Chapter Two

177 14 7
                                    

AUTHOR'S NOTE: ayan po si charlie sa right side ^__^

Shan'sPOV

Hindi parin ako maka-move on sa party. One week na ang nakakalipas at pasukan na namin ngayon. Pero bothered parin ako. Hindi ko na tinapos pa ang party dahil sa shocking skemberlu na nangyari. Isipin nyo, sa dinami dami ng pwede kong hatakin at gawing boyfriend that night bakit si Charlie pa na famous sa school namin? Well, hindi ko sya kilala dahil exchange student sya at kahapon ko lang nalaman kung gaano sya ka-snob. Hindi naman ako naniniwala sa source ko dahil hindi naman sya snob sakin nung gabing yun. And damn! I kiss him and I remember how he response to my kisses. Ang epal naman kasi ng jealousy ko sa katawan eh. Grr! Ngayon ko lang narealize ang kagagahang nagawa ko. Tsk!

Nandito na ako sa school pero sa labas lang. Ayoko pang pumasok dahil baka makita ko ang pagmumukha ni Charlie. Hindi naman kasing kapal ng bakal ang pagmumukha ko kaya may hiya parin ako– wait hindi lang basta hiya kundi sobrang hiya!

"Shan–"

"Ay kabayong walang paa! Gosh. Ano ba–Marlvic? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

Nagulat nga ako sa bigla nyang pagsulpot pero mas nagulat ako kung bakit sya nandito? Atsaka nasan ang girlfriend nyang mukhang tikling?

Err! Ikaw, shan hah! Bad yan wag kang manglalait ng kung sino sino!

"Napansin lang kita dito so decided na puntahan ka. Bakit ka nandito sa damuhan? Nagtatago ka ba?" Nagtataka nyang tanong.

Hmm! Nakakahiya mang aminin pero nandito nga ako sa may damuhan. May maliit na bukid kasi sa tabi ng university namin kaya dito ko napiling magtago muna. Hindi naman ako pwedeng magpakalat-kalat dyan kasi baka makita ko si Charlie at ipahiya nya ako sa maraming tao.

"Hah? Ah hindi hehe, wala akong pinagtataguan" sabi ko

Okay. Shanea ikaw na ang sinungaling! Ikaw na.

"So what are you doing here?" Tanong nyang, muli.

Urgh! Ano ba Marlvic? Bakit ka pa tanong ng tanong? Concern ka ba? Siguro mahal mo pa rin ako.

Tsk! Kating Kati na ang dila ko na sabihin yan kaya lang di ko magawa. Ayokong mas lalong masaktan kaya mas mabuting wag na kong, magtanong.

"Ahh- nagbabawas?"

Err! Shanea napakatanga mo talaga! Sa dami ng excuse, nagbabawas talaga ang ginawang alibi? I'm sure, double-  no triple na ang pagka-turn off sakin ni Marlvic ngayon.

Poor Shan! Never ka ng babalikan ng prinsipe mo.

"What? Are you crazy? There's lot of comfort rooms tapos dito mo pa napiling magbawas? What the hell Shanea?" May pasigaw nyang sabi.

My Instant Boyfriend (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon