! Anak ng tinapa! Eh sa math nga bopols na ako sa logic pa kaya? Tsk! Kukutusan ko talaga yang nagimbento ng JLPT exam na yan eh!
Bumalik nalang ako sa pagtitig sa papel ko. Sana lang may lumitaw na sagot dito.
'Answer lumabas ka'
'Sagot lumitaw ka! Ashushushushu' paulit ulit kong sabi na para bang nagmamagic. Naghinto ang pagmamahika ko ng may umabala sa konsentrasyon ko.
"Just answer this and stop that insanness!!" Bossy niyang sabi
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Pangga! Tutor ang trabaho mo diba? Eh mukhang di mo naman ako tunuturuan eh! Pinapasagot mo lang ako tapos di ko pa alam kung paano yan! Eh kung wattpad stories nalang ang tinanong no sakin edi gunanahan ako? Eh logic! Seriously?" Paliwanag ko.
Umiling naman sya saka inagaw ang papel na nasa harap ko saka kumuha ng ballpen. Napangiti ako. Hehehhe! Tuturuan na ako ng pangga ko yeah!
"Listen! Once I already said I didn't repeat it so eyes on me and lend me your ears" cool niyang sabi
Ehmeged! Eyes on him daw oh! Ibig sabihin tumitig daw sa kanya! Wohoo! Heaven!
"This.. 2,1,½, and ¼ so ⅛ would be the next. How that was happen? Listen blah blah blah" di ko na maintindihan kung anong sinasabi niya. Nakatitig lang ako sa mukhang anghel na nasa harapan ko. Bakit ang gwapo niya? His kissable lips, pointed nose, long eye lashes, brown eyes. He almost perfect as my boyfriend and I'm happy about that even its err! Its a fake relationship though–
"I said lend me your ears!"
Nakasimangot na hinimas ko ang baba ko na pinitik niya.
"Nakikinig naman ako ahh" angal ko.
Ang sakit eh! Pitikin daw ba ako? Tsk!
BINABASA MO ANG
My Instant Boyfriend (ON-GOING)
Fiksi RemajaHindi lang pala NOODLES ang instant kundi pati BOYFRIEND na rin?